Katherine's POVMas binilisan ko pa ang paglalakad ng maramdaman ko na may sumusunod sakin. Hindi nila ko pwedeng masundan dahil paniguradong masisira ang mga plano ko.
Lumiko ako papuntang foodcourt nitong mall para mahirapan silang maghanap kahit papaano.
Ipinilit kong isiksik ang katawan ko sa mga nagkukumpulang tao. Sale ngayon sa mall kaya naman sobrang daming tao ang nagkakagulo sa pamimili.
Agad akong naghanap ng mga kailangan kong bilhin. Coat, pants, wig, at sunglasses.
"Miss pakitanggal na lahat ng tag price. Isusuot ko na to."
"Hindi ho pwede maam. Kailangan pong bayad muna bago niyo maisuot yan."
"What's the difference? Babayaran ko din naman ang lahat ng ito."
"Marami po kaseng customer ang hindi naman talaga nagbabayad-"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong tingin mo sakin, walang pambayad?" Inabutan ko siya ng sampung libo. "Here. Ikaw na lang ang magbayad ng mga ito sa counter. I really need to get out of here."
Mabilis akong pumasok sa fitting room at nagpalit ng damit. Isinuot ko na din ang wig at sunglasses na binili ko. Paniguradong hindi na ko makikilala nung mga tauhan ni Lucas.
Nakahinga ako ng maluwag ng wala man lang akong natanaw ni isa sa kanila ng matapos ako.
Madaling-madali akong naglakad at sumakay ng taxi.
Hindi ako pwedeng magtagal dahil kailangan ko pang sunduin si Kyle. Isa pa, talagang magtataka na si Lucas kung gabi pa ko makakabalik ng bahay.
Ang paalam ko pa naman sa kanya kanina ay ihahatid ko lang si Kyle sa school tapos mamamasyal sa mall tsaka ko susunduin ulit ang aming anak.
Ayaw pa nga niyang pumayag pero naging mapilit ako. Pumayag siya pero ayun nga at pinasundan ako sa mga bodyguard niya. Akala naman niya hindi ko malalaman.
Napabuga ako ng hangin ng makita kong papalapit na ako sa lugar na gusto kong puntahan. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito. Ano ba ang aabutan ko doon?
"Maam hindi na ho pwedeng pumasok ang mga sasakyan dito. Pribadong lugar ho ito at wala ang sinumang nakakapasok."
"Pribado?" Nagtatakang tanong ko.
"Oho. Sa tinagal-tagal ko na hong taxi driver ay wala pa akong nabalitaan na nakapasok sa lugar na yan."
Napalunok ako. Bakit kaya? Ano bang meron sa lugar na yan?
"Sige po. Salamat." Nagbayad na ako at mabilis na bumaba ng taxi.
Nakatayo ako ngayon sa gilid ng kalsada at tinatanaw ang napakalaking lote na nasa harapan ko.
Ganitong-ganito ang itsura ng lugar na to ng mapanaginipan ko kagabi. Hindi na ko nakabalik sa pagtulog dahil sa kakaisip kung ano bang meron sa lugar na yan?
Malaki ang paniniwala ko na naging parte ng buhay ko kaya pinilit kong makapunta dito.
Lakas-loob akong naglakad papasok sa bakanteng lote. Sa ginagawa kong paglalakad ay unti-unti ko ng nakikita ang ganda ng lugar nato.
May mga halaman at bulaklak na nakatanim sa bawat gilid. Nagmistula tuloy itong garden na sobrang ganda.
Sa bawat paghakbang na ginagawa ko ay siyang pagsulpot ng mga alaala na ngayon ko lang naiisip.
Sa bawat paghakbang ko ay ramdam na ramdam ko ang puso kong parang hinahabol ng kabayo sa bilis ng pintig.
Gulong-gulo ang isip ko kaya hindi ko man lang namalayan na nasa tapat na pala ako ng isang building.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019
ActionBefore reading this book, please read Book 1-3 first. You can find it on my profile under works or search 'craziestamongtherest',lalabas lahat ng stories ko. Thank you! :)