Chapter 15 - Before I let you go

Magsimula sa umpisa
                                    

“Next time, don’t take me anywhere near sport stuff. Di ako interesado.” Sabi niya.

Ah so yun nga. Ganito sya kagalit sa sports? Napaka-contradicting naman sa family business nila.

“O cge Ms. Sungit. Sorry na po. Kumain ka na ba?” Tinanong ko siya habang patayo ako ng sofa.

Tumayo siya bigla at nagulat ako.

“Oh sheesh! Kailangan ko pala bumili stock dito sa apartment!” Nagmadali siyang umakyat sa room niya.

Ang topak talaga nun.

Bumaba siya agad na may dalang bag.

“Alex, ako din bibili ng stocks and supplies. Sama na ako sayo.” Sabi ko nung nakababa na siya.

“Edi bumili ka. Bat sasama ka pa sakin? May car ka naman ah.” Sagot ni Alex habang may kinakalkal sa bag niya.

“Magkasama tayo sa apartment na to ng matagal. Have you ever heard of the word “compromise”? Besides, hindi pa tayo nag-uusap tungkol sa house rules. As part of that maganda sigurong mag-join force tayo kung anong dapat bilihin na food, cleaning materials etc etc.” Sinabi ko sa kanya ng seryoso.

Parang nag-isip siya saglit.

“Fine.” Matipid niyang sagot.

“Let’s take my car.” Sabi ko sa kay Alex.

“Huh? Eh pano kung may pupuntahan ako after?” Tanong niya sakin.

“Edi ida-drive kita. Sayang gas Alex kung magdadalawang car pa tayo. Siguro time na para matuto mag-tipid. Sense of responsibility na rin.” Nag-smile ako sa kanya.

Nag-isip ulit siya.

“Ok fine. Pero ida-drive mo ako kung san ko man gusto pumunta later ok? Kahit mag-cab na ako pauwi” Sabi niya sakin.

“Kakasabi ko lang. Pagtitipid.” Sabi ko sa kanya.

“Edi magji-jeep ako pauwe!” Sabi niya.

“Ang tigas ng ulo o! Sige bahala na, tara na.” Aya ko sa kanya.

Pumunta na kami sa car ko at sumakay. Pag-bukas na pag-bukas ko ng engine, in-on niya yung car stereo.

“Wala ka bang CDs?” Tanong niya sakin.

Kinuha ko sa ilalim ng seat ko yung CD organizer at inabot sa kanya.

Nag-hanap siya ng CD.

Pinasok niya yung isang CD sa car stereo at nilakasan ng konti yung volume.

Nagulat ako sa pinili niya.

“I can still remember yesterday, we were so in-love in a special way. Knowing that you love me made me feel oh so right…

Tahimik lang ako.

…But now I feel lost don’t know what to do, each and everyday I think of you. Holding back the tears I’m crying with all my mind…

Sinabayan niya ng mahina yung kanta. Halos bulong lang.

…because you’ve gone and left me standing all alone. And I know I’ve got to face tomorrow on my own. But baby before I let you go, I want to say I love you. I hope that you’re listening coz it’s truuueee oooh baby. You’ll be forever in my heart and I know that no one else will do…

Naalala ko nanaman siya. Kate. Kamusta na kaya siya?

 So before I let you go, I want to say… I love you..”

Nananadya ba tong babaeng to? Parang namumuo yung luha ko sa gilid ng mata ko. Pinunasan ko ng pasimple yung left eye ko. Sakto naman….

Eeeekkk…

Me, You and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon