"I think you need to train your men more."

"At sino ka naman?" Mayabang na tanong ng lalaki kay Premier ng magsalita ito.

Ngumisi lamang ang huli. "Ako nga pala ang papatay sayo."

"HAHAHAHAHAHAHAHA! Pinapatawa mo ko bata. Parehas kayo ng tatay mong tanga! Mahigit isang daan kaming nandito pero iilan lang kayong sumugod. Napakabata mo pa para mamatay kaya tigilan mo ko."

"At napakatanda mo naman para mabuhay pa." Premier said.

"Mga bata, pakitaan niyo nga-" Napatigil ang leader sa pagsasalita ng makita niyang nakahandusay na ang lahat ng tauhan niyang nasa likod. Isa-isa namang nagtalunan pababa sila Blake, Chris, at Val.

"Mayabang ka ha." Panga-aasar ni Blake ng makalapit kay Kane.

"Pakyu ka din." Ganting sagot ni Kane ng abutin niya ang kamay nito.

"49 ang napatay ko pre. Ikaw isa lang. Nakakahiya naman."

"Ulol ka! Naunahan lang ako!" Sigaw naman ni Kane pero agad din siyang nanahimik ng makita ang nakakatakot na titig ng kanilang bossing.

"Mayayabang lang kayo dahil mga armado at madami kayo!"

"Akala ko ba tanga ako?" Nanunuyang sabi ni Zachary sa dalawang kalaban na nakatayo sa harapan nila. "Madami kayo diba? Madami nga kayo pero mahihina naman."

"Ang sabihin mo, matapang ka lang dahil may hawak kang baril ngayon."

"May hawak ka din naman." Balewalang sagot naman ulit ng nagi-isang Mafia boss. "Pero sige pagbibigyan kita." Inihagis niya palayo ang kanyang baril at sinenyasan ang mga kakampi na magbaba din ng baril.

Dahan-dahan ding nag-alis ng baril ang dalawa pero may malalaking ngisi.

"Sino ang gusto mong mauna Dawson?" Tanong ng leader ng ikaapat na grupo.

"Masyado niyo yatang minamaliit ang pagkatao ko. Wala akong pakialam kahit magsabay pa kayo."

"Wag kang mayabang Dawson!"

"I'm not. Why don't we just start this fight and see who will be the winner?"

Sabay namang sumugod ang dalawa patakbo kay Zachary na agad naman niyang nailagan.

Sinipa niya gamit ang kanang paa ang isang leader sa mukha dahilan para tumilapon ito. Saka naman hinatak sa braso ang isa pa.

Umamba naman ng sipa ito pero mabilis nahawakan ni Zachary ang kanyang binti tsaka malakas na hinatak paikot dahilan para bumagsak ito sa sahig.

Inapakan niya to sa gilid ng leeg. Pero laking gulat niya ng biglang sumigaw si Premier. "Dad!" Isang saksak sa balikat ang natamo niya mula sa leader ng unang grupo.

Mabilis niyang hinawakan sa leeg ito atsaka sinipa sa tiyan. Naging dahilan naman ito ng isang leader upang makatayo at saka siya kinuryente sa tiyan gamit ang kamay nito.

"Ahhhh!" Hindi napigilan ni Zachary ang mapasigaw dahil sa sakit na naramdaman. "Kayo pala ang hindi patas lumaban e!" Galit na galit na sigaw ni Zachary bago niya mabilisang hinatak ang dalawa at ipinagbunggo ang mga ulo. "Kailanman ay hindi magwawagi ang mga hindi marunong lumaban ng patas." Buong lakas niya ding sinipa ng tig-isang paa sa katawan ng dalawang leader tsaka siya umikot sa ere bago patayong bumagsak sa katawan nila.

"Itali niyo tong dalawa doon sa gitna kasama ng mga droga." Utos ng Mafia Boss sa kanyang mga tauhan. "Tsaka niyo kuhanan ng picture at ng mapadala naman natin sa mga kasamahan nila para makapaghanda sila."

Mabilis nga nilang sinunod ang utos ni Zach.

"Dad. May sugat ka."

"I'm fine anak. Let's go."

Sumakay na sila sa yatch na minamaneho ni Jade.

"Ano ba yan? Yun lang yun? Nabored lang ako dito e." Salubong ni Jessy ng makapasok ang mag-ama sa loob.

"Pinakiusapan ako ng asawa mo na wag ka ng payagang lumaban."

"Sus! Kayang-kaya ko kaya yung mgaa yun. Mas malakas pa ko kay Val e." Mayabang na sagot ni Jessy.

"Mas panatag ako kapag alam kong safe ka dito bunny. Mas makakalaban ako ng maayos. Tsaka sisiw lang naman yung mga kalaban e. Marami lang sila pero lahat mahina. Tsk." Sabi naman ng kakapasok lang na si Val na yumakap pa sa asawa.

"Naman. Isa lang naman ang napuruhan e!" Nakipag-apir pa si Chris kay Blake.

"Eh paano puro kayabangan lang ang alam. Tsk. Kinakalawang na ata to bossing."

"Mukha nga. Dapat na atang palitan."

"Let me do the work dad." Humarap si Premier sa kanyang tito Kane habang nakatutok ang baril. "I think you need to take a rest tito." Nginisihan niya pa ang huli.

"Mukhang kinakailangan na ng ata inaanak. Tapusin mo na yan." Dagdag pa ni Jade.

"Oo nga Premier! Para mawalan na tayo ng mayabang na kasamahan. Puro satsat lang naman e." Sinamaan ng tingin ni Kane si Val pero wala naman siyang magawa.

Inasinta na siya ng baril ni Premier at halos manginig siya sa takot. Dati rati ay si Zachary lang ang gumagawa nito sa kanya, pati anak ba naman ngayon?

"Bibilang ako ng tatlo tito Kane. Simulan mo ng magdasal." Ikinasa na Premier ang baril. "Isa..." Hindi man sinasadya pero napapikit bigla si Kane. "Dalawa.."

"Paalam Kane." Malungkot na sabi ni Blake.

"Tatlo..."

"PREMIER! WAG! AYOKO PANG MAMATAY! PAANO NA LANG YUNG ANAK AT ASAWA KO! MAAWA NAMAN KAYO! NAGING TAPAT AKO SA PAMILYA DAWSON TAPOS ITO ANG IGAGANTI NIYO! AYOKO PARA NIYO NG AWA! GUSTO KO PANG MABUHAY NG MATAGAL! GUSTO KO PANG TUMIKIM NG MADAMING BABAE! WAG PLEASE!"

Isang putok ng baril ang narinig nila bago nakarinig ng malakas na pagsabog.

"Titikim pala ng ibang babae ha!" Malakas na sigaw ni Jessy bago nagtawanan ang mga nasa loob ng yate.

Unti-unti namang idinilat ni Kane ang mga mata niya.

"Mga hayop kayo!"

"May sinasabi ka Kane?" Tanong ni bossing sa nakakatakot na tono.

"W-wala po."

"Good. Now I want you to prepare yourself."

"Para saan po bossing?" Nagtatakang tanong nito.

"Sa tingin ko, wala ka ng pamilyang uuwian sa bahay."

Muli na namang napuno ng halakhakan ang buong barko.

"Nasend na namin tol! Yari ka na naman!" Iwinagayway ni Val ang cellphone niyo bago malakas na pinanuod yung video.

"PREMIER! WAG! AYOKO PANG MAMATAY! PAANO NA LANG YUNG ANAK AT ASAWA KO! MAAWA NAMAN KAYO! NAGING TAPAT AKO SA PAMILYA DAWSON TAPOS ITO ANG IGAGANTI NIYO! AYOKO PARA NIYO NG AWA! GUSTO KO PANG MABUHAY NG MATAGAL! GUSTO KO PANG TUMIKIM NG MADAMING BABAE! WAG PLEASE!"

"Nagtext si Pia, nag-alsabalutan na daw yung asawa at anak mo."

"Pakyu ka!" Mura ni Kane bago ito sinimulang habulin.

"Sinasabi ko na nga ba, may gusto ka sakin e!" Malakas naman na pang-aasar ulit ni Blake.

Nakangiti lang silang pinagmasdan ni Zachary. Miss na miss na nito ang ganitong klaseng kulitan. Kung sana ay buhay lang sana ang kanyang asawa, paniguradong mas masaya sila.

***

❤❤❤

MARRIED TO A MAFIA BOSS (Book 4) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon