Chapter 5

484 25 5
                                    

Hello sa mga nagbabasa ng story ko. (Kung meron man.) Hehehe. Sana magustohan nyo po yung story ko. Psensya na kung panget. First time ko po kasi ito. Hehehe. Enjoy nyo nalang po! Hihihi.
-



LUCY



"Umupo ka nga Lucy. Nahihilo ako sayo." -Natsu.



Sinamaan ko ng tingin si Natsu at umirap. Hindi ba sya nag-aalala kila Gray? Lalo na kay Erza? Hmp! Ano nga bang mapapala ko jan kay Natsu, diba? Manhid lang.



Nagpatuloy ako sa paglalakad sa tapat ng pinto at pasilip-silip sa bintana. Ano ba yan! Ang tagal naman nung dalawa. Hindi ba nila alam na may nag-aalala sakanila?!



"Nat--"



Sabi na eh. Wala talaga akong mapapala kay Natsu. Papano naman kasi nakanganga na habang natutulog sa sofa.



*Tok Tok*



Dali-dali akong lumapit sa pinto at mabilis na binuksan ito. Bumungad sakin si Gray na basang-basa habang pasan si Erza na mukhang nakatulog na yata.



"Anong nangyare?" Pumasok na si Gray at ibinaba si Erza sa isang sofa na katapat nung hinihigaan ni Natsu. Lumapit ako sa nakangangang lalakeng ito at ginising sya. "Hoy, Natsu! Gumis--"



"NASAN ANG LABANAN!!!" -Natsu.




*BOOOGSH*



"Aray!" -Natsu.



"Kumuha ka nga ng dalawang tuwalya. Sa kwarto! Dali!" Inis na sabi ko kay Natsu. Naguguluhang tumango siya at tumakbong kwarto. Ilang saglit lang ay bumalik sya na walang dala kahit ano. "Lucy, saan ako kukuha ng tuw--"



"KUHANIN MO YUNG TUWALYA SA KWARTO NILANG DALAWA!!!!"



"Yes Ma'am!" Tumakbo na naman sya papunta sa kwarto ni Gray at Erza.



Nakakabaliw kausap si Natsu.



"Hmm..." -Erza.



Dali-dali akong lumapit kay Erza at tinignan kung ayos lang sya. Napansin kong nanginginig ang medyo nakabukas nyang labi at mukhang namumutla. Kinapa ko ang noo nya at--



"Gray! Nasan ka?!"



"Anong nangyare?" Galing sa kusina, malalaking hakbang ang ginawa ni Gray at pumunta sa pwesto namin. "Bakit Lucy? May nangyare ba kay Erza?"



"Nilalagnat sya, Gray." Hinawakan kong muli ang noo ni Erza at tumingin kay Gray. "Ang taas ng lagnat nya. Sobrang init nya eh."



Walang kagutal gutal ay binuhat nya agad si Erza na parang pang kasal. "Dadalin ko sya sa kwarto. Kumuha ka sa kusina ng planggana na may tubig at bimpo. Dali." Tumango-tango ako kay Gray at tumakbo na ko sa kusina.



KINAKABAHAN AKO KAY ERZA..



NATSU



Bubuksan ko sana ang pintuan ng kwarto ni Erza ng kusang bumukas ito at iniluwa nito si Gray na bitbit si Erza.



"Gray, anong ginagawa mo dito?" Hindi nya ko pinansin at nilagpasan ako at inihiga si Erza sa kama. Tss, sarap bugbugin ni Gray. Tinatanong eh, tsk!



Lumabas na ko ng kwarto ni Erza ng makasalubong ko si Lucy na may dalang planggana na may lamang tubig at bimpo. "Para san yan, Lucy."



"Ah, kay Erza. Nilalagnat kasi." -Lucy.



Tumango-tango ako sakanya at tuluyan ng bumaba ng hagdan. Teka? Ano ulit sinabi ni Lucy?



"Ah, kay Erza. Nilalagnat kasi."




Si Erza? Nilalagnat? ...



"LUCY!!! PANO TONG TUWALYAAAAAAA!!!!" Sigaw ko at mabilis na pumanik at pumunta sa kwarto ni Erza. Napatingin silang dalawa sakin. Lumapit ako kay Lucy at binigay yung tuwalya.



"Para saan naman to Natsu?" Takang tanong ni Lucy habang hawak ang dalawang tuwalya.



Tsk. Labu nitong si Lucy. Para san daw yung tuwalya? Eh malay ko ba kung ano gagawin nya dun. Nag utos-utos tapus hindi pala alam gagawin.



"Tss, akin na nga." Kinuha ni Gray yung tuwalya nya kay Lucy at tumayo. "Magpapalit lang ako Lucy. Bantayan mo muna si Erza." Lumakad na sya paalis habang kinukusot ang ulo nyang basa.



"Ah, teka." Humarap ulit sya samin at nagsalita. "Paki-palitan mo narin sya ng damit. Baka matuyuan sya at lalong magkasakit. Babalik ulit ako dito." Tumango naman si Lucy habang pinupunasan si Erza. "At ikaw, Natsu." Bumaling ako kay Gray habang nakatingin sakin ng seryoso. "Lumabas ka ngayon."



Nagpintig ang tenga ko dahil sa sinabi nya. Inuutusan ba ako nitong ungas na ito? At, pinabalabas nya ko? Teka, kwarto nya ba ito?



Magsasalita na sana ako ng maramdaman ko ang kamay ni Lucy sa ulo ko.



ANG SAKEEEEET....



"Lumabas ka na Natsu. Kung ayaw mong makatikim kay Erza." -Lucy.



Dahil sa sinabing iyon ni Lucy ay Dali-dali akong tumakbo palabas ng kwarto. Tinulak ko nga si Gray kasi nakaharang sa pinto. Tsk!  kapag ako naabutan ni Erza dahil nakaharang sya, yari sya sakin.



***
Ano pong msasabi nyo? Hehehe. Enjoy nyo po sana yung story =)

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon