Chapter 8

426 25 2
                                    

Sorry kung natagalan sa pag uUD! Hope you enjoy this Chapter! :*
***



ERZA



Naglalakad kaming apat ngayon papunta sa FTH (Fairy Tail High) para pumasok. Maaga pa naman kaya kahit maglakad kami ay sigurado akong makakaabot kame sa klase.



Buti nalang ay gumaling ako kagabi. Akala ko nga matatagalan pa ang paggaling ko. Halos hindi na nga ako makabangon eh. Buti nalang at nandyan sila para bantayan ako, lalong lalo na si Gray. Na buong araw akong inalagaan. Ni hindi nga rin sya pumasok, mabantayan lang ako. Salamat talaga sakanya.



"Erza naman! Kanina pa ko salita ng salita dito eh! Di mo ko naririnig!" Lumabi si Lucy at umalis sa tabi ko at tumabi sa kaliwa ni Natsu. Napapagitnaan kasi kami ng mga lalaki.



"Ano ba yon? Kaylangan talagang lumipat?" Natatawa kong tanong kay Lucy.


"Ikaw kasi! Ang sabi ko, bakit ka nangingiti."



Tumigil ako sa paglalakad at tumigil din sila. "Bakit, Erza?"



Taka kong Tinuro ang sarili ko habang nakatingin sakanila. "Ako? Nangingiti?"



"Oo eh. Bakit? May naalala ka ba?" Sabi ni Gray habang nakapamulsa. Mabilis kong inalis ang tingin sakanya at yumuko.



Bakit bigla akong nahiya kay Gray?



"W-wala." Inangat ko ulit ang ulo ko at tumingin sakanila. Maliban kay Gray. "Tara na nga. Na Miss kong pumasok eh."



GRAY



Labasan na namin ngayon para magtanghalian. Napapansin ko kanina na parang iniiwasan ako ni Erza. May nagawa ba ko? Galit ba sya sakin? Pero kanina naman sa bahay ay ayos kami. Tsaka, wala akong maisip na dahilan para iwasan nya ko.



Hindi pa kami nakakapasok ng harangan kami ni Cana. Hindi pala kami, si Natsu at Lucy lang pala.



"Anong problema, Cana? May nangyari ba sa cafeteria?" Nag aalalang tanong ni Erza. Natural lang kay Erza na mag alala, lalo na kung tungkol sa FTH (Fairy Tail High). Titania sya namin. President at isa sa mga S Class kaya responsibilidad nya ang mangyayari.



Umiling lang si Cana sakanya at tumingin kila Natsu at Lucy. "May kumakalat sa inyong dalawa."



"A-ano y-yun, Cana?" Kinakabahang tanong ni Lucy. Binalingan ko naman si Natsu. Nakatulala lang sya kay Cana na parang iniisip kung ano ang sinasabi nito.



"Sabihin mo na, Cana. Kahit na hindi tungkol sakin ay responsibilidad ko parin. Lalo na kung si Natsu at Lucy ang tinutukoy mo." Seryosong sabi ni Erza kaya kaming apat ay kinabahan. Ayoko talaga ang ganyang Erza. Ang gusto.... Hays! Tsk!



Tinuro ni Cana ang loob ng cafeteria kaya tinignan namin. Mabilis kaming lumapit para tignan kung ano ang tinutukoy nya.



NaLu Love Team



Yan agad ang bumungad samin. Banner na nakasabit. Sinuri ko ang paligid at puro picture ni Lucy at Natsu ang makikita. Picture nila na natutulog habang si Natsu ay nakahiga sa hita ni Lucy at si Lucy ay nakansandal sa puno.



"B-Bakit kami ma-may p-picture?"



"S-sino ang kumuha nyan?"



Napalingon ako kay Erza ng tumayo sya sa isa sa mga lamesa dito. Napahawak nalang ako sa noo ko at napailing.



"SINO ANG MAY GAWA NITO?!"



Tumigil sa kani kanilang ginagawa ang mga tao dito at napalingon lahat kay Erza. Nilibot nya ang paningin nya at isa isang tinignan ng seryoso. Nang magtama ang mata namin ay nagulat sya at mabilis na inalis ang tingin. Tumikhim sya at pinagpatuloy nya ang pamamasid.



Bakit, Erza? Bakit parang iniiwasan mo ko?



---



Nang sumigaw si Erza ay bigla akong kinilabutan. Nakakatakot talaga sya. Lalo na kapag seryoso.



Habang nililibot nya ang paningin nya ay mabilis akong naglakad paalis ng cafeteria. Mukhang wala naman nakapansin sakin dahil siguro ay kinakabahan din sila kay Erza katulad ko. Hindi rin naman siguro ako makikita ni Erza kasi nakatalikod sya sakin kanina.



Nang makalabas na ko at makalayo sa cafeteria ay hingal na hingal akong napahawak sa dibdib ko at napayuko.



Wala namang masama sa ginawa ko, namin diba? Bagay naman talaga kasi sina Lucy at Natsu.



Bumuntong hininga ako ng mawala ang kaba ko. Naglakad lakad ako at naglibot.



---



ERZA



Habang nililibot ko ang paningin ko ay nakaramdam ako na parang may lumabas ng cafeteria kaya mabilis akong tumalikod para makita ko kung sino yon.



Hindi ko man nakita ang itsura nya ay nakita ko naman ang damit nya bago lumabas.



Kakausapin kita mamaya.



Inalis ko na ang tingin ko sa may pintuan at tinignan ulit silang lahat. Nakayuko lang sila at mukhang natatakot. Bumuga ako ng hangin at bumaba na sa may lamesa.



Sigurado na ko kung sino ang umalis, ay sya ang may gawa ng mga picture. Pero, alam ko rin na hindi nya magagawa to ng mag isa lang. Sigurado akong may kasama sya at aalamin ko yon. Pero bago ang lahat ay kakausapin ko muna yung lumabas kung bakit nya nagawa to. Kahit sabihin nya pang simpleng katuwaan itong ginawa nya, kaylangan nya paring magpaliwanag.



"San ka pupunta, Erza?" -Lucy.



"May kakausapin lang ako." Sagot ko ng hindi nakatingin sakanya.



Magsisimula na sana akong maglakad ng may maramdaman akong humablot sa braso ko.



"Kung may kakausapin ka man, ako yun Erza."



Hindi na ko naglaban ng bigla akong kaladkarin ni Gray palabas ng Cafeteria.



***
Oh Em! Ano kaya ang pag uusapan ni Erza at Gray? At SINO yung nagkalat ng picture ng NaLu? ABANGAN nyo sa Next Update! VOTE and COMMENT Guys! Love you! :*

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang