Chapter 27

29K 1.3K 644
                                    

B4 C27

Katherine's POV

Mabilis akong naglakad papasok sa coffee shop na huling pinagkitaan namin ni Angelique.

I texter her last night that I will meet her here and she agreed.

Hindi na din ako nag-abalang magpaaalam kay Lucas na may lakad ako. Basta hindi ko na lang pinasabay si Kyle sa school bus niya para maihatid ko siya at makadiretso na lang dito.

Biglang tumunog yung cellphone ko.

"Angelique, nandito na ko-"

"May nakasunod sayo." Bumungad sakin ang boses ni Kane.

Agad kong sinilip ang mga taong nasa paligid ko ng hindi ginagalaw ang aking ulo para hindi sila makahalata.

Nakakita ako ng dalawang lalaki na nakaupo sa may likod ko. Kung titignan mo mukha lang silang normal customers, pero iba ang pakiramdam ko.

"Hindi nila kami pwedeng makita. Pumunta ka sa grocery sa baba. Pumasok ka doon sa staff room. Aantayin ka namin doon."

"Teka-" Aapila pa lang sana ako kung bakit doon niya ko pinapapunta pero ibinaba na niya ang tawag.

Nagtataka naman ako bakit doon. Hindi ba kami mahuhuli doon?

Bahala na nga. Kailangan kong gumawa ng paraan. I dialled Lucas' number.

Natapos na ang matagal na ring pero hindi niya sinagot yung tawag ko kaya tinawagan ko ulit siya. On the third ring, he answered the call.

"Hi Love!" Masayang bati ko sa kanya.

"Sorry Love hindi ko agad nasagot yung tawag mo."

"Are you busy?" I asked.

"I'm in the middle of a meeting-"

"Oh. I'm sorry. I didn't know. Sige ibababa ko na baka naaabala na kita."

"You are more important than this meeting Love." He said. "Did you miss me?"

"Yea. Aayain sana kitang mamasyal kaya lang busy ka ata." Malakas ang loob kong mag-aya sa kanya dahil alam kong nasa Cebu siya today. Base on his schedule, hanggang gabi siya doon.

"I can't Love. May meeting pa ko mamaya but if you want I can cancel-"

"No, no, no. It's okay Lucas. I'll just cook for you. What do you want for dinner?" Malambing na tanong ko.

"Magpapa-reserve na lang ako sa-"

"Wag na Love. Gusto kitang ipagluto." Ugh! Pigilan niyo ko please. Gusto ko ng masuka sa mga pinagsasasabi ko.

Tumayo na ko para maglakad palabas ng coffee shop.

"Ayokong mapagod ka."

Lumabi ako. "But I want to cook for you Love. Sige na please? Let me cook for you Lucas." Sinigurado kong maririnig ako nung dalawang lalaki na kausap ko yung boss nila.

Alam ko namang tauhan niya tong dalawa e. Psh.

"Okay. Ikaw na ang bahala. Basta naman luto mo, paniguradong magugustuhan ko e."

Nakaramdam ako ng pagsunod mula sa dalawa. Masyadong pahalata naman tong dalawa.

"Sus. Bolero! Sige na. Mag-grocery lang ako. Hinatid ko kase si Kyle e."

"Umuwi ka agad Katherine. Baka masyado mo ng pinapagod yang sarili mo."

"Opo Love. Pero pwede ba kong mag-shopping man lang? I want to buy new clothes." Hindi siya kumibo mula sa kabilang linya. "Please Love? Sandali lang ako."

Naramdaman ko na sabay napatingin sa mga cellphone nila yung nakasunod sakin.

"Okay." Biglang sagot naman nito sa kanilang linya. Mukhang ibinilin pa niya muna ako sa dalawa. Tsk. "You take care. Keep me updated okay? I love you."

"I love you too." Labas sa ilong na sabi ko.

Ibinaba ko na yung cellphone ko bago mabilis na kumuha ng pushcart. Agad hinanap ng mga mata ko ang sinasabi ni Kane na staff room. Nasa pinakadulo to at tanging mga staff lang talaga ang nakakapasok.

Inubos ko pa ang limang minuto ko sa paglalagay ng kung anu-ano sa cart ko. Nagkunwari na lang ako na namimili ako.

Malapit na ko sa may staff room at nakasunod pa din sakin yung dalawang lalaki. Binilisan ko ang paglalakad ko at ganun din ang ginawa nila.

Nag-panic ako kunwari at ng matanaw ko ang guard na nakabantay sa staff room ay nilapitan ko ito.

"May problema po ba maam?" Agad na tanong niya.

"I think someone is following me. It's freaking me out!" Nagpanggap pa ako na takot na takot.

"Nasaan ho?" Tinuro ko yung dalawang lalaki at agad naman itong naglakad papunta sa tinuro ko. Mautak yung dalawa dahil nakita ko silang naghiwalay at nagkunwaring namimili din.

Dahan-dahan akong umatras papunta sa staff room. Nang makasigurado akong hindi sila nakatingin sa akin ay hinatak ko ang cart ko papasok sa loob at laking gulat ko ng may nagtakip ng bibig ko.

"Shhh."

"Kane?" Walang salitang tanong ko.

Bahagya siyang tumango. "Halika na."

"Teka paano to?" Turo ko sa cart.

"Norman." Tawag niya sa manager ata. "Ikaw na ang bahala diyan. Siguraduhin mong walang makakaalam na dito kami dumaan."

"Yes sir."

"Teka lang. Bakit kilala ka ata dito? Sino bang may-ari nito?"

"Asawa mo." Nakangising sabi niya.

"Wala namang supermarket si Lucas ah?"

"Yung totoong asawa mo." Hindi na ko nakakibo. "Bilisan na natin. Kanina pa naghihintay si Liclic sa kotse."

"Teka lang." Awat ko. "Hindi ako pwedeng umalis ng matagal. May mga gusto lang naman akong malaman kaya ako nakipagkita sa inyo."

"Hindi tayo pwedeng nagtagal dito dahil hindi naman natin alam kung ilang tao ang pinagbabantay sayo ng mapagpanggap mong asawa."

"Eh saan tayo pupunta?" Nakasunod na kong naglalakad sa kanya.

"Pupunta tayo sa isang lugar na pwedeng magpa-alala sayo ng lahat."

"Saan?"

"Basta. Halika na."

Napilitan na lang akong maglakad ng mabilis dahil nagmamadali na siya.

Kahit na hindi ko alam kung saan kami pupunta ay nagpahila na lang ako.

***

Hi Soliders! Ano na? Nag 300 votes at 300 comments agad-agad? 😂 Kaiyak e. Nakaka-pressure tuloy sa paggawa ng update. Haha.

Any, Anniversary na ng MTAMB bukas. Yieee! I'm so excited. At siyempre, gusto niyo bang magkaroon ng update bukas? 500 votes + 500 comments. Kaya ba? HAHAHA. Tignan natin ang pagiging solid niyong lahat. 😍

Love ko kayong lahat. Sali na sa mga activities bukas. 💋💋💋

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon