Chapter 1

57.9K 1.3K 285
                                    


Angelique's POV

"Ate kakain na daw tayo sabi ni tita Jessy. Tatawagin ko lang si dad."

Tumango ako. "Sige. Susunod ako sa room ni daddy."

Hay. It's been three years pero ang laki-laki na ng pinagbago ng bahay na to.

Makikita mong nakangiti ang mga tao pero alam mong may kulang.

Kahit na anong pilit na pagpapatawa ng mga tito namin, wala e. Iba talaga kapag nandito siya.

Araw-araw na lang ba kong ganito? Ayoko na. We all need to accept the fact that she's gone. That she will never come back even if it hurts so bad.

Dumiretso na ko sa room ni daddy at naabutan ko siyang tulala habang nakatitig sa wall. Si Amour naman ay nasa gilid niya at pinagmamasdan siya.

"Amour?"

"Ate Lic ayaw ni daddy e." Malungkot na sabi niya.

Napabuntong-hininga na lang bago lumapit sa kanila.

"Dad? Come on let's eat." Aya ko.

Umiling lang siya. "I'm not hungry anak. Go ahead."

Pinagmasdan ko si daddy. Tatlong taon na siyang ganyan. Sa loob ng tatlong taon, sobrang laki na ng pinagbago niya. Kung dati masungit lang siya, ngayon bihira mo na talaga siyang makausap. Yung dating gwapo niyang mukha, ay nagkaroon na ng guhit-guhit. Nagmistula na siyang matanda. Sobrang laki na din ng pinayat niya.

Si kuya na nga ang gumagawa ng mga trabaho niya e. Of course, we the help of our titos and titas kaso siyempre iba pa din kapag si daddy ang kumikilos. Simula ng mawala siya, parang lahat kami ay napilay.

"Dad.. hanggang kailan?" Kumunot ang noo niya sa tanong ko. "Hanggang kailan ka ba talaga aasa?"

"Angelique!" Saway sakin ni kuya Premier na kakapasok lang sa loob ng kwarto buhat-buhat si Sachel. "What are you saying? Stop that okay." Mariing utos niya.

"Kuya hanggang kailan ba natin ipipilit to? Hanggang kailan tayo aasa? The fact that we don't accept it, mas lalo lang tayong nahihirapang mag-move on!"

"Stop it Angelique! Walang dapat tanggapin dahil buhay ang mommy niyo!" Galit na sigaw ni daddy.

"Daddy naman.. Hanggang kailan ba natin papaniwalain ang sarili natin na buhay si mommy? I love my mom okay? Pero dad, it's been three years now! Tatlong taon ba tayong ganito. Ano pa bang ebidensiya ang kailangan para lang matanggap na natin na wala na si mommy? Nakakita na tayo ng bangkay at ng ipa-check natin yun, positive na si mommy! Ano pa bang kailangan na proof dad? Ano pa?" Nagpunas ako ng luha ko. Magalit na sila kung magagalit sakin pero gusto ko lang talaga na maging matapang to face the truth.

Lumuhod ako sa harapan ni daddy. "Daddy I know you're hurting.. but we're hurting too.." Pinunasan ni daddy ang mga luha ko.

"I'm sorry anak.." He said as he kissed my forehead.

"Dad I know you're still on pain. Asawa, bestfriend, at partner mo si mommy kaya masakit. Pero dad, kami din naman nawalan ng mommy.. at unti-unti ka na ding nawawala sa amin... Si mommy lang ba ang buhay mo dad? Paano naman kaming mga anak mo? Sayo dapat kami kumuha ng lakas ng loob pero paano namin magagawa yun kung ganyang ang ipinapakita mo sa amin?" Wala ng tigil ang pagluha ko.

Nanahimik sandali si daddy bago ako itinayo.

"I'm sorry. Simula ng mawala ang mommy niyo, nakalimutan ko na kung para saan at para kanino ako nabubuhay. Parang nawalan na ko ng buhay. Hindi ko na alam kung bakit pa ko gumigising araw-araw. Minsan nga tinatanong ko na kung bakit pa ba ko humihinga kung wala na din naman sa buhay ko si Keisha? And I'm sorry for not realizing that it's because of my children. I'm so sorry for taking you for granted. Mahal na mahal ko kayong apat. Hindi madali but I promise.. unti-unti ko ng tatanggapin na wala na siya." We hugged daddy when he started to cry.

I can't stand to see my father like this. I always see him as a brave man pero isa lang pala ang weakness niya.. si mommy.

"We are always here for you dad." Amour said.

"We love you daddy!" Yumakap si Sachel sa leeg ni daddy kaya binuhat na siya nito.

I hope this is the start of moving on.. moving on from the fact that our mom is really gone...

***

Naiiyak na din ako. Ano ba tong sinusulat ko? 😢😢

Btw, thank you sa OP ni Keisha for our book covers starting book 1. I love you! ❤💋

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon