Chapter 43

152 15 5
                                    

LUCY



Lunes na ulit at balik na naman kami sa pagpasok. Ganun parin ang nangyayari at walang nagbabago. Katulad nalang ng hanggang ngayon ay wala pa si Master, baka pinatawag na naman ng council.



Patagal ng patagal, nabuburyo na ako dito.



Pasimple kong tinignan ang katabi ko, si Natsu. Gusto ko sana syang makausap para naman may magawa ako pero mukhang wala syang balak na makipag-usap kahit kanino. Nakahalumbaba lang sya habang nakatingin sa labas. Mukha nga ring walang pake sa mga ingay na ginagawa ng mga kaklase ko eh.



Bumuga ako ng hangin at binalik ko nalang ang tingin ko sa blackboard. Kung normal na Natsu lang iyan, malamang kanina pa yan nakihalubilo si Natsu. Si Natsu pa? Eh hindi yan nagpapatalo sa mga kalokohan.



Eh kaso hindi eh. Hindi na sya normal sa mga nagdaang araw. Nawala nalang bigla yung antukin at matakaw na Natsu. Naging seryoso na sya at tahimik. Baka nga talaga nahawa to kay Gray eh, lagi silang magkasama. Actually silang tatlo, Gray, Natsu at Juvia.



Kung ako laging naka-buntot kay Jellal at Erza, sya naman kay Gray at Juvia.



"Anong kaguluhan na naman iyan mga bata?"



Nagsitahimik ang lahat at bumalik sa kani-kanilang pwesto ng biglang pumasok si Master sa room. Natawa na nga lang ako ng palihim sa mga kaklase ko dahil kung umarte sila ngayon parang wala silang ingay na ginagawa kanina. Nakaupo kasi sila ng maayos sa upuan nila at tahimik.



"Pasensya na kung wala ako nitong mga nakaraang araw para bantayan kayo. Siguro naman ay walang nangyayari dito nung wala ako?" -Master.



"Ah, Master! Meron pong nangyari nung wala kayo." Napatingin kami kay Jet ng magsalita ito.



"Ano yon?" Kunot-noong tanong ni Master. "Siguraduhin ninyong matutuwa ako dyan."



"Si Jellal at Erza na po! May JeRza na po tayo!" Pagkasabi ni Jet non ay nagpalakpakan ang mga kaklase ko.



"Totoo ba yon Erza?" Gulat na tanong ni Master kay Erza. Tumingin naman ako sa likuran ko para makita sya.



Mabilis na nag iwas ng tingin si Erza kay Master at yumuko.



"Ah, kaya pala nakiusap sakin si Jellal na sayo sya tatabi." Natatawang sabi ni Master. "Masaya ako para sayo Titania."



Namula si Erza sa sinabi ni Master kaya naman inasar sya ng mga kaklase namin.



"Eh ikaw Gray? Bakit katabi mo ngayon si Juvia? Si Erza ang katabi mo dati hindi ba?" Takang tanong ni Master habang nakatingin sa gawi nila Gray.



Inalis ko na ang tingin ko sa likod para tignan naman sila Gray at Juvia.



"Para kay Juvia!" Singit ni Cana. "Kung may JeRza na, syempre Master may GrUvia! Gray at Juvia!" Pagkasabi ni Cana non ay muling nagpalakpakan ang mga kaklase ko.



Mga baliw talaga.



Tinignan ko sila Gray. Nakaupo lang ng maayos si Gray at mukhang seryoso. Para ngang walang pake sa mga sinasabi eh. Si Juvia naman ay nakayuko at mukhang nahihiya sa mga panunukso sakanila.



"Teka! May isa pa!"



Napatigil ang lahat sa palakpakan ng magsalita si Mira. Lahat ng mga mata ay nakatingin sakanya.



Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon