Chapter 24

269 17 4
                                    

ERZA



Nasa loob na kami ng kagubatan ni Jellal. Hindi na namin nakita ang iba dahil sa ibang daanan sila dumaan.



Kaya ngayon, kami lang dalawa ni Jellal dito.



Kami lang ang magkasama.



Tahimik lang kami habang naghahanap ng bola. Mas gusto ko yung ganto lang kami. Walang imikan at walang pansinan. Pero hindi ko parin maiwasan ng mailang.




Kung si Gray siguro ang kasama ko ngayon, hindi ako mahihirapan ng ganto.




Kung si Gray siguro ang kasama ko ngayon, makakakilos ako ng ayos.




Kung si Gray siguro ang kasama ko ngayon, panatag ang loob ko.




GRAY




"Baba."




"H-ha?"




"Tss."



Pinikit ko ang mata ko at inalis ang kamay ko kay Juvia kaya naman nahulog sya.



"A-aray..."



Tinapunan ko lang sya ng tingin at naglakad na palayo sakanya para hanapin ang bolang pinahahanap ni Master.



"Nakakainis!" Kinuha ko ang maliit na bato at inis na hinagis ito.



Bakit ba kasi hindi nalang si Erza ang kasama ko?! Bakit itong babaeng weirdo pa ang nakasama ko?! Nakakainis! Kung bakit ba kasi bunutan pa?! Bakit hindi nalang kung sino yung gustong makapareha. Tsaka, napakatagal ng dalawang linggo! Dalawang linggo akong maiinis kasi kasama ni Erza yung Jellal na yon! Dapat ako ang kasama ni Erza at hindi sya!



At kanina nung pumasan si Erza sakanya? Gustong gusto ko syang sugurin! Gusto ko syang suntukin! Ako lang ang pwedeng dumikit o humawak kay Erza. Pwede din naman si Natsu, pero may limitasyon. Pero yung Jellal na yon? Ayokong makikita syang hahawak o mahahawakan ni Erza kahit buhok lang nito ang dumikit sakanya!



"A-ayos ka lang ba Gray?"



Madilim ang mukha ko ng balingan ko si Juvia. Nakahawak ang kamay nya sa balakang nya at halata sa mukha nya na nasaktan sya.



Pero wala akong pake.



Hindi ko sya pinansin at lumayo sakanya. Bahala syang maghanap ng bola. May sarili kaming buhay. Wala akong pake sakanya. Sisirain ko yung sinabing rules ni Master na bawal maglakad ang babae. Ayoko syang pasanin o buhatin. Para san pa yung paa nya kung hindi nya gagamitin.



Kung si Erza lang sya, kahit hindi ko sya ibaba ayos lang. Kahit mahirapan o mangawit ako, ayos lang. Basta si Erza. Eh kaso hindi sya si Erza, kaya bahala sya sa buhay nya.



Napatigil ako sa paglalakad. Iba ang dinaanam namin ni Juvia kaya naman kaming dalawa lang ang nasa gubat. Susunod sana ako kay Jellal kaso masyado syang mabilis tumakbo kaya naman hindi ko nasundan kung saan sya dumaan.



Nagtagis ang ngipin ko sa naisip ko. Malamang ay silang dalawa lang ni Erza ang nandon.



"Hindi ako papayag!"



Nilingon ko ang likuran ko At nakahinga ako ng maluwag ng mapansin kong wala na si Juvia.



Wala ng istorbo.



Kaya naman naisip kong hindi ko na hahanapin ang bola. Wala na kong pake kung hindi ako yung makahanap non. Ang mahalag sakin ngayon ay mahanap ko ang babaeng mahal ko.



Hahanapin ko si Erza.



NATSU



Sa wakas! Nasa loob na kami ng gubat!!!



"Lucy! Nandito na tayo! Hahahaha!"



Malamang kami ang mananalo!



"Lucy?" Tawag ko sakanya. Hindi ulit sya nagsalita kaya naman niyugyog ko sya.



Hayy, mukhang nakatulog ata...



Bumuga ako ng hangin at inayos ko ang pagkakapansan kay Lucy. Baka mamaya mahulog ko pa mahirap na. Ayokong mapatukan katulad kanina.



Hindi ko talaga minsan maunawaan si Lucy. Kasi kanina kakausapin ko lang sya bigla ba naman akong sinapak? Ang labo nya talaga!



Hindi nya ata alam na nasasaktan na nya ko ng sobra. Malapit na syang maging si Erza eh. Pero syempre mas pipiliin ko parin tong si Lucy kasi nakakatakot talaga si Erza.



"Hayy! Pagod na ko!"



Humanap ako ng malaking puno at lumapit duon. Nakakainggit kasi tong si Lucy eh! Mukhang masarap ang tulog. Kaya naman para pareho kami, matutulog din ako! HAHAHAHAHAHA!



Mainggat kong inilapag sa madamong puno si Lucy at inayos ang pagkakaupo nya. Hindi ko maiwasang tignan ang mukha nya.



"Sana ganyan ka nalang. Mukha ka kasing hindi nananakit eh." Pagkasabi ko non ay tumabi na ko sakanya at sumandal sa puno. Hindi ko naman sinira ang sinabi ni Master na bawal maglakad ang babae dahil hindi namsn naglalakad si Lucy. Natutulog sya. Tsaka, wala namang nabanggit si Master na bawal matulog. Kaya, okay lang hahahaha!



Bago ko ipikit ang mga mata ko ay kinuha ko ang ulo ni Lucy at inilagay sa balikat ko.



***
Bitin talaga to guys para sa JERZA. sinadya ko talaga yun hehehe. wait nyo yung next ud. ipaglaban nyo na yung gusto nyo para sa ating napakagandang TITANIA! hahahaha. kung si FERNANDES o FULLBUSTER.

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon