Chapter 60

21K 546 65
                                    

B4 C60

"I've been in love and lost my senses... Spinning through the town... Sooner or later, the fever ends... And I wind up feeling down... I need a man who'll take a chance... On a love that burns hot enough to last... So when the night falls... My lonely heart calls... "

Naalimpungatan ako sa isang pamilyar na kanta. Dahil dito ay unti-unting nagbalik sa aking isip ang lahat ng nangyari kagabi.

Ang huling natatandaan ko na lang ay ang mukha ni Zach na may halong inis at galit habang pinipilit akong pakalmahin ng makarating kami sa bahay.

Sinuri ko ang buong kwarto at tahimik na tahimik ito. Nasaan kaya si Zach? Paniguradong lagot ako doon mamaya.

Mabilis akong naligo at nag-ayos para makababa na. Saktong alas otso na ng umaga ng mapatingin ako sa wall clock.

Dahan-dahan akong naglakad pababa at naabutan ko ang mga anak ko na nagkakagulo habang kumakanta.

Parang gusto ko na lang magpakain sa lupa ng ma-realize ko kung ano ang kinakanta nila.

"Oh, I wanna dance with somebody... I wanna feel the heat with somebody... Yeah, I wanna dance with somebody... With somebody who loves me..."

Tumikhim na lang ako. "Good morning?" Alanganing bati ko sa kanila.

"Mommy!!!" Agad na tumakbo palapit sa akin si Sachel pagkatapos ay nagpabuhat. "I miss you mommy!"

"Awww. Bumigat yata ang baby ko a?" Pagbibiro ko na ikinasimangot niya. "Joke lang baby. Namiss din kita. Pa-kiss nga si mommy." Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Kami mommy hindi mo namiss?"

"Siyempre namiss ko kayong lahat lalo na ang mga baby damulag ko. Yakap niyo nga si mommy!" Sabay-sabay naman na nagtakbuhan palapit sa akin sila Amour at Liclic. Ultimo si Kyle ay nakisali. "So ikaw hindi mo ko namiss?" Taas-kilay na tanong ko sa panganay kong anak ng hindi man lang siya natinag sa pagkakaupo.

"I hate those drama, mommy."

"Aba! So sinasabi mo bang ma-drama kami?"

"Tss."

"Lalapit ka ba sakin o hindi?" Tinaasan ko na ng bahagya ang boses ko. And knowing him, matapang lang yang tignan pero takot pa din naman sa akin. "Lalapit din naman pala, magpapapilit pa."

"Ang tagal mong nagising mommy. Kanina ka pa po namin antay e." Nakasimangot na sabi sa akin ni Kyle.

"Sorry na baby. Napuyat si mommy kagabi e. Kayo, bakit ang aga niyo atang nagising. Ano bang pinapagkaabalahan niyo diyan?"

"We're just singing and dancing, mommy." Nakangiting sagot ni Amour.

"Yah. I can see that but what are you singing?"

"Dance with somebody."

Napangiwi ako. "Why are singing that song?"

"Actually mom, we heard someone singing that last night. We're not just that sure if it was you." Kibit-balikat na sagot ni Liclic.

Napalunok ako. "Is it that loud?" Nahihiyang tanong ko.

"Yes mom. It's super loud. And we heard it all night." Natahimik ako. Buong gabi? Paniguradong hindi nakatulog si Zach nun kung ganun. Patay ako lalo sa kanya.

"Anyway, kumain na ba kayo ng breakfast?"

"Yes mom! Tita Karen cooked bacon, tocino, hotdog, and cordon bleu."

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon