Chapter 26

29.7K 1.2K 420
                                    

B4 C26

Angelique's POV

"Namimiss ko na siya tito.."

"Hindi pa din ba nagtetext sayo?" Malungkot akong umiling. "Pabayaan mo muna Lic. Let's give her time. Hindi madaling tanggapin lahat ng nalaman niya mula sa atin lalo na sa kalagayan niya."

"Pero tito time is running. Gustong-gusto ko na siyang makasama. I'm sure tayong lahat. Kung sabihin na kaya natin kay daddy to?"

"No. Hindi pa pwede. Masyado pang magulo ang lahat. Kailangan kapag nalaman na to ng daddy mo, may naalala na kahit konti si Keisha. Masasaktan lang ang daddy mo kapag hindi siya nakilala."

"Pero tito-"

"Listen to me Angelique, maraming tao ang involve ngayon. Hindi tayo pwedeng magpadalos-dalos sa paggawa ng desisyon. Kailangan nating isipin ang lahat. Naiintindihan mo ang punto ko diba?"

"Opo tito Kane."

Naiintindihan ko naman talaga e. Hindi ko nga lang mapigilan ang sarili ko na malungkot dahil sa mga nangyayare. Pero tama naman siya, mas kakaunting tao ang nakakaalam, mas maganda.

***

"SURPRISE!"

"MAXINE! What are you doing here?" Napatayo pang tanong ni daddy ng biglang pumasok sa bahay yung babaeng nakakainis.

"I miss you too babe!" Maarteng sabi niya tsaka biglang lumapit kay daddy para humalik sa pisngi.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Well, binisita kita sa hospital pero nakalabas ka na pala. Hmp. Hindi mo man lang ako sinabihan na makakauwi ka na pala."

"May bagong secretary ka na pala Zachary."

"Excuse me?"

"Why? Dadaan ka ba?" Mataray na tanong ni tita Jessy.

"Do I look like a secretary to you?"

"YES."

Bakas ang inis sa mukha ni Maxine pero pinilit pa din niyang ngumiti. "Kung mukha akong secretary sa paningin mo, you look like a yaya to me."

"Okay ng magmukhang yaya kesa naman sa secretary na mukhang walang alam sa paperworks dahil panglalandi sa boss niya ang gagawin."

"You bitch!"

Akmang sasampalin niya si tita Jessy pero biglang humarang si daddy.

"I believe we are eating right now. Kung hindi kayo magpapaawat, bukas ang pinto. Feel free to go out."

"Yang katulong niyo e! Akala mo kung sino kung magsalita!"

"Stop it."

"Pagsabihan mo kase-"

"Kapag sinabi kong stop, STOP!" Mahina pero nakakatakot na sigaw ni daddy kay Maxine. Mukhang nagulat naman ito at natakot kaya nanahimik na. "Sumabay ka na sa amin Maxine."

"Thanks but no thanks. I'm on a diet."

"Diet your face." I mumbled.

"You're saying something?" Tanong niya sakin.

I faked a smile. "No tita. Why don't you join us? This will be our first breakfast together." Sige lang Angelique, galingan mo pa sa pag-arte.

"I don't eat rice during breakfast. Fruits will do."

"Oh. Sayang naman tita. Alam mo po kase, sa pamilya namin lahat kami rice-eater. And of course we don't have to worry about our figure. Namana siguro namin to kay mommy. Hindi tabain kahit kain ng kain. Yun pa naman yung gusto ni daddy sa babae. Yung masasabayan siya sa lahat ng gusto niyang kainin.Right dad?"

"Yes." Tumango ito. "Kumain na kayo." Tumingin siya kay Maxine. "Ipapakuha na lang kita ng fruits-"

"No need babe. Mukhang masarap naman tong breakfast niyo. I'll eat this."

***

"Tita, kami na po ang maghuhugas ng mga plato."

"Sigurado kayo?" Tanong ni tita Pia.

"Opo tita."

"Ako na ang magdadala ng mga baso sa sink." "Sabi ni Ces.

"Do you need help?"

"Nako kuya. Wag nga kami. Hindi ka naman talaga naghuhugas ng plato no." Sabi ni Amour.

"I'm trying to help okay?"

"Wag ka ng magpasikat kay ate Ces. Mahal ka na nun. Doon ka na lang sa sala."

"Don't you have maid guys? Bakit kayo ang maghuhugas niyan?" Taas kilay na tanong ni Maxine sa amin.

"We do have."

"Then why don't you just let your maid wash that?"

"Kase po TITA, ayaw po ni daddy na nakaasa lang po kami sa mga katulong. Gusto po ni daddy, may alam kami sa gawaing-bahay. Kayo po ba tita, marunong maghugas ng plato?"

"O-of course.. Do you guys want me to help you?" Kitang-kita ko ang ginawa niyang paglunok.

I bet she's wishing na sana hindi namin siya patulungin.

"That will be awesome tita!" Masayang sabi ko. "Para naman makapagkwentuhan pa tayo lalo sa kusina."

"O-oo naman." Maarte niyang hinawakan yung ibang plato.

"Tita are you sure you'll help us?"

"Of course. Ginagawa ko din naman to-Ahhhh!" Nabitawan niya yung hawak niyang plato.

'"Halaa! Favorite set pa naman ni daddy na plato yan." Sabi ni Amour.

"I'm so sorry. I did not know what happened. Bigla siyang dumulas sa kamay ko. Papalitan ko na lang yung mga nabasag -"

"What happened here?"

"I'm sorry Zach. Hindi ko naman sinasadya-"

"Iwanan mo na lang yan diyan. I have to go to the office, so you must leave as well."

"Okay ka na ba babe? Diba dapat magpahinga ka muna."

"I'm fine Maxine. Ihahatid na kita. Baka hinahanap ka na ng daddy mo."

"May business trip siya ngayon. Can I stay here at your house?"

"You know you can't. Let's go. I'll bring you home." Hinila na siya ni daddy palabas sa kitchen.

Nilingon muna kami ni daddy bago siya dumiretso sa paglalakad.

Naiintindihan na namin si daddy ngayon. Alam ko naman na si mommy pa din. We just need to trust him. He is just doing everything para sa pamilya namin.

I can't wait for my family to be complete again. I know anytime soon, mom will contact me at babalik na siya sa amin.

***

May ginagawa akong chapter ni Lucas. Feeling ko maiiyak kayo. :( Any, enjoy niyo muna to.

300 votes + 300 comments = UPDATE 😂😂

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon