Chapter 61 - Siguro eto na ang sign na hinihintay ko

5.6K 84 45
                                    

Dedicated to LhineSanchez! :)

i want you to know na sobra sobra akong nata-touch sa support mo :)

thank you so much for all the "nakakalurki" na comments ;) sa lahat ng votes and of course, sa pag-"like" ng facebook fanpage at sa pag-follow sa twitter! :)

lahat lahat ng ginagawa mong pag-support ay kinatutuwa ko ng sobra! :)

from my grateful heart - THANK YOU! :)

-------------------------------

hi guys! :)

i promise to try to upload tomorrow ulit..

i need to sleep na kasi may pasok pa ko later.. :(

sa mga nag-add sa fb fanpage, wait for dedications sa upcoming chapters! :) and of couse sa lahat ng nag-fan din :) antay antay lang po.. pag di nagkasya dito sa MYH, may susunod pa naman akong story ;)

@jaymeemarielle - bumili ka ng internet card mo para mabasa mo hahaha! char! luv u yel! :)

ayun..

PLS VOTE and COMMENT! :)

di ko alam kung totoong nagugustuhan nyo nga to.. laging konti ang votes :(

be a fan na din if you like..

Thank you! ;)

KAYA NYO PA BA ANG PAIN? ;)

ISANG BONGGANG PASABOG SA KASUNOD NA CHAPTER NITO.. KAYA.. VOTE NA! :)

--------------------------------------------------------------------------

Chapter 61 - Siguro eto na ang sign na hinihintay ko

(Alex)

“Apol, wag mo na akong pahirapan pls. Magmahal ka na lang ng iba.”

*knock knock*

Kumatok ako sa hotel room nina mama at papa.

Pagkatapos ng pag-uusap namin saglit ni Apol,

Naligo ako at nag-drive papuntang Manila Hotel.

Ewan ko, ang gulo gulo ng utak ko.

Bakit ang sakit sakit ng nararamdaman ko?

Hindi ko na maintindihan.

I need my parents.

Bumukas ang pinto ng hotel room.

“Anak?” Parang nagulat si Mama.

“Mama..” Niyakap ko siya at umiyak ako.

Dinala niya ako sa loob ng room.

Umupo kami sa sofa dun habang naka-yakap parin ako sa kanya at umiiyak.

Narinig ko ang footsteps ni papa.

Maya maya naramdaman kong dalawa na ang nakayakap sakin.

Umupo na rin pala si papa sa sofa at hinagod ang likod ko habang umiiyak ako.

Nasa gitna nila ako.

Parang antagal namin sa ganung posisyon.

Umalis sila sa pagkaka-yakap at tinignan ako habang tumutulo parin ang luha ko.

Nakita kong may luha na din sa mata ni mama.

“Anak alam mo ba ang katangi-tangi naming weakness ng papa mo?” She asked me in between sobs.

Tinignan ko lang siya habang lumuluha parin ako.

“Yung makita kang malungkot.” Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko.

“Bakit ganun? Bakit ang gulo gulo?” I asked to no one in particular.

“Saan ka naguguluhan anak?” Tinanong ni papa.

“Hindi ko po alam. Basta. Ewan.” Pinunasan ko ang mga luha ko.

“Anak, mahal mo ba si James?” Tinanong ni papa.

“Opo.” Sagot ko naman.

“Eh si Apol, mahal mo ba?” Tinanong ni mama.

Parang may tumusok sa puso ko.

Humagulgol ako in reply.

“Alam mo anak, minsan dapat timbangin mo ang pagmamahal mo. Sinong mas mahal mo? Sino sa kanila ang tunay na mahal mo? Sino ang mahal mo bilang kaibigan at sino ang tinitibok ng puso mo? Matalino ka anak. Kilalang kilala ka din namin. Alam namin na alam mo na ang sagot sa mga tanong mo.” Sinabi ni papa habang nakahawak sa likod ko.

Tama siya.

Alam ko naman talaga.

Pero bakit ako nahihirapan?

“Nahihirapan ka dahil ayaw mo makasakit. Nahihirapan ka dahil ayaw mo masaktan ulit. Pero alam mo anak, sa buhay ng tao, normal ang masaktan.” Hindi ko pa man natatanong, sinagot ni papa ang tanong sa utak ko.

“Mas mahal mo si Apol tama ba?” Tinanong ni mama sakin.

“Mahal ko po si Jay Jay.” Sinagot ko kay mama.

“Mas higit ba ang pagmamahal mo kay James kesa sa pagmamahal mo kay Apol?” Tinanong niya.

“Mahal na mahal ako ni Jay Jay.” Sinagot ko ng seryoso.

“Wala naman kumekwestyon ng pagmamahal nila sayo eh. Alam ng lahat kung gaano ka kamahal ni James. Kagabi, napatunayan din namin na mahal na mahal ka ni Apol. Ang concern namin ay ikaw. Kung sinong tunay na mahal mo.” Sabi ni mama.

“Ma, pa, di ba kaibigan nyo ang parents ni Jay jay? Bakit hindi nyo ako pinagkasundo nalang kay Jay Jay?” Tinanong ko sila ng seryoso.

“Alam mo anak, honestly, kung kami ang masusunod, si James na ang gusto namin para sayo. Pero unlike other parents, hindi kami ganun. Hindi mo ba nakikita kung gaano ka-importante samin ang kaligayahan mo? Biniyayaan kami ng halos perfect na anak. Maganda, matalino, mapagmahal.. halos lahat nasa iyo na. Hindi kami pinagkaitan ng Diyos ng isang anak na maipagmamalaki. Kaya hindi namin magagawang ipagkait sayo kung anong gusto mo.. kung anong desisyon mo. Andito kami para suportahan ka at habang buhay na mahalin. Sa bandang huli naman, ipinahiram ka lang samin ng Diyos. Mas sarili kang buhay. Ikaw ang magdedesisyon para sa sarili mo.” Sabi ni papa.

Naiyak ako sa sinabi niya.

Totoo bang deserving ako para magkaron ng ganito kabuting mga magulang.

Ang swerte swerte ko.

Siguro now is the time para masuklian ko lahat ng pagmamahal at kabutihan nila sakin.

Sinabi ni papa, si James ang gusto nila para sa akin.

Siguro eto na ang sign na hinihintay ko.

Tumigil ako sa pag-iyak.

Huminga ako ng malalim at nagsalita.

“Ma, Pa, gusto ko na po umalis sa apartment.”

Me, You and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon