Chapter 33

213 15 2
                                    

LUCY



"Waaaah! Na-miss ko tong cafeteria!" Agad akong umupo sa isa sa mga bakanteng upuan dito. Nagsisunod naman ang mga kasama ko.



"Ang bango! Lalo tuloy akong nagutom! Makakakain ulit ako ng pagkain dito sa cafeteria!" -Natsu.



Umayos ako ng upo at inilibot ko ang paningin sa paligid. Madaming tao ngayon dito sa cafeteria. Mga nagtatawanan, nagkakamustahan at nagkakainisan. Malamang ay katulad ko ay na-miss din nila ang lugar na to. Dalawang linggo rin kaming nasa isla. At nung isang araw lang kami umuwi.



"Tara Lucy, order na tayo."



"Ikaw nalang. Papabili nalang ako sayo." Kumuha ako ng pera at binigay ito kay Natsu. Lulugo-lugo syang umalis sa tabi ko at pumunta sa counter para umorder. Anong problema non?



Nagkibit-balikat nalang ako at tinignan ang dalawa kong kaibigan na nasa harapan ko. Tahimik lang sila. Si Gray nakabusangot ang mukha habang nakahalumbaba, mukhang naiirita ata sa ingay ng mga tao dito. Si Erza naman nakatingin lang sa lamesa at mukhang malalim ang iniisip.



"Gray? Hindi ba kayo nagugutom? Bakit hindi pa kayo umoorder ni Erza?" Tanong ko.



"Mayamaya ako kakain." Sagot nya at binalingan si Erza. "Nagugutom ka na ba?"



Parang walang narinig si Erza at hindi manlang inalis ang tingin sa lamesa. Bumuga ng hangin si Gray at bumalik ulit sa kaninang posisyon.



Tinignan ko si Erza. Pansin ko simula nung umuwi kami mula sa sagradong isla ay lagi na syang tahimik at nakatulala. Kung magsasalita man sya ay sobrang ikli. Malayong malayo yung Erza-ng nakikita ko ngayon sa dating Erza na laging nakasigaw at para bang laging handa sa anumang gyera. Gustuhin ko man syang tanungin kung may problema ba sya ay hindi ko magawa.



Natatakot kasi ako sakanya.



"Eto na Lucy."



"Salamat Natsu." Inalis ko na ang tingin kay Erza at nagsimula ng kumain.



"Oh? Hindi kayo kakain?" -Natsu.



"Mamaya na ko." -Gray.



"Eh ikaw Erza?" Tanong ni Natsu pero hindi sya pinansin. "Huy, Erza." Nang tawagin ulit ni Natsu si Erza ay tsaka lang ito nag taas ng tingin.



"A-ano, h-hindi k-ka b-ba k-kakain?" Kinakabahang tanong ni Natsu ng tignan sya ni Erza.



Parang gusto kong magtago sa ilalim ng lamesa dahil sa ekspresyon ng mukha ni Erza. Blangko ang mukha nya at para bang ang lamig nyang tumitig ngayon. Sa tagal na naming magkasama ay ngayon ko lang syang nakita ganyan. Kahit na ilang beses ko na syang nakitang nagalit, ni minsan ay hindi ko nakitang ganyan si Erza. Ngayon lang.



"Wala akong gana. Mauna na ko." Walang emosyong sabi ni Erza na nagpatahimik sa lahat. Hindi naman malakas ang pagkakasabi nya pero natahimik ang lahat. Siguro ay naramdaman nila ang lamig sa tono ng pananalita ni Erza.



"Erza!" Tawag ni Gray kay Erza pero tuloy-tuloy lang ito hanggang sa makalabas na ng cafeteria.



"Lucy, Natsu. Pumunta nalang kayo sa likod ng FTB pagkatapos nyo dyan. Susundan ko lang si Erza." Naiiyak akong tumango kay Gray at tinignan sya habang tumatakbo palabas.



Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Siguro ay dahil kay Erza. May problema ba sya? May bumabagabag ba sakanya? Kung meron man ay gusto ko talaga syang tanungin o kausapin para naman maging ayos na sya. Ayokong nagkakaganyan sya. Hindi ako sanay. Hindi ugali ni Erza na ikwento ang problema nya sa iba pero ramdam kong meron.



GRAY



"Erza!"



"Erza sandali!"



Nang maabutan ko sya ay hinigit ko ang braso nya at mabilis ko syang iniharap sakin.


"Erza, ano bang nangyayari sayo?" Hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi. Nakatingin lang ako sakanya at hinihintay syang sumagot.



Hindi sya nagsalita. Para bang sinaksak ang puso ko ng makita ko ang nagbabadyang luha sa gilid ng mga mata ni Erza.



"Erza, sabihin mo sakin. May problema ba?"



"G-gray..." Agad ko syang niyakap ng makita kong tumulo ang luha nya. Masakit. Masakit para sakin ang makita ang luha ni Erza. Nasasaktan ako kapag nakikita ko syang umiiyak.



"Please Erza. Wag kang umiyak." Naramdaman ko ang pagganti ng yakap nya sakin. Hinigpitan ko ang yakap ko sakanya ng marinig ko ang hikbi nya.



Parang sinasaksak ng paulit-ulit ang puso ko sa bawat hikbi na naririnig ko mula kay Erza. Ayokong nakikitang umiiyak si Erza. Ayokong nakikitang nasasaktan ang babaeng pinakamamahal ko. Alam kong may problema. Ilang araw na syang tulala at wala sa sarili. Kilala ko si Erza. Simula palang nung bata pa kami ay lagi nya lang sinasarili ang problema nya.



"Please Erza..."



"S-sorry G-gray... S-sorry..."




"Shhh. Tahan na Erza." Inalis ko ang pagkakayakap sakanya upang tinignan sya. Basang-basa ang mukha nya dahil sa luha at namumula ang magaganda nyang mata.



"Please Erza. Mas nasasaktan ako kapag nakikitang umiiyak. Tumahan ka na." Hinawi ko ang ilang buhok nya na humaharang sa mukha nya.



"Alam kong may problema ka. Pero please Erza. Sabihin mo naman sakin para hindi ka nagkakaganyan. Kung may problema ka, problema ko na din yon." Hindi ko alam kung may mali ba sa sinabi ko kaya lumuha ulit si Erza at umiling. Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil umiyak na naman si Erza.



"G-gray... S-sorry..." Yumuko sya at umiling-iling. Pumikit ako at bumuntong-hininga.



"Wag kang mag sorry sakin dahil wala ka namang ginawang kasalanan sakin Erza." Hinawakan ko ang baba nya. "Alam kong hindi mo sasabihin ang problema mo pero kung ano man yon, nandito lang ako. Nakasuporta sayo. Kasi mahal kita." Pumikit ako at hinalikan ko sya sa noo.



Alam kong malapit na...



***

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon