Chapter 23

32.2K 930 159
                                    

B4 C23

Blake's POV

"Let's go." Nauna ng lumabas ng bahay si bossing habang kaming lima naman ay nagkatinginan lang.

Sa totoo lang, may part sakin na ayaw mapalitan si Maam Keisha sa buhay naming lahat. Sino ba naman ang may gusto diba? Pero naawa na ko kay bossing.

Halos dalawang araw ng walang kumakausap sa kanya. Ano kayang nararamdaman niya ngayon?

Masakit mawalan ng asawa. Kahit na hindi ko pa kailanman nararansan yun, alam kong masakit. Isipin ko pa nga lang na mawawalay sakin si Pia ng matagal, hindi ko na kinakaya. Yun pa kayang mamatayan ng asawa?

"Kayo na lang kaya ang sumama? Tinatamad ako e."

Napatingin ako kay Val. "Hindi pwede. Sumunod na tayo." Sabi ko sa kanya.

"Hindi na. Kayo na lang. Nakakawalang-gana e."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Gago ka pala e! Akala ko ba walang iwanan ha?"

"Eh ano bang pakialam mo? Wala nga akong ganang makipaglaban e!" Mayabang na sagot niya.

"T*ngina mo pala e! Gago ka! Kagaya ka din pala ng mga kalaban natin. Traydor ka!" Ganting sigaw ko sa kanya.

"Pwede ba Blake? Wag ka na ngang makisali dito. Kung gusto mo, ikaw na lang ang sumama." Gulat akong napatingin kay Kane.

Napailing ako. "Pati pala ikaw bumabaliktad na! Tarantado ka din kagaya nitong kaibigan mo!" Sabay turo ko kay Val.

"Wag ka ngang magmalinis! Akala mo naman kung sino kang santo diyan. Parang kagabi lang, galit na galit ka din sa kanya." Mapang-asar na sabi ni Kane.

Nginisihan ko siya. "Hindi ako nagmamalinis pero hindi ako mga kagaya niyong walang utang na loob at makikitid ang utak! Akala ko iba na yung pundasyon ng samahan natin dito. Dati rati ang laban ng isa ay laban ng lahat. Ano ng nangyari? Tinangay na lang din ng mga hangin yung prinsipyo natin? Wag naman puro sarili! Kung nahihirapan na tayo ngayon pa lang, isipin niyo naman yung kalagayan ni boss." Tinitigan ko sila isa-isa. "Palagi na lang ba tayo ang aalalahanin niya? Tao din siya. May sariling buhay. May mga kahinaan din siya, at yung taong nagbibigay sa kanya ng lakas ay wala na. Hindi ba natin siya pwedeng bigyan man lang ng mga lakas natin? Kailangan niya din yun."

Nauna na kong lumabas ng bahay. Naramdaman ko ang pagsunod ni Jade at Chris sa likod ko.

Hindi na kami nag-imikan pa at dumiretso na sa garahe. Naabutan namin si bossing na nakatayo sa gilid ng sasakyan habang nakatanaw sa malayo.

"Convoy tayo boss?" Pagka-usap ko.

"Sige." Sabi niya binuksan yung pintuan ng kotse niya. Papasakay na sana siya ng kumunot ang kanyang noo. "Nasan yung dalawa?"

Huminga ako ng malalim tsaka tumitig sa kanya. "H-hindi daw po sila makakasama."

Matagal lang siyang tumitig samin. Para bang hindi niya naintindihan yung sinabi ko. Ramdam ko pang magsasalita sana siya pero minabuti na lang sumakay sa kanyang sasakyan.

Napailing na lang din akong sumakay sa kotse ko bago pinaharurot pasunod sa kotse ni bossing.

Ano kayang mangyayare? Ngayon lang kami lalaban ng ganito. Sabi namin dati, palagi kaming panalo dahil kumpleto. Ganun pa din kaya ang maging resulta ngayon?

***

Saktong 2:30 am ng mag-park kami sa tapat ng isang saradong restaurant na hindi kalayuan sa bar.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon