Chapter 20

32.7K 987 264
                                    

B4 C20

Angelique's POV

"Kamusta ang pinababantayan ko Kane?"

"Bossing hindi pangkaraniwang bar yung bagong bukas. Sa labas pa lang, sampu na ata ang nagbabantay na bouncer. At hindi ka basta-basta makakapasok sa loob ng wala kang dalang isang attache case ng pera."

"Pumasok kami ni Kane doon kagabi bossing." Pagpapatuloy naman ni tito Val. "Hindi normal ang loob ng bar. Oo may mga nag-iinuman at nagsasayawan pero pagkapasok na pagkapasok mo lang, makikita mo na ang pagkakaiba sa ibang bar. Pagpasok mo pa lang sa loob ay makakasalubong mo na ang mga bangag na tao. Sa madaling salita, nagbebenta sila ng drugs sa loob."

"Good. I want you guys to make a floor plan of the area."

"Dad. Will you also eliminate them?" Hindi ko napigilang magtanong.

"Yes anak because they are the group 8."

"Kelan natin sila tatapusin boss?" Excited pa na tanong ni tito Jade.

"Bukas ng madaling-araw. Jade kumuha ka ng pera sa bangko. Dapat may tigi-isa tayong attache case mamaya."

"Masusunod bossing."

"Blake, ikaw ang bahala sa venue. Pupunta tayo doon ng sa susunod na araw. 2:30 am and make sure na pagdating ng 3 am ay papatayin mo lahat ng ilaw. Gusto ko ding maglagay ka ng maliliit na bomba sa mga circuit. Papalabasin natin na nasunog lang yung area."

"Chris, ikaw ang bahala sa mga gamit. Kumuha ka sa hide out ng mga baril at bala. Wag mong kakalimutan magdala ng silencer."

"Yes boss."

"Kunin mo na din pala yung mga night vision na eyeglasses doon. Kakailanganin natin sa dilim yun mamaya."

Nag-ring ang cellphone ni daddy kaya natigilan ang lahat. Matagal tinitigan ni daddy yung screen ng phone niya bago kinancel ang tawag.

"Kane at Val, kayo na din pala ang bahala sa mga bantay sa labas. Siguraduhin niyo din na walang harang sa mga exit para hindi tayo mahirapan sa paglabas-" Muli na namang tumunog ang cellphone ni daddy.

Tinignan niya muna ako tsaka si kuya bago ito sinagot. "Yes? .... I'm still at home. Okay.. okay.. I'll be there. Just wait for me okay?" Napakunot ang noo ko.

Tumingin ako kay kuya Premier upang magtanong pero nag-iwas lang siya ng tingin. Kilala niya ba ang kausap ni daddy?

"I need to go now. Proceed as planned. I'll be back before 7 pm." Tumayo na siya at hinalikan ako sa noo habang tinapik naman niya sa balikat si kuya.

"Dad.." Kinakabahang tawag ko.

"Yes anak?"

"S-sino pong tumawag sayo?" Natigilan siya sa tanong ko.

Tila nagi-isip siya kung sasagutin niya ba ako o hindi. "You'll met her soon."

"Her? Babae? Sino siya daddy?"

"I need to go now Liclic. Take care okay?" Nagdire-diretso na siya palabas.

"Kuya may babae si daddy? Kilala mo ba?"

"Have some rest Lic."

"Pero kuya narinig mo diba? Sabi niya her. Tapos ipapakilala pa daw satin. Sino yun?"

"Just get some rest okay!" Napalakas na ng kaunti yung boses ni kuya.

"Ang mabuti pa Angelique, sumunod ka muna sa kuya mo."

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon