Chapter 13

369 19 5
                                    

LUCY



Siniko ko yung katabi ko na busy sa pagkain ng manok.



"Bakit Lushi?" Nilapit ko ang mukha ko kay Natsu at bumulong.



"Wala ka bang napapansin sa dalawa?" Nginuso ko yung dalawang nasa harapan namin.



Kanina ko pa kasi napapansin tong si Gray eh... Ewan ko ba kung breezy to o ano? Masyado silang madikit ni Erza sa isa't isa. Parang nung isang araw lang, hindi sila nagkikibuan. Tapos si Erza naman ngayon, pabebe.



Teka, kelan ba naging pabebe si Erza?



Ah basta! Ang sweet nila. Ang sweet nilang tignan. Kulang na nga lang langgamin silang dalawa eh. Para silang mag syota.



Mag syota?



Yie! Baka nga sila na!



"Ha? Edi kumakain sila. Bulag ka ba Lucy?" Sagot ni Natsu. Lumayo na ko sakanya at inirapan sya. Tss, nakalimutan kong slow nga pala tong lalaking to.



Umubo ako kunwari at tumingin kay Gray.



"Ahm. Gray? May ano ba? Bakit bigla kang naghanda ng gantong kadami? May birthday ba? Birthday mo? Hindi mo naman birthday eh." Tanong ko kay Gray.



Nagulat nalang kasi ako kanina nung bumaba ako, ang daming pagkain. Sabi ni Gray, may celebration daw. Ewan ko kung para saan yung 'celebration' na yun. Kaya ngayon, nasa likod kami ng bahay at kumakain ng hapunan.



"Huwag ka ng magtanong Lucy. Kumain ka nalang." Sinamaan ko ng tingin si Natsu na busy sa pagkain. Hindi pala, Paglamon! Napakatakaw talaga nitong lalaking to!



GRAY



"Wala lang trip ko lang." Sagot ko kay Lucy. Buti nalang at hindi na sya nagtanong pa.



Tinignan ko si Erza habang kumakain. Dahil isang kamay lang ang ginagamit nya, kinuha ko yung isang kamay nya na nasa ilalim ng lamesa. Wala namang makakakita kasi nasa ilalim yung kamay namin. Mukhang nagulat ko ata sya kaya napatingin sya sakin. Napangiti nalang ako ng hindi nya binawi ang kamay nya sakin. Pinag-dakop ko ang kamay nya sa kamay ko.


Bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang hindi ako mapakali.Tss.



"HAAAAAAAAA!!!"



"Bakit Natsu?!"



"Anong nagyari!"



Nag angat ng ulo si Natsu mula sa ilalim at nanlalaki ang mata na tinignan kaming dalawa ni Erza.



Teka, mula sa ilalim?



Hindi kaya...



Nakita nya kayang magkahawak ang kamay namin ni Erza?



"Bakit Natsu?" Napatingin ako kay Erza ng bawiin nya ang kamay nya mula sa kamay ko. "A-anong n-nakita mo s-sa i-ilalim?"



"May dapat bang makita si Natsu, Erza?" Tanong ni Lucy kay Erza na ngayon ay kinakabahan.



Tsk! Panira talaga tong si Natsu! Yari ka sakin mamaya!



"Wala kasi si Happy sa ilalim ng lamesa eh!" Tumayo na si Natsu at tumakbo papunta sa bahay.



"Hay... Buti nalang." Bulong ni Erza.



"Buti nalang ang alin, Erza?" Tanong ni Lucy kaya natigilan yung katabi ko.


Ang cute nyang magulat.



"A-ah.." Mukhang natauhan ata si Erza kaya nag seryoso ito.



"Bakit ba tanong ka ng tanong Lucy?" Seryosong tanong ni Erza kaya naman biglang namutla si Lucy.



"A-ah... Ha ha ha. A-a-ano. H-huwag mo nalang p-pansinin E-erza.." Tumayo si Lucy. "S-sige... P-papasok na ko s-sa l-loob.. May gagawin pa k-kasi ako e-eh. He he he.."



Nang iwanan kami ni Lucy ay mas lumapit pa ko kay Erza at umakbay sakanya.



"Highblood agad."



"Ikaw kasi!" Tinabig nya yung kamay ko na nasa balikat ko. "Hinawakan mo pa kasi yung kamay ko!"



Tinawanan ko lang sya at umakbay ulit. "Sus! Ako pa ngayon ha?" Nginisihan ko sya. "Bakit hindi mo binawi yung kamay mo?"



"Ewan ko sayo!"



Tatayo na sana sya ng yakapin ko sya sa likod. "Eto naman. Binibiro ka lang." Pinihit ko sya paharap sakin. "Alam kong wala pang 'tayo' Erza. Maghihintay naman ako eh. Hayaan mo lang ako. Hayaan mo lang akong iparamdam sayo na seryoso ako sayo."



"Pano kung mahalata nila Natsu?"



"Tss. Edi mahalata nila! Wala akong pakealam don. Ang akin lang, hayaan mo lang ako."



Tumango-tango sya.



"Halika nga dito." Nilapit ko sya sakin at umakbay. "Pasok na tayo sa loob. Gabi narin masyado. May pasok pa tayo bukas."



***

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon