Chapter 57

21.3K 631 165
                                    

B4 C57

Keisha's POV

Hindi ko na namalayan kung gaano katagal pa ang lumipas bago huminto ang barko sa tapat ng isang napakalaking isla.

"Nandito na tayo." Anunsiyo ni Pia habang karga-karga ang anak na si Blia.

"Kailangan na natin silang madala agad sa bahay." Tumayo ako agad at magkatulong namin na inaalayan ni Jessy si Zach habang nakaalalay naman si Veron at Karen kay Chris.

Sinalubong kami ng mga sampung nurse ng makababa ng barko.

"Salamat." Nakasunod pa din ako sa kanila kahit sila na ang may buhat sa dalawa. "Paki-ingatan lang sila please."

"Sige na. Mauna ka na sa loob. Kami na ang bahala sa mga bata." Tinapik ni Jessy ang balikat ko.

"Thank you." Yumakap ako sa kanya.

"Magiging ayos din ang lahat. Nandito lang kami para sayo."

Pinilit kong ngumiti ng humiwalay sa kanya. "Alam kong malakas silang dalawa."

Tumango ito. "Sige na. Sundan mo na yung asawa mo para naman gumising na."

Malungkot akong ngumiti. "Sana nga maging okay na sila pareho."

"Masamang damo naman silang dalawa kaya paniguradong hindi sila tatanggapin agad sa langit." Pinilit ko na lang ngumiti dahil alam kong pinapagaan niya lang ang nararamdaman ko.

Tumakbo na ako para makasunod agad sa kanila.

Naabutan ko naman ang apat doctor na nagkakagulo sa pagchecheck sa dalawang lalaking nakahiga sa kama.

"Doc?" Pagkuha ko sa atensiyon nila. "Anong problema?"

"Mrs. Dawson, ang mabuti pa ho ay sa labas na lamang po muna kayo." Nilapitan ako ng isang may edad na lalaking doctor tsaka inaalalayan palabas.

"No." Umiling ako. "My husband needs me. I will stay here."

"But-"

"No buts, Doc! Your job is to cure them okay? So do it now!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.

Gusto kong makonsensiya dahil wala naman siyang kasalanan dito. Alam kong ginagawa lang niya ang trabaho niya pero heto ako at napagbuntunan pa siya ng galit at sama ng loob.

"I'm sorry, Doc." Hinging paumanhin ko dahil alam kong mali ang inasal ko.

"It's okay." Tinapik niya ko sa balikat. "Alam ko ang pinagdadaanan mo. Mabuting tao ang asawa mo, saksi ako doon kaya alam kong hindi siya pababayaan ng Panginoon. Gagawin namin ang lahat ng aming makakaya para masigurong ligtas siya." Tumango na lang ako at sumandal sa pintuan ng kwarto kung saan sila naroroon.

Tanaw na tanaw ko mula sa kinatatayuan ko ang pag-gupit ng mga nurse sa damit nila para hindi sila mahirapan sa paggagamot sa mga natamo nilang sugat.

May kanya-kanya ding nurse na nagkakabit ng dextrose sa dalawang lalaki na nakahiga habang ang iba naman ay inihahanda ang mga gamit na kakailanganin ng mga doctor.

Hindi ko malaman kung ano ba ang dapat kong gawin. Ayaw kong makita siya sa ganitong sitwasyon, pero hindi ko din naman kayang ipikit ang mga mata ko dahil paulit-ulit ko lang na iisipin kung ano na ang nangyayari sa kanya.

"Zach.." Mahinang bulong ko. "Parang awa mo na. Lumaban ka please.."

Napaangat ang tingin ko ng may yumakap sakin.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon