Chapter 65

13K 315 73
                                    

B4 C65

"May sumagot na ba sa kanila?" Naga-alalang tanong ko kay Jessy habang naghihintay sa operating room.

"Hindi nagre-reply sa akin si Val."

"Kahit si Blake ayaw din sumagot sa mga tawag ko e." Dagdag naman ni Pia.

"Mukhang malabong sumagot yung mga yun. Kilala niyo naman sila kapag may misyon, ayaw magpa-istorbo." Sabi naman ni Karen.

"Naga-alala talaga ako sa kanila. Kitang-kita ko ang galit sa mukha ni Zach kanina. Ngayon ko na lang ulit siya nakitang ganun."

"Huwag ka ng masyadong mag-alala ate, panigurado naman akong hindi nila papabayaan ang isa't-isa e." Tinabihan ako ni Jl sa upuan.

"Hindi pa din ako mapalagay. Ang hirap ng sitwasyon ngayon. Masaya akong natanggal na ang bala kay Kyle pero hindi ko naman alam kung nasaan ang daddy niya."

"Ang mabuti pa po ay magpahinga na lang muna po kayo Maam Keisha." Nilapitan ako ni Veron. "Hindi pa po kayo natutulog at kumakain baka kayo naman ang mapaano niyan."

"Salamat Veron. Alam kong naga-alala kayo sakin pero ayos lang ako." Nginitian ko siya.

"Inutusan ko na yung iba nating tauhan na i-locate sila. Any minute now, babalitaan na nila tayo."

Wala akong nagawa kundi ang pilitin ang aking sarili na magpahinga. Kanina pa ako nakahiga sa hospital bed na katabi ng kay Kyle ngunit hindi ako dinadalaw ng antok.

Hindi siguro talaga ako mapapalagay hangga't hindi ko nalalaman kung nasaan sila Zach.

Napabalikwas ako ng bangon ng biglang tumunog ang aking cellphone.

Kakaibang kaba ang naramdam ko ng mapansin na Unknown number ang nakalagay sa screen.

"Sino yan?" Tanong ni Jessy ng mapansin niya sigurong nakatitig lang ako sa aking cellphone.

Nagkibit-balikat lang ako sa kanya bago sagutin ang tawag.

"Wait lang Keisha. Ita-track ko ang tawag." Kinuha niya agad ang maliit na tracking device at idinikit sa aking cellphone kasabay ng pagkonekta niya sa kanyang laptop.

Wala pang 10 seconds ay sumenyas na siya sa akin na maaari ko na daw sagutin ang tawag.

"Akalain mo nga namang buhay pa ang pamilya mo, Keisha." Bungad sa akin ng isang lalaki sa kabilang linya.

"Sino ka?"

"Mali kayo ng kinalaban Dawson. Buhay ng kapatid ko ang inyong kinuha kaya sisiguraduhin kong buhay niyo din ang magiging kapalit." Tumawa pa siya ng nakakakilabot.

"Wala akong pakialam kung sino ka man basta iisa lang ang sisiguraduhin ko sayo, wala kang magagalaw ni isa man sa pamilya ko!"

"Wala ba? Eh ano palang ginagawa ng bunso mong anak sa hospital? Nagbabakasyon lang?" Tumawa na naman siya ng malakas.

"Hayop ka! Kung matapang ka, haharapin mo ako ng maayos hindi yung nagtatago ka sa likod ng mga tauhan mo!"

"Huwag kang mag-alala, paniguradong gugustuhin mo kong makita lalo na kapag natanggap mo na ang pinadala ko sayong regalo."

Kasabay ng pagbaba niya ng tawag ay siyang pagpasok ng isa naming tauhan bitbit ang isang kahon.

"Ma'am may nagpapabigay daw po sa inyo. Iniwan po sa guard sa baba."

"Chineck niyo bang maigi yan?" Tanong ko sa kanya.

"Yes ma'am. Nakapasa naman po ito sa inspection sa ibaba."

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon