Chapter 17.1 - Goodnight Apol. Sweet dreams.

7.7K 60 22
                                    

Chapter 17.1 - Goodnight Apol. Sweet dreams

(Alex)

 

“Tara na Apol. Uwi na tayo.”

Nagyaya na ako umuwi kasi ayoko talaga ng tinititigan ako habang umiinom. Hindi naman talaga ako nalalasing. Ewan ko ba bakit big deal sa lahat yung pag-inom ko. Ok naman ako. Ang tagal tagal ko na umiinom.

Pag-dating namin sa bahay, nag-shower ako at nag-toothbrush. 11pm pa lang naman. Gusto ko pa sana bumili ng beer pero wag na nga. Baka nga ma-late ako at baka kagaya ni Sir Garcia ang prof sa Drawing. Baka nga magpasayaw. Wag na nga lang.

Nagbibihis ako nung kumatok si Apol sa kwarto ko.

“Lex, pwede ba tayo mag-usap?” Sabi ni Apol habang kumakatok.

Binuksan ko naman yung door after ko magbihis.

“About?” Tanong ko sa kanya.

“Simulan na natin mag-usap about sa house rules.” Sabi niya sakin.

“Ok sige sa baba tayo.” Sabi ko sa kanya at nauna na akong bumaba.

Pumunta ako sa dining table at umupo.

Umupo naman si Apol sa harap ko. Pinatong niya yung notebook na dala niya sa hypermart kanina.

“Talaga bang ganyan k aka-organized?” Tanong k okay Apol.

“Medyo. Yung tita ko kasi ganito. Tapos pati si Kate—“ Medyo tumigil siya.

“Sino si Kate?” Tanong ko sa kanya.

“Ah wala. Game start na tayo.” Sabi niya na medyo namutla.

Hmmm.. Sino nga kaya si Kate?

“Sa paglilinis, general cleaning tayo. Both of us na para hindi masyado mahirap.” Nagsimula siya.

“Pwede na siguro yung once a week general cleaning no?” Tanong ko naman.

“Oo ok na siguro yun. Tutal, lagi naman tayo sa school. So, every Saturday or Sunday?” Tanong niya.

“Sunday na lang.” Sagot ko.

“Ok. Sa paghuhugas ng plates, take turns tayo. MWF ako, TThS ka. Pag Sunday, sige kahit ako nalang din.” Ambait naman.

“Ok thank you. Pano sa visitors?” Tanong ko naman.

“Ikaw. Ok lang ba sayo na tumanggap ng visitors?”Tanong niya sakin.

“Ako kasi, si Mon lang naman siguro ang magiging visitor ko. Ayoko kasi tumanggap ng iba pang visitor dahil baka kung ano pang isipin nila na nakatira tayo sa iisang bubong.” Seryoso kong sinabi sa kanya.

“Kung sabagay. Pero if ever magkakabisita ako, pano un?” Tanong niya sakin.

“Tell me in advance para ready akong makapag-kulong ako sa kwarto or gumala muna.” Sabi ko naman.

“O sige ganun din ako pag nagka-bisita ka.” Sabi niya habang nagsusulat.

“Ano pa ba?” Tinanong ko siya.

“Yan na muna for now. Wala pa rin ako maisip eh. Tulog na tayo?” Sabi niya sakin.

“Ok sige, til next.” Sabi ko naman. Nagsimula na ako umakyat.

“Ako na magpapasok ng pinamili. Medyo nakarami ka ng ininom. Goodnight Lex.” Narinig kong sinabi niya habang paakyat ako.

“Goodnight Apol. Thank you.” Sabi ko naman nung nasa gitna na ako ng stairs.

Bakit ganun nararamdaman ko? Bakit kasi ang bait nitong mokong na to? Parang nanlalambot yung mga tuhod ko. Siguro sa pagod at pag-inom lang to. Makatulog na nga lang.

Goodnight Apol. Sweet dreams.

Me, You and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon