Chapter 47

133 17 4
                                    

LUCY



"Ha?"



Tinignan kong muli ang hawak kong script at binasa ko ang linya ko. Baka kasi mali yung pagkakabasa ko kanina eh.



Mahal na mahal kita, Natsu.



WAAAAAAH?! TALAGA BANG SASABIHIN KO YON?!



Mabilis na binitawan ko ang hawak kong papel at agad na sumugod sa kusina para uminom ng tubig. Ano ba yan! Ano ba tong pakiramdam ko na to?! Bakit hindi ako mapakali?!



"Lucy? Ayos ka lang?" Lumapit sakin si Erza at nagsalin din ng tubig. "Bakit namumula ka? May sakit ka?" Pagkasabi nya ay uminom sya.



Nanlaki agad ang mata ko sinabi nya at agad na binaba ko ang baso. "H-hindi! Ibig kong sabihin Erza, o-okay lang a-ako. Hehehe. Oo tama. Nauuhaw lang talaga ko." Ngumiti ako ng pilit sakanya.



"Ganun ba?" Tumango ako sakanya. "O sige. Basta uminom ka nalang ng madaming tubig. Akala ko kasi kung napano ka na." Kinuha na nya yung script nya at umalis kaya naman nakahinga ako ng maluwag.



Ano bang nangyayari sakin at naging ganon yng reaction ko?



Umiling ako at bumalik ulit sa sala. Baka nababaliw lang ulit ako kaya ako nagkaganon. Nagulat lang siguro ako na yun ang sasabihin ko kay Natsu sa play. Eh kasi naman, parang nakakailang? Si Natsu? Sasabihan ko ng ganon? Parang hindi ko ata kaya.



Kung bakit ba kasi sya pa yung partner ko sa play eh. Hay...



Pabagsak akong umupo sa sofa at kinuha ko yung script ko para magbasa. Nandito ulit kaming anim sa bodega ng FTH. Sa totoo lang ay pwede na kaming hindi pa pumunta dito dahil sinabi na ni Master na hindi muna kami magka-klase dahil may gampanin kami ngayon sa play. Eh kaso sabi nila kaylangan daw namin mag samang anim kahit na nagbabasa palang kami ng mga script namin. Kasi daw sa susunod na araw, mag pa-practice na kaming umarte. At kinakabahan ako. Ngayon tuloy ay nalala kong malapit na ang anniversary ng FTH. At ang birthday ni Erza.



Oo nga pala, birthday ni Erza. Yun nalang ang problema ko at ang pag-arte. Kalahati na kasi ang kabisado kong linya ko para sa play. Kinabisado ko na din yung linya naming anim para naman alam ko kung saan ako ta-timing. Kahit mahirap ay tyinaga ko talagang basahin ang mga yon. Okay na yung mahirapan ako na magsaulo kaysa naman mapahiya ako sa maraming tao.



Binaba ko ulit ang hawak kong script. Ano kayang ireregalo ko kay Erza? Wala na kong maisip na ipangreregalo sakanya eh. Tsaka, ayoko namang ulit-ulitin yung binigay ko sakanya nung mga nakaraang birthday nya. Gusto ko ngayon, bago. Kaso mukhang nahihirapan ata ako ngayon kung ano ang ibibigay ko sakanya.



Sa totoo lang, kahit ano pwede mong ibigay sakanya dahil tinatanggap talaga ni Erza yun. Kahit maliit na bagay pa yon, tatanggapin pa rin nya. Yun ang gusto ko talaga kay Erza eh, binibigyan nya ng halaga yung mga bigay sakanya. Kaya naman kahit nakakatakot sya, mabait talaga sya. Mabait na kaibigan.



Bahala na kung ano ang mabiling regalo. Baka nga strawberrycake nalanga eh, tutal mahal na mahal naman ni Erza yung cake na yon.



Nagkibit-balikat ako at inabot muli ang script para magpatuloy sa pagbabasa. Dahil nga halos kabisado ko na ang linya namin ay alam ko ma ang storya na gagampanan namin. Kaming nila Erza at Juvia ay mga prinsesa. Magkakapatid kaming tatlo dito. At yung tatlo namang lalaki na sina Jellal, Gray at Natsu ay tatlong alipin lang ng pamilya namin. Habang nagbabasa ako ng linya ko ay hindi ko maiwasang ma-excite. Syempre yung kabahan narin. First time lang kasi akong gaganap sa ganto. Tuwing anniversary kasi ng FTH ay wala namang ganito eh, ngayon lang nangyari ito. Ewan ko ba sa council kung bakit gusto pa nilang magkaron ng role play.



Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon