B4 C32
Katherine's POV
"Where have you been?"
Binalot ng kaba ang buong pagkatao ko ng maabutan ko si Lucas na nasa living room habang umiinom ng alak.
"Hi Love!" Lumapit ako sa kanya at yumakap. "Kanina ka pa?"
"Yes."
"Ang aga mo naman ata?"
"Well maybe because you promised me that you'll cook dinner for me." Napamura ako sa isip ko. Wala akong dalang pagkain o kahit na ano.
"Hehe. Sorry. I forgot. Nalibang kase ako sa pamamasyal e. Don't worry, I can still cook for you. Or if you want we can eat outside."
"No need. Nagpaluto na ko ng pagkain."
"Wow! That's good. I'll just change clothes okay?" Hinalikan ko siya sa pisngi bago umakyat sa taas.
Hindi ko maipaliwanag yung kabang nararamdaman ko. Parang may mangyayari na hindi ko gusto.
Mabilis akong nagpalit ng damit. Dinaanan ko din si Kyle sa kwarto niya pero wala siya.
"Love?"
"Hmm?"
"Where's Kyle?" I asked.
"Somewhere."
"Anong somewhere? Where is he? Pati si manang wala sa bahay. Nasaan sila?"
"They are both in good place okay? You don't have to worry. Pinaalis ko muna sila dahil gusto kitang masolo. I missed you." Nagulat ako ng bigla niya kong niyakap mula sa likod.
"Ikaw talaga. I'll prepare our dinner now." Inalis ko na agad yung mga braso niyang nakapulupot sakin at dumiretso sa dining area.
Nagulat naman ako ng maabutan kong nakaset up ang table for dinner for two. May boquet of flowers na nakapatong sa mesa na agad niyang kinuha at inabot sakin.
"Flowers for the most lovely woman I ever known."
Kinuha ko naman ito. "Thank you. Anong meron? Hindi naman natin Anniversary. Hindi ko rin naman Birthday."
Umiling siya. "I just want to celebrate my love for you. Shall we eat?" Tumango ako kaya inalalayan niya kong maupo.
Siya na rin ang nag-serve ng pagkain naming dalawa. He prepared steak. Nilagyan din niya ng wine ang mga baso namin.
Nakabibinging katahimikan ang sumalubong sa amin habang kumakain. Wala ni isa ang nagtangkang magsalita. Hindi mo naman masasabi na gutom lang dahil parang hindi nga nababawasan yung mga pagkain namin sa plato.
"Nasaan ba talaga si Kyle?" Basag ko sa katahimikan.
"He's on a vacation."
"Vacation? You let him go without consulting me?" Medyo iritang tanong ko.
"You should have known if you were here earlier Love. Tinawagan ka pa nga nung bata. Sabi mo pauwi ka na, pero limang oras ka pang nagtagal. Now tell me, sinong may kasalanan?"
"Hindi yun yung point ko. You should have waited for me bago mo siya pinayagan. Tsaka bakit biglaan? Sinong kasama niya? Saan sila nagpunta? Kailan siya babalik?"
"You don't need to know."
"I have the right to know Lucas because I am his mother!"
BINABASA MO ANG
MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019
ActionBefore reading this book, please read Book 1-3 first. You can find it on my profile under works or search 'craziestamongtherest',lalabas lahat ng stories ko. Thank you! :)