Chapter 31

229 20 5
                                    

ERZA



"Gising ka na pala, Titania."



Nakipagtitigan muna ako sa tent bago ko sya tignan.



Master.



Uupo sana ako ng pigilan nya ako. "Wag mong pilitin ang sarili mo kung hindi mo pa kaya."



Katahimikan ang nag hari sa paligid. Wala akong ideya kong bakit nandito si Master sa tent namin ni Lucy at sya pa ang nagbantay.



"Ano bang nangyayari sayo Erza?" Binalingan ko si Master, nakahalukipkip ito habang nakatayo sa gilid ng hinihigaan ni Lucy.



"W-wala naman pong nangyayari sakin Master." Pagkasabi ko ay iniwas ko agad ang tingin ko kay Master. Alam kong binabasa nya ako.



"Ganun ba?" Tumalikod na sya sakin at naglakad sa malapit sa labasan ng tent. "Sana pag isipan mo munang mabuti ang mga bagay bagay bago ka mag desisyon. Wag kang magpadalos dalos. Dahil kung hindi mo pinag isipan yan ng mabuti, ikaw lang ang masasaktan."



Hunarap sya sakin at ngumiti. "Alam kong matalino ka Erza." At tuluyan na syang lumabas ng tent.



Hindi ko maintindihan ang gustong iparating ni Master...



---



GRAY



"At ikaw Jellal, hindi muna kayo makakasali sa pagsubok na ito." -Master.



"Per--"



"Wala si Erza, kaya hindi kayo makakasali." Tumango si Jellal kay Master at hindi na muling umangal.



Binalingan ko si Jellal. Walang emosyon ko syang tinignan. Nakatingin din sya sakin kaya naman nagsukatan kami ng tingin.



"Jellal?"




Nang lumapit si Mira kay Jellal ay binawi ko na ang tingin ko sakanya. Tss.



"G-gray, g-galingan natin ngayon..." Hindi ko pinansin ang sinabi ng katabi ko.



Nakakairita talaga sya! Kung pwede nga lang itulak sya para lang wag syang lumapit sakin, gagawin ko talaga eh! Kaso makikita ni Master, ayoko na ulit pagsabihan ng dahil sa babaeng to! Tsk!



"Jellal, walang magiging tao dito dahil sasama ako. Pakibantayan nalang si Erza." -Master.



Ano?!



Magsasalita na sana ko ng bigla akong tinignan ni Master. Hindi ko alam pero parang nagkaron ng bara ang lalamunan ko ng seryoso nya akong tignan.



"Ayan! Jellal! Solo mo na naman si Erza! Ang swerte mo!" -Cana.



"Oo nga! Ang tunay na lalaki, dumada-moves sa mga babae!" -Elfman.



Tinignan ko si Jellal. Kalmado lang syang nakatingin samin at mukhang walang pake sa mga sinasabi sakanya ng mga kaklase namin.



Magkasama na naman sila?! Sila na namang dalawa?! Kapag nga naman minamanalas! Ano bang meron tong Jellal na to at lagi nalang nyang nakakasama yung babaeng mahal ko!



"G-gray--"



"ANO NA NAMAN?!" Sigaw ko kay Juvia.



Napunta ang mga tingin samin pero hindi ko sila pinansin. Alam kong nabubuntunan ko na ng inis si Juvia pero nakakainis kasi! Pati sya nakakainis! Hindi ba pwedeng wag nalang nya kong kausapin?! Lalo na ngayon na magkakasama na naman yung Jellal na yon at si Erza!?



"Tama na yan Gray." Tumikhim si Master kaya naman sakanya mulin nabaling ang atensyon.



"Sa dagat tayo ngayon mga bata. May itinago ako dyang mga bola sa ilalim ng dagat. Muli, ay tatlo lamang ang inilagay ko at tatlo lang ang mananalo."



"At eto narin ang huling pagsubok." -Master.



Nagbulungan ang lahat sa sinabi ni Master. Mas pabor sakin na eto na ang huling pagsubok para naman hindi sumakit ang mata ko sa tuwing nakikita kong magkasama si Jellal at Erza. Mas gugustuhin ko nalang na may pasok kami para naman hindi na muling makakalapit si Jellal kay Erza.



Kaya kung ako si Jellal, sulitin na nya ngayon ang araw na ito dahil hindi na sya makakaulit pag natapos na to.



---



ERZA



"Bakit walang tao dito?" Inilibot ko sa paligid ang paningin ko pero wala akong nakitang kasama ko.



Sinuot ko ang hawak kong daster na puti at naglakad papunta sa tinambayan ko nung nakaraan. Mukhang nag-umpisa na ang pagsubok kaya wala sila dito.



Napatigil ako sa paglalakad ng gumalaw ang malalaking dahon sa tabi ko.



"Sino yan?" Seryoso kong tanong habang nakatingin sa dahon na gumalaw.



"Lumabas ka dyan."



Napaatras ako ng makilala ko kung sino ang lumabas mula sa malalaking dahon.



"J-Jellal."



Seryoso syang nakatingin sakin. Napaatras muli ako ng humakbang ang isa nyang paa.



"B-bakit k-ka nandito?" Hindi nya pinansin ang tanong ko at nagpatuloy sya sa paglakad. Papunta sa pwesto ko.



"W-wag kang lalapit Jellal." Nagpatuloy parin sya sa paglakad.



"M-malilintikan ka k-kapag l-lumapit ka s-sakin."



Nahigit ko ang paghinga ko ng maramdaman ko ang puno sa likuran ko. Hindi ko alam kung ano ang nagyayari sakin dahil hindi ko mabawi ang tingin ko sa mga mata nya. Pinilit kong kumilos pero hindi ko magawa, para bang hinihigop ng tingin nya ang lakas ko.



"W-wag k-kang--"



"Wag kang ano, Erza?" Itinaas nya ang isa nyang kamay at isinandal sa puno na nasalikuran ko.



Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa lapit nya sa akin. Sinubukan kong itaas ang kamay ko para itulak sya pero may sinasabi sakin ng utak ko na hayaan ko nalang ang ganitong pwesto.



Gamit ang isang kamay ay hinawakan nya ang baba ko at mas inilapit pa nya ang mukha nya.



"Matagal ko na tong hinihintay." Inalis nya ang pagkakahawak sa baba ko at inilipat sa pisngi ko.



"Ilang taon kong itinago ang nararamdaman ko." Binawi nya ang isang kamay nya na nasa puno at hinawakan ang kabila ko pang pisngi. "Pero ngayon na nasa harapan na ulit kita hinding-hindi na kita papakawalan pa, Erza."



Pagkabanggit nya ng mga katagang iyon ay naramdaman ko ang paglapat ng labi nya sa labi ko.



***

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon