Chapter 31.1 - Billiards

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakupo! President ng Billiard Association ng Manila Schools ang kalaban ni Alex? Patay!

“Ang ganda naman pala ng pinag-aawayan niyo. Kaya naman pala.” Tinignan niya si Alex ng malagkit.

Gusto kong sapakin tong isang to!

“Pag nanalo ako, walang ibang pwedeng manligaw sa inyo kay Alex, pero ako pwede.” Sabi ni Joseph na nakangiting nakakaloko.

“Game.” Sabi ni Alex ng seryoso.

Hindi ba siya natatakot matalo? Alex hindi ko alam ano iniisip mo o kung anong himala ang dapat kong ipagdasal ngayon. Ayokong mawala ka sa akin. Lord tulungan mo ako.

Inayos ni Matt ang mga bola. Siya ang nagsilbing official spotter.

“Ikaw na ang mauna para naman hindi mo maisip na unfair.” Nakangising sinabi ni Joseph kay Alex.

Sweet wine galingan mo pls.

“Ok.” Simpleng sagot ni Alex.

Tumira siya.

Tatlong bola ang pumasok.

Malakas pala tong Sweet wine ko.

Sinunod sunod niyang tirahin ang mga natitira pang bola. Naiwan ang number 9.

Nag-smile si Alex bago tumira.

Shoot ang number 9.

Grabe naubos ni Sweet wine ang bola ng hindi nakatira ang kalaban. Hindi ko akalaing magaling siya.

“Aba aba, na-challenge ako sayo Ms. Beautiful.” Sabi ni Joseph pero naging seryoso ang itsura nito.

Inayos ulit ni Matt ang mga bola.

This time pinauna ni Alex tumira sa Joseph.

Pumasok ang isang bola.

Sinunod sunod niya din ang mga natitira.

Sumablay si Joseph sa number 6.

Turn na ulit ni Alex.

Tumira si Alex. Shoot.

Pag dating sa pang 9 na bola..

“Ay palaka!” Sumigaw si Yen.

Nagulat si Alex at tumalon ang bola.

“Hahaha! Magugulatin ka pala miss ganda.” Sabi ni Joseph.

Tinignan ng masama ni Alex si Yen.

Ngumisi at inirapan ni Yen si Alex.

Badtrip ka Yen!

Na-shoot ni Joseph yung number 9.

Balik sa original rules.

Naunang tumira si Joseph dahil siya ang nanalo based sa normal rules ng bilyar.

Ika-8 ball yung hindi niya na shoot. Mukhang imposible naman din kasing tirahin.

Si Alex na ulit.

Dahil bad shot, pinuwesto niya ang number 8 na medyo malayo sa butas.

Bat ganun? Pano niya mashu-shoot yun?

Pero parang si Efren bata, tinalunan ng pato ang number 9 at tinamaan ang number 8.

Shoot si number 8.

Sakto ang pag-tigil ng pato na malapit sa number 9  na malapit sa butas.

“Ay kokak!” Sumigaw ulit si Yen.

Buti nalang hindi pa tumitira si Alex.

Hinila ko si Yen at tinakpan ang bibig. Tinignan ko ng masama si Zen.

Tahimik lang naman si Cherry.

Pag-tira ni Alex…..

Shoot ang 9 ball.

Me, You and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon