Chapter 59

115 8 6
                                    

ERZA



Mula dito sa backstage ay tinatanaw ko ngayon ang mga nakasalang sa stage na sila Natsu, Gray at Jellal. Nasa scene na kami ngayon kung saan sila nagbabalak na muling pumunta sa palasyo, hindi bilang isang mga bilanggo kundi mga mayayaman.



"Kailangan nating makadalo sa kasiyahan sa palasyo na gaganapin ngayon. Hindi na ako makakapayag pang hindi ko muling masilayan si prinsesa Erza." Saad ni Jellal sa linya niya.



Pinakatitigan ko si Jellal. Alam kong ginagawa niya ang lahat para maging maganda ang kalalabasan ng arte niya pero hindi nakakaligtas sakin ang malungkot niyang mga mata. Alam ko. Alam ko na ako ang dahilan ng lungkot na iyon. Hindi ako manhid para hindi makita o maramdaman iyon. At nasasaktan ako dahil nasasaktan ko siya.



Habang nagsasalita ngayon si Natsu ay naligaw ang paningin ko kay Gray na ngayon ay nakatingin sa akin. Nakatingin ito sa akin ng masama. Halos tumaas ang kilay ko ng inirapan niya ako at inalis tumingin sa dalawa na kaharap niya.



Problema ng lalaking 'yon?



Nagkibit balikat nalang ako at pinanuod sila. Hanggang sa matapos nila ang scene at nagdilim ang buong stage, hudyat na ibang scene na ang mangyayari. Mabilis na nagsikilos ang mga nakatoka sa props upang alisin at palitan ang mga nakalagay sa stage.


Aalis na sana ako sa pwesto ko ng may mabangga ako. Si Juvia. Agad akong humingi ng tawad sa kaniya at ganon din siya sakin.


"Pasensya na talaga Juvia. Hindi kita napansin."


"Okay lang Erza." Ngumiti siya sakin ng malumanay. "Ah nga pala, happy birthday."


"S-salamat Juvia." Pasimple akong umubo at tumingin sa iba.


"Sana maging masaya ka ngayon."


-


LUCY


"Sana matapos na namin agad 'to..." Bulong ko sa sarili ko habang nakapikit at nilalaro ang kamay ko. Hindi kasi ako mapakali! Sasalang na naman kasi ko sa stage! Mag mumukha na naman akong tanga dun!


Argh! Ano kaya ang itsura ko habang umaarte? Nagagawa ko ba ng maayos yung role ko?! Mukha ba kong natatae sa sobrang kaba?!


Nasa kalagitnaan ako ng pagpapakalma ng may kumalabit sa braso ko. Halos mapamura na ako sa gulat.


"Bwisit naman! Bakit ka b--, oh Jellal hehe. Ikaw pala." Ay ano ba 'yan. Muntik ko ng hampasin. Akala ko kung sino.


"Pasensya na Lucy. Naabala ba kita?"


Humarap ako ng tuluyan sa kaniya. Agad na naalarma ako ng ngumiti siya pero may kung ano sa mata niya.


"Hindi 'no! Ano ka ba!" Konti lang. "A-ano nga pala 'yon Jellal?"


"Itatanong ko lang kung ayos na ba ang lahat?"


Bumuntong hininga ako at tinitigan siyang mabuti. Kahit na nakangiti pa ngayon itong si Jellal, alam ko na hindi talaga siya masaya.


Hay buhay. Bakit ba kailangan pang maging ganito?


Tumango tango ako sakaniya. "Oo Jellal. Ayos na ayos. Walang problema."



Tumango din ito sakin. "Maraming salamat Lu--"

Hindi na natapos pa ni Jellal ang sasabihin niya ng bigla nalang sumingit sa likuran niya si Natsu. Salubong na salubong ang kilay nito.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon