B4 C15
Katherine's POV
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko dahil sa pakiramdam na may nakatitig sakin.
Nabungaran ko ang mukha ng taong pinakaayaw kong makita.
"Oh. Nagising ba kita Love? I'm sorry."
"Nagugutom ako." Tanging nasagot ko.
Sa totoo lang, hindi ko na alam kung gaano na ako nakatagal na nakakulong dito sa kwarto. Araw-araw na lang may isinasaksak sakin kaya pakiramdam ko ay parang lantang gulay na ang katawan ko.
"Sige. Magpapadala ako ng pagkain. Hintayin mo na lang ako dito."
Hindi ko na siya sinagot kaya tahimik lang siyang lumabas ng kwarto.
Napako sa pader ang tingin ko ng makalabas na siya. Sino ka ba talaga Lucas?
Gulong-gulo na yung utak ko. Napakadami kong sagot na gustong makuha sa mga nagkakagulong katanungan sa isip ko.
Saan ko ba makukuha ang sagot? Paano ko ba malalaman ang totoo?
"Nagpaakyat na ko ng pagkain. Kumain ka ng marami ha? Paborito mo ang ulam. Kare-kare." Nakangiting sabi niya sakin ng makabalik siya.
Paborito ko ba yun? Kailan pa?
"Kare-kare anak. Gusto mo bang ipagluto siya?"
Napahawak ako sa noo ko ng para akong may narinig bigla na babaeng nagsalita. Alam kong first time kong narinig yung boses niya dahil wala siyang kaboses sa mga kasama namin dito pero parang pamilyar talaga.
Sino siya? Nanay ko? Kapatid ng nanay ko? Kapatid ng tatay ko? Pinsan? Ugh! Gusto ko ng makaalala!
"Are you okay Love? May masakit ba sayo?" Bakas ang pag-aalala sa mukha niya kaya pinilit kong ngumiti na lang. "Ang mabuti pa magpahinga ka na lang pagkakain mo.".
"Hindi ko na nga mabilang kung ilang araw na kong nagpapahinga dito e."
Natigilan naman siya dahil sa sinabi ko. "Dahil yun ang kailangan mo ngayon Katherine. At dahil ako ang asawa mo, ako ang masusunod." Mahina pero may pagbabanta na sabi niya.
Nabalot na tensiyon ang buong kwarto mabuti na lamang ay may kumatok sa pinto.
"Magandang tanghali po. Dala ko na po ang tanghalian niyo sir." Itinaas nito ang isang tray na bitbit niya.
"Ilagay mo na lang diyan sa lamesa. Ako ng bahala. Salamat."
Mabilis namang kumilos si Lucas para madala sakin yung tray ng pagkain.
Iisang plato lang ang nandoon kaya nagtaka ako.
"Hindi ka ba kakain?" Tanong ko.
"Kakain."
"Eh nasaan ang plato mo?"
"Para saan pang naging mag-asawa tayo kung hindi tayo marunong mag-share?" Gusto kong mabilaukan sa sinabi niya kahit wala pa naman akong kinakain.
Hindi nga nagtagal ay sinusubuan niya ko habang siya ay kumakain din. This is the first time that we shared a same spoon at hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Mag-asawa kami, dapat sanay ako sa ganito pero bakit parang iba?
"Kamusta nga pala si Kyle?" Pagi-iba ko ng usapan.
"He's good."
"Ilang araw ko na siyang hindi nakikita." Malungkot na sabi ko.

BINABASA MO ANG
MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019
ActionBefore reading this book, please read Book 1-3 first. You can find it on my profile under works or search 'craziestamongtherest',lalabas lahat ng stories ko. Thank you! :)