Chapter 41

27.4K 732 129
                                    

B4 C41

Keisha's POV

Agad kong pinara ang taxi na nakita ko pagkalabas ko ng opisina.

"Saan po tayo maam?" Tanong nito pagkasakay ko.

"Sa Hotel Celeste po kuya." Utos ko sa driver.

Kailangan ko munang mag-isa. I need time to think. Hindi muna ko uuwi sa bahay dahil alam ko naman na hindi nila papabayaan ang mga bata.

This is the worst anniversary that we ever had. Mabuti pa nung mga panahon na hindi ko naalala, at least ako noon talagang nakalimot dahil nagkasakit ako hindi kagaya niya na talagang kinalimutan lang.

Pakiramdam ko nag-iba na yung Zachary na minahal ko.

Kinuha ko yung cellphone ko mula sa bag dahil patuloy pa din ito sa pag-vibrate.

Hubby.. calling..

Napangiti ako ng mapait bago in-off ang aking cellphone.

"Nandito na po tayo Maam."

"Eto ho ang bayad. Salamat." Lumabas na ko ng taxi at dumiretso na sa loob ng hotel.

***

"Room 801 po Maam."

"Here." Inabutan ko siya ng bills. I did not use my card dahil paniguradong mata-track yun ni Zach and that's the last thing I want to happen. I don't really want to see him now. Hindi muna siguro ngayon.

"Enjoy your stay Maam. By the way, do you need anything?"

"Yes. Can I ask a favor? I need a new sim card. Can you ask someone to buy me one?"

"Sure." Nakangiting sagot niya. Ipapadala ko na lang po sa unit niyo. Is that all Maam?"

"Yes. Thank you."

Lutang akong umakyat sa unit ko. Mabilis ko namang nahanap ito dahil ito ang pinakamalaking kwarto nila.

I was so amazed with the room. It's so beautiful. I wish Zach is with me right now.

Napailing na lang ako sa naisip ko. Dumiretso ako sa bar counter ng unit and started to drink the alcohols that is available.

After 15 minutes of drinking ay may nag-doorbell. Naglakad ako papunta sa door and saw a bellboy standing outside.

"Maam, iiwan ko lang po yung simcard na pinabili niyo dito sa basket."

"Thank you!" I said at ng makaalis na siya ay agad ko itong kinuha.

Mabilis kong nilagay sa phone ko yung bagong sim bago tinawagan ang anak ko.

"Mom?"

"Hi anak. Nasa bahay na ba kayo?" I asked hiding the sadness on my tone.

"Yes mom. Where are you? We've been looking for you."

"Hindi muna ko uuwi Premier but don't worry I'm fine."

"It's not safe mom. Where are you? We'll fetch you now."

"Don't worry son. I can take care of myself. Ikaw na munang bahala sa mga kapatid mo ha? I love you."

"But mom-" Hindi ko na siya pinatapos at agad ng pinatay muli ang aking phone.

Ipinagpatuloy ko na ang pag-inom. Hindi ko na alam kung gaano na karami ang nainom ko kaya ng naramdaman kong hindi ko na kaya ay humiga na ko sa kama.

***

Pinilit kong idilat ang mga mata ko kahit na parang binibiyak ang aking ulo dahil may mga naririnig akong kaluskos.

Para namang nawala ang kalasingan ko ng marinig ko ang pagkakabasag ng isang vase.

"Fvck." Mabilis kong kinapa ang baril ko sa bag pero wala! Nag-panic ako bigla dahil palalapit na ng papalapit yung mga yabag na naririnig ko mula sa sala.

Nahagip ng mata ko ang isang baseball bat kaya agad ko itong kinuha tsaka pumwesto sa likod ng pintuan.

Maya-maya lang ay may pumasok na ngang nakaitim na damit. Nakatakip din ang buong mukha niya.

Nakatalikod siya sa akin kaya agad kong kinuha ang pagkakataon na yun para hampasin siya ng hawak ko.

Napahiga naman siya sa sakit pero hindi ko inaasahan na may kasunod pa pala siyang lalaki na agad naman akong hinawakan sa magkabilang braso kasunod niyon ay ang pag-spray ng isang likido sa aking ilong.

Hindi ko alam pero yun ang naging dahilan ng aking pagkahilo.

***

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at pilit inalala ang nga nangyari.

Si Zach.. Yung alak.. Yung mga pumasok sa hotel room ko...

"NASAN AKO? PAKAWALAN NIYO KO! WHAT DO YOU NEED FROM ME!" I started to panic again. Nakasakay ako sa isang van. My hands and feet are tied  kaya nahihirapan akong makakilos.

Pinilit kong silipin ang mga kasama ko sa van pero nahihirapan ako dahil na rin sa pagkakahiga ko.

"ANO BA! PAKAWALAN NIYO KO! SAAN NIYO BA KO DADALIN HA! UGGGGHH! PAPATAYIN KO TALAGA KAYONG LAHAT!" Hindi nila ko pinapansin.

Pakiramdam ko unti-unti lang nauubos ang lakas ko dahil sa ginagawa kong pagsigaw.

Ano ba namang buhay to? Hindi pa nga magaling ang sugat ko pero eto na naman ako sa isang peligro. Wala na ba talagang katapusan to?

"Parang awa niyo na please. Pakawalan niyo na ko dito."

"Ang mabuti pa, manahimik ka na lang diyan para hindi maubos ang lakas mo."

"PAKAWALAN NIYO KO DITO PLEASE! ANO BANG GUSTO NIYO SA PAMILYA NAMIN? PERA? KAPANGYARIHAN? MAG-USAP TAYO NG MAAYOS! PAKAWALAN-"

"Pasensiya ka na pero kailangan kong gawin to." Naramdaman ko yung nasa harap na lalaki na dumukwang palapit sakin tsaka nag-spray ng kung ano. And with that, I fell asleep again.

***

Oops. Panibagong kalaban? Paano na sila magce-celebrate ng Anniversary ni Zach? Mahanap kaya siya agad ni Zach?

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon