B4 C58
Keisha's POV
"Ligtas na po si Chris, Mrs. Dawson."
Mabilis akong napatingin sa doctor na lumapit sa akin bago ko tinapunan ng tingin si Chris na nakahiga hindi kalayuan sa amin.
Masaya akong ligtas na siya. Masaya ako na hindi siya napahamak pero yung puso ko ay parang dinudurog ng mapalipat ang aking paningin sa lalaking nakahiga sa tabi ng kanyang kama.
Zach..
"Wala pa ba yung mga inutusan niyo?"
"Pinatawagan ko na sila Mrs. Dawson pero hindi sila sumasagot-"
"What kind of doctors and nurses are they? They know that this is an emergency pero bakit ang tagal!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng aking boses.
Sino ba ang matutuwa na maghintay lang dito sa isang tabi? Sino ang matutuwa na yung taong mahal na mahal mo ay halos wala ng buhay sa harap mo pero wala kang magawa? Sino bang matutuwa kung kailangan mong mamili sa dalawang taong importante sayo?
"I know how you are feeling Mrs. Dawson but please you have to calm down-"
"Calm down? Hah!" Tumawa ako ng mapakla. "Nasasabi mo lang yan kase wala ka naman sa posisyon ko! Hindi ikaw yung nakakaramdam ng nararamdaman ko ngayon!" Pinunasan ko yung luhang bumagsak sa pisngi ko. "Hindi niyo alam ang nararamdaman ko! Kilala niyo ko. I can catch a bullet if I have to just to save anyone from my family pero yung ganito? Maghintay na lamang sa isang tabi? I can't.." Umiiling na sabi ko. "Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nababaliw na ko sa paghihintay. Nasan na ba sila doc?" Nagsimula na namang magpatakan ang mga luha ko. "Kaialngan sila ng asawa ko doc. Kailangang mabuhay ng asawa ko. Kailangan ko siya.." Para akong bata na unti-unting napaupo sa sahig dahil sa pagod at panghihina. "Kailangan siya ng mga anak namin. Kailangan siya ng buong pamilya ko doc.."
Nakaramdam ako ng awa sa mga ng doctor bago umiling. "I'm so sorry, Mrs. Dawson." Huminga ito ng malalim. "Rest assured that we are trying our best to save him. Please stay strong." Tinapik niya ko sa balikat.
"Keisha.." Naramdaman ko ang pagyakap sakin ni Jessy. "Shhh.." Alo niya sakin. "Tama na. Baka ikaw naman ang bumigay dahil sa pagod at sakit ng katawan. Ang mabuti pa ay magpahinga ka na."
Umiling ako. "Hindi pwede." Patuloy lang ako sa pag-iling. "Hindi pwede, Jessy. Kailangan ako ni Zach. Gusto ko kapag nagising siya, ako ang una niyang makikita. Hahanapin niya ko e. Kilala mo naman yang si Zach, mawala lang ako sa paningin niya sandali mainit na ang ulo." Napangiti ako ng mapait. "Kailangan andito lang ako para mabantayan ko siya. Babantayan ko ang asawa ko."
"Keisha.." Punong-puno ng awa ang mga mata niyang nakatitig sakin. "Magpahinga ka na."
"Hindi ko nga pwedeng iwan ang asawa ko, Jessy." Patuloy lang ako sa pag-iyak habang patuloy sa pag-agos ang aking mga luha. "Kailangan-"
Napatigil ako sa pagsasalita at mabilis na tumayo ng makarinig na naman ako ng pagkakagulo.
"Zach.." Nanlaki ang aking mga mata ng makitang pati mga binti niya ay nangingitim na. "Anong nangyayari sa kanya doc? Bakit nagiging ganyan na ang kulay ng katawan niya!"
Nanginginig ang mga kamay ko ng ihawak ko yun sa mukha niya. Ang dating namula-mulang pisngi niya ay naging napakaitim na.
"Bakit ang lamig ng katawan niya? Ano ang nangyayari sa asawa ko!" Binalingan ko ang mga doctor na abala pa din sa pag-asikaso sa kanya.

BINABASA MO ANG
MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019
ActionBefore reading this book, please read Book 1-3 first. You can find it on my profile under works or search 'craziestamongtherest',lalabas lahat ng stories ko. Thank you! :)