Chapter 55 - Ang tanga tanga ko

Magsimula sa umpisa
                                    

Susundan ko siya.

Parang may kailangan akong malaman.

“Pre, alam na ba ni Alex yung—“ Simula ni Rufus.

“Wala siyang alam. Yun ang alam ko. Ewan ko nalang ngayon.” Binilisan ko ang andar.

Nakita kong tumigil ang taxi na sinasakyan ni Kate sa isang bar.

Bumaba siya.

May sumalubong sa kanyang isang babae.

Umiyak siya habang naka-yakap sa babae.

Nag-park ako sa hindi kalayuan.

Inantay kong pumasok sila ng bar bago kami bumaba.

“Anong gagawin natin dito Apol?” Tanong ni Rufus.

“Hindi ko din alam. Pero kutob ko, may malalaman ako ngayong gabi.” Pumasok kami ni Rufus sa bar at umupo sa madilim na area kung saan naaririnig kong nag-uusap si Kate at yung babae.

May posteng naka-harang kaya hindi nila kami kita.

“Spy tayo? Ganun ba?” Tanong ni Rufus habang nagkakamot ng ulo.

“Ssshh. Wag kang maingay.” Sabi ko naman.

“Apol? Anong ginagawa mo dito?” tumingin ako sa nagsasalitang nakatayo.

“Mon naman o! Akala ko kung sino. Ikaw? Anong ginagawa nyo dito?” Hinila ko si Mon para umupo at umupo naman sa tabi niya si Patrick.

“Pinasundan ni Alex si Kate. Bigla daw tumakbo. Baka daw mapano. San ba nakaupo si Ka—“ Ambang tatayo si Mon.

Hinila ko ulit siya paupo.

“Wag kang tumayo. May inaalam ako. Nasan nga pala si Alex?” Tinanong ko si Mon.

“Gusto na daw niyang matulog eh. Masakit daw yung mata niya. Dahil siguro sa spot lights kanina. Sumakit ulo niya eh.” Sabi naman ni Mon.

“Nagawa ko lang kasi mahal ko siya!” Bigla namin narinig sumigaw si Kate na boses umiiyak.

Tahimik kaming nakinig.

“All my life, siya lang ang nagmahal sakin ng totoo! Si Apol lang!” Hinampas ni Kate ang lamesa.

“O eh bakit ngayon gumi-give up ka na girl? Kala ko ba eto ang gusto mo?” Tanong ng babaeng kasama niya.

“Napapagod na ko. Napapagod na ako manlimos ng pagmamahal. Hindi na niya ako talaga mahal. Si Alex na ang mahal niya. Ang sakit. Ang sakit sakit. Akala ko matututunan niya ako ulit mahalin pero wala na talaga. Ilang buwan na. Ni hindi niya ako magawang yakapin o halikan. Parang diring diri siya sakin. At nung nakilala ko si Alex, naintindihan ko na kung bakit. Iba siya Dianne. Iba si Alex. Mabait siya. Kinaibigan pa niya ako. Hindi ko na kayang magpanggap sa kasinungalingan ni dinulot ko sa kanila.” Umiyak ng umiyak si Kate.

Anong kasinungalingan yun?

Nag-hintay kami ng mga susunod na pag-uusap nila.

Biglang may lumapit na lalake kay Kate at hinila siya patayo.

“Hey sexy, missed me?” Akmang hahalikan nito si Kate.

“Bitiwan mo ako Ron!” Nagpumiglas si Kate.

Yung ex-boyfriend ni Kate yun na si Ron.

“Kanina pa kita pinagmamasdan from the other table Kate. Wala kang kupas. Ang sexy mo parin. You’re making me horny once again.” Tinignan nung lalake si Kate mula ulo hanggang paa.

Naka-miniskirt lang si Kate at sleeveless na shirt.

“Lasing ka na Ron! Umalis ka na!” Sinigaw ni Kate.

Hindi na ako nakapag-pigil.

Kahit ano pa, hindi tamang bastusin si Kate.

Tumayo ako at lumapit sa lalake na hawak ang parehong braso ni Kate.

“Bitiwan mo siya.” Kalmado kong sinabi sa lalake.

“And who are you? Ang bagong fuck buddy ng pokpok na to?” Binitiwan nung lalake si Kate at humarap sakin.

Sinuntok ko ang lalake at natumba siya.

Lasing na nga.

“Wala kang karapatan mag-paratang ng ganyan sa isang babae. Wala ka rin karapatan bastusin siya.” Sinabi ko sa lalakeng nasa floor.

Nag-punas siya ng dugo sa labi niya at tumayo ulit.

“Kilala mo ba yang babaeng pinagtatanggol mo? Wag mong sabihing gusto mong maka-score kaya nagpapakabait ka jan? Hindi na kailangan nun kay Kate. Wag ka na mag-maang maangan pre. Pinagtatanggol mo yang parausan ng bayan na yan? Hahaha!” Humalakhak ng malakas yung lalake.

Sinuntok ko ulit siya.

Totoo ba ang mga sinabi niya?

Hinila ng bouncer ang lalake palabas ng bar.

Pinabayaan lang kami.

Malamang nakita kasi nila kung paano nagsimula.

Tinignan ko si Kate.

Nakaupo ito at umiiyak.

“Kate tumayo ka. Tumayo ka at sabihin mo sakin kung anong ibig sabihin ng lalakeng yun!” Sinabi ko kay Kate habang nakatayo ako. Lumapit na sina Mon sa amin.

Umiyak lang ng umiyak si Kate.

“Kate!” Sinigaw ko.

Tumayo siya.

“Oo Apol totoo yung mga sinabi niya! Syota ako ng bayan! Pamparausan ng kati! Masaya ka na!” Sinigaw niya ito habang umiiyak.

“Pero sabi mo sakin—“

“Nagsinungaling ako sayo Apol! Alam ko kung gaano ka-importante sayo ang prinsipyo mong mababaw at baluktot! Unang babaeng magalaw mo ang pakakasalan mo? I held on to that stupid principle of yours! Oo sinabi mong pakakasalan mo ko nung akala mo may nangyari satin pero hindi mo naman ako kayang mahalin! Oo AKALA mo may nangyari sa atin pero wala! Walang nangyari satin Apol! At lalong hindi mo ako na-devirginize! Ginamit ko ang kalasingan mo para itali ka sakin! Ang tanga tanga mo! Pero mas tanga pala ako para umasang mamahalin mo ulit! Ang tanga tanga ko!”

Gusto ko kong saktan si Kate.

Pinigil ko ang sarili ko.

Pero biglang..

*PAK!*

Sinampal ni Mon si Kate.

“Ang kapal ng mukha mo Kate! Hindi mo alam ang pinagdaanan ni Alex! Hindi siya deserving na saktan ng ganito! Ang kapal mo!” Pinigil na ni Patrick si Mon dahil akmang susugod pa ito kay Kate.

“Oo alam ko Mon. Alam ko at nagsisisi ako. Hihingi ako ng sorry kay Alex. Hindi ko alam kung mapapatawad niya ako pero gagawin ko ang lahat Mon.” Umiiyak na sinabi ni Kate kay Mon.

“Yun na nga Kate eh! Yun ang di ko matatanggap! Kilala ko si Alex! Patatawarin at patatawarin ka nun! Ganun kabait at ka-tanga si Alex sa kaibigan dahil mapagmahal siyang tao! Kaya napakaraming nagmamahal sa kanya! Ikaw Kate? Sino pa ba ang nagmamahal sayo ha? Baguhin mo ang ugali mo kung gusto mong mahalin ka rin kagaya ng pagmamahal ng madaming tao sa bestfriend ko! Hindi kita mapapatawad Kate! Tandaan mo yan!” Tumalikod si Mon at lumabas.

Sumunod si Patrick sa kanya.

“Apo—“ Nagsimulang magsalita si Kate.

“Hindi pa kita kayang kausapin Kate. Hindi mo alam ang nararamdaman ko. Tinanggal mo ang mundo ko. Nilayo mo ako sa nag-iisang babaeng mahal ko. Let me just make it clear Kate. It’s over.” Lumabas na rin ako.

Sumunod sakin si Rufus.

Dahil sa isang prinsipyo at sa isang pagsisinungaling, nawala si Alex sakin.

Sobrang sakit na sarili kong katangahan ang nag-layo sakin kay Alex.

Naniwala ako kay Kate.

Ang tanga tanga ko.

Me, You and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon