Chapter 10

347 15 1
                                    

"Mukhang wala tayong mapapala dito!"



"Oo nga! Bulag ang isang mata nitong batang ito!"



Iyak lang ng iyak ang batang may pulang buhok sa loob ng sasakyan. Kasama nya ang iba pang bata na katulad nya, ay nadukot din sa lansangan.



"Ikaw! Batang bulag!" Sigaw nung lalaki sa batang may pulang buhok. Hindi kumibo ang bata bagkus ay niyakap nya ang tuhod at dun dumukdok para umiyak. "Hindi ka titigil?! Pwes humanda kang bata ka!"



Pinatigil nung lalaki ang sasakyan at marahas na hinawakan ang batang may pulang buhok para makatayo ito. "Tama na p-po..." Pilit inalis ng bata ang kamay ng lalaki sa braso nya na lalong humihigpit ang pagkakahawak. Nagsimula ng kabahan ang iba pang bata na kasama sa sasakyan ng samapalin ng lalaki ang batang may pulang buhok.



"Ang tigas ng ulo mong bulag ka! Tatamaan ka talaga sakin!"







"HINDI!!!!"



"Erza, ayos ka lang?!"



Tinitigan ko si Lucy at mahigpit ko syang niyakap.



"L-lucy... Ilayo m-mo ko s-sakanila..."



LUCY



"L-lucy... Ilayo m-mo ko s-sakanila..." Inalo ko sa likuran si Erza at niyakap ko sya pabalik.



"Wag kang mag-alala Erza. Nandito lang kami." Humagulgol lang sakin si Erza. "Tahan na Erza."



Kahit na seryoso lagi at nakakatakot itong si Erza ay alam kong may kinatatakutan din sya. Katulad ngayon, alam kong napanaginipan na naman nya ang ayaw na nyang muling maisip o maalala. Kahit hindi nya sabibin iyon samin, ay alam kong mahirap ang pinagdaanan ni Erza nung bata pa sya.



"Nandito na kam-- Erza!"



Tumakbo papalapit samin si Gray at nag-aalalang tumingin sakin. "Anong nangyari sakanya, Lucy?" Nang tignan ko ang mukha ni Erza ay napangiti na ko. Payapa na ulit syang natutulog na para bang walang nangyari kanina.



Tinulungan ako ni Gray na ihiga ulit si Erza sa sofa dito sa sala. Nang mapalagay na kami ni Gray kay Erza ay sinabi ko kay Gray kung ano ang nangyari nung wala sila.



"Ganun ba." Tinignan nya si Erza na ngayon ay mahimbing na natutulog. "Sige na Lucy. Ako na muna ang magbabantay kay Erza. May lakad pa kayo ni Loke diba?"



Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Gray at sinamaan ko sya ng tingin.



PANO NYA NALAMAN YON?!



"Wag kang mag-alala, Lucy. Di ko pagkakalat yon. Sige na." Nginisihan nya ko at muling tumingin kay Erza. Padabog akong tumayo at dumiretso na sa kwarto.



YARI KA SAKIN GRAY KAPAG MAY NAKAALAM NON!



---



Tumalikod na ko at nagsimula ng maglakad paalis ng bahay. Buti nalang at ayos na si Erza at kampante na ako. Alam ko kung bakit sya nagkaganon, dahil yon sa nakaraan nya na pilit nyang inaalis sa alala. Hindi man kami matagal na magkasama ni Erza ay alam ko ang nakaraan nya.



Tumigil ako sa paglalakad at lumingon ulit sa bahay kung saan nakatira si Erza. Buti nalang at bukas ang bintana ng bahay dahil sa kinatatayuan ko ay nakikita ko si Erza na mahimbing na natutulog. Napansin ko rin si Gray na unti-unting yumuyuko kay Erza kaya naman tumalikod muli ako.



"Konting panahon nalang, Erza..."



***
Orayt! Sino kaya yun Hahaha. Comment nyo kung sino hula nyo Guys :D Wag kayong mag-alala, malalaman nyo kung sino sya..... SA TAMANG PANAHON.... :D

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon