Chapter 40

29.8K 858 210
                                    

B4 C40

Keisha's POV

Isang linggo na ang nakakaraan simula nung nagkaroon kami ng insidente mula sa mga kalaban.

Isang linggo na din akong naga-alala para kay Kyle. Gusto kong malaman kung okay pa siya, kumakain ba siya, o kung nakakatulog ba siya ng maayos? Miss na miss ko na ang anak ko pero wala akong magawa kundi ang magdasal na sana okay lang siya. Sana hindi siya mapahamak.

"Oh san ka na naman pupunta ha?"

"Dito lang naman ako Jess. Isang linggo na kaya akong nakakulong sa kwarto." Nakasimangot na reklamo ko.

"Eh kung hindi ka ba naman kase nuknukan ng pasaway, edi sana hindi ka nakulong sa kwarto diba?"

Inirapan ko siya. "Oo na. Kasalanan ko na, hindi na nga uulit diba?"

"Ewan ko sayo. Bumalik ka na nga ulit dun sa taas. Kami na naman ang malilintikan sa asawa mo e."

Speaking of asawa.. "Nasan nga ba yung lalaki na yun? Hindi ko pa siya nakikita simula nung magising ako kanina."

"Andun na sa opisina. May aasikasuhin daw siya."

Napasimangot ako. Isang linggo ko ng hindi nakakasama si Zach dahil sa sobrang dami niyang inaasikaso. Miss na miss ko na siya.

"Jessy nasan asawa mo? Pahatid mo naman ako sa opisina ni Zach o."

"Ano namang gagawin mo dun? Magagalit pa yun e. Magpahinga ka na lang sa taas."

"Wala ka bang naalala ngayon?"

"Bakit birthday mo ba?" Tanong niya.

"Anniversary namin ngayon Jess. Ni hindi man lang ata niya naalala kaya ako na lang ang magsu-surprise sa kanya."

Huminga siya ng malalim. "Nako Keisha, kung hindi lang talaga kita mahal. Sige na magbihis ka na sa taas-"

Napangiti ako bigla. "Thank you! You're the best!" Sigaw ko bago tumakbo paakyat.

"Hoy dahan-dahan ka nga! Hindi pa nga masyadong magaling yang sugat-"

"Love you Jess!" Hindi ko na siya pinatapos. Pakiramdam ko ay nawala na lahat ng sugat ko.

***

"Let's go!" Masiglang sabi ko pagkakita ko kay Val.

"Sigurado ka bang yan ang susuotin mo?" Takang tanong niya sakin.

"Why?" Tumingin ako sa suot ko. "What's wrong with my clothes?" I'm wearing a skirt, sleeveless, and heels. I also have a long coat on my arm.

"Ang alam ko may meeting si bossing e. Antayin mo na lang kaya dito sa bahay-"

"Ihahatid mo ba ko o aalis akong mag-isa?" Pananakot ko.

He sighed. "Fine. Tara na Keisha."

Nauna na ko sa paglalakad at naabutan ko si Karen sa labas. "Punta lang ako sa office ni Zach ha? Ikaw na muna ang bahala sa mga bata pagkagaling sa school."

"Magpahinga ka na lang-"

"I'm fine." I smiled. "Tsaka namimiss ko na ang asawa ko."

Hindi ko na siya hinintay na sumagot at sumakay na ko ng kotse.

Tahimik lang ako sa sasakyan at hindi mapakali. Kinakabahan ako sa hindi ko alam na dahilan. Nae-excite lang siguro ako na makita ang asawa ko. Tsaka ito pa lang kase ang unang beses na magce-celebrate kami ng anniversary simula ng makabalik ako sa totoo kong pamilya.

***

"Hi! Nandiyan si Zach?" I asked his secretary.

"Yes po Ms. Keisha. Alam po ba niya na pupunta kayo?"

Napakunot ang noo ko. "Why? Do I still need to set up an appointment just to be with my HUSBAND?" Iritang sagot ko.

"Hindi naman po Ms. Keisha kaya lang-"

"Stop! I am his wife so I can go here whenever I want."

"Tama na yan. Sige na Keisha, pumasok ka na sa loob. Ako ng bahala dito."

Inalalayan na ko ni Val papunta sa loob ng opisina ni Zach. Nagpaiwan na siya sa labas kaya mag-isa na lang akong naglakad sa mahabang pasilyo.

Pinilit kong alisin lahat ng inis na nararamdaman ko dahil ayokong yun ang makita sakin ni Zach. This is a very special day for us at wala dapat makasira noon.

Nang nasa tapat ng ko ng glass door niya ay ngumiti ako bago ito itinulak.

"I fvcking told you that I'm busy! Get out!" Napako naman ang mga paa ko sa bungad niya.

"Even your wife is not welcome here?" I tried to laugh and fake a smile.

Bigla naman siyang nag-angat ng tingin at kita ko ang pagkagulat sa mukha niya pero agad niyang itinago.

"What are you doing here?" He asked in a serious tone.

"Aren't you surprise?" I smiled as I walk towards him.

"Umuwi ka na Keisha." Nawala ang mga ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya.

Siguro sobrang busy lang niya pero hindi ako magpapatalo.

"You looked stress hubby." I said as I massage his back. "Come on. Get some rest kahit saglit lang."

"I can't. I have so many things to do." He said as if wala ako dito.

I sat on his lap. "Are you still mad at me Zach?" I asked.

Tinignan niya lang ako saglit bago inilipat ang tingin sa mga papel na nasa harap niya.

"I'm sorry okay? Sabi ko naman sayo hindi ko na uulitin diba? Promise magsasabi na talaga ko sayo lahat lalo na kung ganun kapanganib." I encircled my arms on his nape. "Sorry.." I kissed his left check. "Sorry hubby.." Then his right check. "Sorry na po." And the tip of his nose. "Hindi na mauulit." Hahalikan ko na sana siya sa labi pero umiwas siya.

"Excuse me. Tatawagan ko lang si Blake para ipahatid ka." He left me alone on his chair.

I felt a pang of pain on my chest. I feel rejected and hated.

"Wag ka ng mag-abala pang tumawag. I can handle myself." Galit na sabi ko.

"Here you go again. Gagawin mo na naman kung anong gusto mo. Kaya ka napapahamak." Mahina lang ang boses niya pero ramdam ko ang galit.

"And so what? Ano naman kung mapahamak ako ulit? Wala ka naman ng pakialam sakin diba?" I shouted. I feel so hurt right now.

"Keisha.." His face softened. He started to walk towards me pero pinigilan ko siya.

Umiling ako. "Don't."

"Wifey-"

"Please don't call me with that endearment. It feels like I don't deserve to be your wife.." Tears started to fall down my cheeks.

"Don't think that way please. It's just that-"

"I was so excited to go here Zach. Kahit na masakit pa din yung buong katawan ko, pinilit kong puntahan ka.."

Nararamdaman ko ang panginginig ng buong katawan ko. I started to felt a liquid falling down my arms. Dumudugo yung mga sugat ko but I still managed to smile.

"I was so excited to see you dahil miss na miss na kita. I was so excited to greet you kahit na parang nakalimutan mo na."

"Happiest Anniversary Zach." I greeted him with a weak smile tsaka mabilis na tumakbo palabas.

"Wifey!" I heard him calling me pero hindi ko na siya nilingon.

Thank you for your special gift Zachary Dawson.

***

Shems. Naiiyak ako habang tina-type to. Naramdaman niyo ba yung sakit? 💔

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon