Chapter 22

31.3K 1K 354
                                    

B4 C22

Keisha's POV

"Love. Masama ba ang pakiramdam mo? Sabi ni manang namalengke ka lang daw tapos hindi ka na ulit bumaba ng kwarto."

Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa aking unan na nakatakip sa mukha ko.

"Love. I know you're awake. Anong masakit?" Humiga siya sa tabi ko at yumakap. "Love? Naga-alala ko sayo."

"I just want some rest."

"May masakit nga sayo? Ano? Sabihin mo sakin Love. Gusto mo bang magpatawag ako ng doctor?"

"No. I'm fine. Masakit lang talaga ang ulo ko."

"Sumasakit na naman? Napapadalas na yata yan. Kailangan mo na ulit matignan."

"Please Lucas. Gusto ko lang talagang matulog. Please?"

Huminga siya ng malalim. "Okay. Dadalan na lang kita ng pagkain-"

"No need. I'm not hungry."

"Pero Katherine-" Napapikit ako ng mariin. Katherine your face!

"Kakain ako kapag nagutom ako. Gusto ko lang muna talaga ng pahinga ngayon." Hindi ko pa din inaalis yung unan sa mukha ko.

"Okay. Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka."

"Pakainin mo na lang si Kyle."

"Ako ng bahala sa anak natin. I love you." Hindi ko siya kinibo. Hindi na maatim ng sikmura ko ang sabihing mahal ko siya kahit hindi naman.

Sulitin mo na ang maliligayang araw mo Lucas dahil baka bukas, pagkagising mo wala ka ng pamilya.

***

Chris' POV

Sabay-sabay kaming natahimik ng biglang bumukas ang front door.

Lahat kami ay nakatingin lang sa kanya. Lahat ay gustong magtanong pero wala ni isang gustong kumibo.

"What?" He asked.

Hindi pa din nawala ang mga mata naming nakatitig sa kanya.

"What do you guys want?" Wala pa ding kumibo samin. "Magsasabi ba kayo o-"

"Halika na kayo sa taas Amour at Sachel." Napatingin ako kay Liclic na bigla itong tumayo.

"Tapos na ba kayong kumain?" Tanong naman ni bossing sa kanila pero hindi siya sinagot ng anak. Ni hindi man lang nga yata siya nito tinignan. "Do we have a problem?"

"Ask yourself, DAD." Sabi niya sabay buhat kay Sachel. "Halika na Amour."

Nagtuloy-tuloy na sila sa pag-akyat. Hindi man lang talaga nila pinansin si bossing.

Pasimple ko siyang tinignan. Bakas sa mga mata niya ang lungkot at pag-aalala pero hindi niya ipinahalata.

"Handa na ba ang lahat?" Pagi-iba niya sa usapan.

"Handa na ang lahat boss." Ako na ang sumagot dahil wala atang gustong pumansin sa kanya.

"Magpahinga na kayo." Umakyat na siya sa taas.

Ramdam mo ang tensiyon sa buong bahay. Sa totoo lang, naaawa ako kay bossing. Ano bang kasalanan niya? Wala naman diba?

Oo. Alam kong si Zachary ay para kay Keisha lamang. Pero paano na nga ba kung nawala na ang isa? Wala na bang karapatang maging masaya yung naiwan?

Mahirap baguhin ang nakasanayan. Mahirap palitan ang taong mahal na mahal mo pero paano kung wala na siya?
Nasaksihan namin kung paano parang namatay si bossing ng mawala si Miss Keisha. Ganun na lang ba yun? Hindi na ba siya pwedeng sumaya ulit dahil ayaw lang namin?

Hindi ba dapat maging masaya kami dahil kahit paano, nakikita namin na bumabalik na talaga ang tunay na boss ng mga Mafia.

"Hindi ko kaya maintindihan. Ano naman kung may kinikita ng babae si bossing?"

"Ano naman? Hindi pwedeng merong iba!" Sinigawan ako ni Jl tsaka masamang tinignan.

Umiling ako. "Ano bang pinaglalaban niyo? Eto ang gusto natin diba? Ang mag-move on siya."

"Iba ang pagmo-move on sa paghahanap ng iba." Masama ang loob na sabi din ni Jessy.

"Hindi pwedeng mapalitan si Keisha." Nakayukong sabi ni Kane. "Walang pwedeng pumalit sa kanya."

"Iba naman talaga si Miss Keisha e. At kahit ano pa ang gawin natin, walang makakapalit sa kanya. Ang akin lang naman, hindi ba natin pwedeng hayaan na maging masaya din si boss?"

"So sumasang-ayon ka nga?" Napatingin na din ako kay Veron na nagsalita sa tabi ko.

"Hindi naman sa ganun kaya lang-"

"Kaya lang pumapayag ka!" Pagtutuloy ni Jade sa sinasabi ko.

Padabog akong tumayo. "Ang labo e! Ang labo niyo! Aaminin ko, kahit ako nahihirapang tanggapin na meron ng iba si boss. Siyempre, tumatak sa isip natin na si Zach ay para kay Keisha. Pero anong gagawin natin? Wala na nga siya."

"Hindi mo alam ang sinasabi mo." Napatingin kaming lahat kay Kane.

"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ng asawa niyang si Karen.

Matagal namin siyang tinitigan pero wala ni isang salita ang lumabas sa bibig niya kundi isang iling.

Hindi ko alam pero malakas ang kutob kong may iba siyang gustong iparating samin.

"Ah basta! Hindi pwedeng magkaroon ng iba si bossing."

Tumawa ako ng mapakla dahil sa sinabi ni Val. "Nasaan ang hustisya dun? Sa halip na tayo ang magpaliwanag ng mga nangyayare sa mga bata, tayo pa ang hindi makaintindi. Imbis na tayo ang tumulong kay boss, tayo pa mismo ang humuhusga sa kanya." Tinignan ko sila isa-isa. "Tao din siya. Hindi natin mararanasan yung buhay na meron tayo ngayon kung hindi dahil sa kanya. May karapatan din siyang maging masaya."

***

Ano Soliders? Agree ba tayo kay Chris? Should they accept the fact that Zachary needs a new girl now? Ooops. Please don't bash Chris' FB account.

Hi nga pala kay Angela Mae Fernandez Humilde! 👋👋 Congratulations sa pagkapanalo mo sa game. Sana patuloy ka pang maging active and sa pagsali sa mga games nila. And of course thank you sa pag-support mo sa story ko. I love you! 💋

And one more thing Soliders, sa May 5 po ay Anniversary na ng Married to a Mafia Boss. 😍 May mga inihanda na games at activities ang nga Fictional Characters kaya sana suportahan niyo sila. Sumali kayo ha? May mga prize naman doon.

You can join our FB Group by searching "Married to a Mafia Boss (Official Group)" or by liking our FB Page which is at "Craziestamongtherest" 😊

You can also ads me on FB by searching my phone number which is "09173993295" or follow me on IG @jlldlrsr ❤💋

~ craziestamongtherest

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon