Chapter 31 - Eh pano pag ako ang nanalo?

7.1K 60 25
                                    

Chapter 31 - Eh pano pag ako ang nanalo?

(Alex)

 

 

Alexandra Sophia Tan. My Sweet Wine. by:  Apol Cuenca

 

 

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Hiya, Gulat, Saya, Kilig.. Hays.

Mula ng makilala ko si Apol, laging halo-halo ang emotions ko.

Hindi ko akalaing tototohanin niya ang sinabi niya sakin kagabi.

Talagang ipinaalam niya na sa lahat.

Kaharap ko si Apol ngayon at hindi ko siya matignan. Naka-yuko lang ako sa blankong sketch pad.

Iniisip ko ang drawing niya. Buhay na buhay ako sa drawing niya. Parang nagt-twinkle pa ang mga mata ko dun. Parang mas maganda pa sa buhay na Alex ang drawing niya. Ang galing niya talaga.

Natapos ang klase na walang nagsasalita sa grupo namin. Pero yung ibang students medyo nanunukso at kinikilig.

Walang professor sa next class.

Pwede na ako umuwi.

Pero bago ako makalakad papunta sa kotse,

“Traydor ka Alex.” Hinila ni Cherry ang braso ko.

“Cherry.” Sabi ko lang.

“Alam mo namang gusto ko si Apol diba? Akala ko ba man-hater ka? Bakit naging ganito?” Lumalakas na ang boses niya.

“Kasi kunyari conservative pero malandi pala.” Lumapit si Yen kasama si Zen sa pwesto namin ni Cherry.

“Ano bang ginawa mo ha Alex? Nilandi mo si Apol? Inakyat mo siya sa bahay niya dahil magkapit-bahay nga pala kayo.” Sabi naman ni Zen.

“Wala a-ako--“ Naiiyak na ako.

“Malandi ka!” Hinila ni Yen ang buhok ko

“Ano ba! Tama na!” Inalis ni Apol ang kamay ni Yen sa buhok ko.

“Sabihin mo nga samin Apol, inakyat ka ba ni Alex sa apartment mo?” Tanong ni Zen kay Apol.

Me, You and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon