Chapter 28

28.1K 1.3K 227
                                    

B4 C28

Katherine's POV

"We're here mommy!" Napatingin ako sa isang building. Nagyon lang ako nakapunta dito pero sobrang pamilyar sakin ng lugar.

"Nasaan tayo?" I asked.

"Ito ang tinatawag naming hide out mommy."

"Halika na muna sa loob Keisha para mas maipaliwanag namin sayo ng mabuti."

Sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng building.

Huminto kami sa pinakadulong pasilyo. Nabungaran ko ang isang napakalaking kwarto na punong-puno ng mga baril, knife, at iba't-ibang armas.

"Alam kong hindi mo naaalala ang lahat pero may gusto akong itanong sayo. Anong pumapasok sa isip mo kapag naririnig mo ang salitang 'Mafia'?"

Napatingin ako kay Kane dahil sa tanong niya. "M-mafia?" Pagu-ulit ko.

"Oo."

"Mafia.." Pilit kong hinahalukay sa isip ko kung saan ko nga ba narinig ito. "Drugs, illegal, nakakatakot, powerful.. Hindi ko alam." Umiling ako. "Bakit mo ba tinatanong sakin yan?"

"Dahil kasama ka sa kanila."

"Ako?" Turo ko sa sarili ko. "Bakit ako? Paano?"

"Simple lang ang sagot Keisha. Pinakasalan mo ang pinakamataas na tao sa mundo ng Mafia."

"Teka lang.. Hindi ko maintindihan." Napahawak ako sa ulo ko na para na namang pinupukpok. "W-wala akong alam sa sinasabi mo."

"Ang asawa mong si Dawson ang Mafia Boss. Hindi lang boss ng isang grupo kundi lahat ng Mafia group."

"Ibig sabihin masama siyang tao?" Hindi ko napigilang itanong. Nagpakasal ako sa masamang tao? At sabi niya, kasali daw ako sa kanila. Masama din akong tao?

"No mom." Hinawakan ni Angelique ang mga kamay ko. "Hindi masamang tao si daddy. Maaaring tama ka sa lahat ng description na sinabi mo sa Mafia but please don't think that my dad is a bad person. He may be a Mafia Boss pero hindi siya sumasali sa mga activities ng kinasasakupan niya. He is using his power to eliminate all Mafia groups na puro kasamaan lang ang ginagawa like selling drugs, kids, organs, at kung anu-ano pa. You married a very good person mom."

"Pero pumapatay siya?" Nanginginig ang buong katawan ko sa tanong kong iyon.

"Yes but he is just doing that to protect his family."

Umiling ako. "No. This is wrong. I need to leave now. I came here to know the truth pero puro kasinungalingan lang ang sinasabi niyo sakin. I'm leaving." Tumalikod na ko sa kanila.

"Ang hirap pala kapag walang maalala no?" Napahinto ako sa tanong ni Kane. "Hindi mo na din kase maalala kung ilan na ang mga taong napatay mo."

Nanatili akong nakatalikod sa kanila pero nakatingin ako sa nanginginig kong mga kamay.

Unti-unti ay parang nakita ko ang sarili ko na may hawak na baril at nagpapatumba ng mga tao.

Ako ba talaga yun?

Naramdaman ko na lang ang dahan-dahan kong pag-upo dahil sa panginginig ng buong katawan ko.

"Mom.." Agad akong nakaramdam ng yakap mula kay Angelique.

"Hindi yun totoo diba? Hindi.." Umiiyak kong tanong sa kanya. "Hindi ako yun. Hindi ako yung mommy mo. Hindi ako yung kakilala niyo. Hindi ako yung sinasabi niyong asawa ng Mafia Boss!" Hindi ko alam kung kanino ko to sinasabi. Kung sa mga kasama ko ba o pilit ko lang pinapaniwala ang sarili ko.

Ayaw kong maniwala pero meron dito sa puso ko na nagsasabing totoo lahat ng nalalaman ko mula sa kanila.

"Mommy alam ko pong mahirap at masakit malaman yung totoo but please don't hate us. Don't hate yourself. Hindi tayo masamang pamilya." Pinakalma ko ang aking sarili.

Huminga ako ng malalim bago tumitig sa mga mata nila. "Tulungan niyo ako..." Humarap ako sa kanilang dalawa. "Please. Ipakilala niyo naman ako sa totoong ako."

***

Naalala ko pa kung paano ko sinimulan ang MTAMB. Kalahati na ng story yung nasa notepad ko but I was so scared to post it on wattpad dahil baka walang magbasa. And then a friend of mine encourage me to post it. She told me that she will read it kaya wag akong matakot. Then I realized na ano naman kung walang magbasa? First of all, I am writing a story to express not to impress. Sino naman ang niloko ko diba? Of course a part of me is writing because I want to impress aa well.

Gusto ko may magbasa. Gusto ko may bumoto. Gusto ko may mag-comment. Basically, gusto ko may mag-appreciate ng ginagawa ko. So I posted it on wattpad. I kept on sharing it on facebook wattpad groups and there I met Keisha's OP. She waa my very first operator and I am just so lucky to have you. ❤

To all my operators, I love you guys! All of you are part of MTAMB's success. Kahit na minsan ang sakit niyo sa ulo, hindi ko pa din kayo ipagpapalit. Thank you sa dedication niyo sa ginagawa niyo. Alam kong may kanya-kanya kayong buhay. I know busy kayong lahat pero ni minsan wala akong narinig sa inyo na nagreklamo. Salamat. Kahit na wala naman kayong napapala sakin sa ginagawa niyong pago-online, nandiyan pa din kayo. Salamat! ❤

Of course, Soliders! Thank you guys for being and proving to me that you are solid. Dahil sa inyo kaya nananatiling matatag ang MTAMB. Salamat sa walang sawang paghihintay sa napakabagal kong pagu-update. Salamat sa walang sawang pagbabasa, pag-vote, comment, o pagsha-share ng story ko sa iba. Kayo ang tunay na dahilan ng pagiging successful nito. Hindi man maging kasingsikat ng ibang story ang MTAMB, sa mga readers pa lang nakagay niyo, panalo na. ❤

I love you Soliders! Maraming salamat talaga. I will be forever grateful to all of you guys. HAPPY ANNIVERSARY MTAMB! 💞💕

~Ms. A (craziestamongtherest)

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon