Chapter 49

20.8K 566 71
                                    

B4 C49

Keisha's POV

"Handa na ba ang lahat?" Tanong ko ng makumpleto kami sa conference room.

"Handa na ang lahat Miss Keisha."

"Nakuha ko na ang exact location nila ngayon. Nasa gitna sila ng dagat kaya ipinahanda ko na ang mga barko sa port." Tinuro ni Jade sa mapa ang eksaktong lugar na nakuha niya.

"Dalawang barko ang gagamitin natin." Tumango ako kay Kane.

"Mas mabuti yan dahil hindi natin alam kung ilan ba ang susugurin natin. Sama-sama tayong lahat sa isang barko habang sa isa naman ang mga tauhan natin."

"Nagpakuha na din ako ng mga baril sa hide out at doon na nila mismo ilalagay yun sa barko."

"Salamat Blake. Pinadagdagan mo ba yun? Mabuti na ang handa tayo."

"Madami na yun Miss. May mga bitbit din kaming baril mula dito sa bahay."

"Siguraduhin niyo na bawat isa sa inyo ay may baril at kutsilyo. Pinapangako ko na kami lang ang lalaban pero para sa safety ng lahat, mas mabuti na ang handa pati kayo." Pagkausap ko sa mga babae.

"Wag kang mag-alala samin ate. Yakang-yaka namin yan." Napangiti naman ako kay Jl. Alam kong takot yan pero pinipilit niyang maging matapang para lumakas ang loob ko.

"Mommy are they okay?" Lumapit sakin si Sachel habang umiiyak.

"Hush now baby. They are fine okay? Pupuntahan na natin sila." Sabi ko sa kanya. Malakas ang pakiramdam ko na magkakasama ang maga-ama ko kaya kailangan na naming magmadali para mailigtas sila. "Stop crying now Sachel. Gusto mo bang kapag nagkita kayo ni daddy, maga yung mata mo?"

"No.. Sachel is just afraid mommy. What if something bad happens to them?" Iniyakap niya ang mga braso niya sa batok ko.

"Baby diba big girl ka na?" Nilapitan siya ni Pia at hinimas sa likod. "Wag ka ng umiyak diyan. Isa pa, walang mangyayaring masama sa daddy at mga kapatid mo." Pinisil niya ang braso ko.

Hindi ko tuloy alam kung si Sachel pa ba ang binibigyan niya ng assurance, o ako.

"Nandun ang daddy mo baby para iligtas si Kyle at kuya mo. Susunduin lang natin sila tapos magswi-swimming na tayo."

"Promise tita Karen?"

"Promise baby kaya bumaba ka na kay mommy at ng makaalis na tayo."

"Mommy, promise Sachel muna na walang mangyayaring bad sa kanila."

Huminga ako ng malalim bago tumingin sa anak ko. "Wala baby. Pangako yan."

Gagawin ko ang lahat, masigurado ko lang na ligtas sila. I am willing to sarifice my life just to make sure that they are alive and safe.

***

"Bakit tayo tumigil?" Tanong ko agad ng maramdaman ko ang paghinto namin.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at inihiga si Sachel na buhat ko sa tabi ng mga ate niya.

Inabutan ako ni Kane ng telescope at itinuro yung gitnang parte ng dagat.

Agad ko itong tinignan at may isang malaking barko ang nakahinto din. Medyo malayo sa parte namin.

"Baril ba yung mga hawak nila?" Pilit kong inaaninag yung mga lalaking nakapalibot sa barko, pero masyado silang malayo para matanaw.

"Oo. Armado silang lahat kaya kailangan nating magplano ng mabuti."

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon