Chapter 11

361 18 1
                                    

NATSU



"Habulin mo ko, Happy!"



"Aye!!"



Tumakbo ako palabas ng bahay at dumiretso sa likod-bahay dito bahay namin. Teka, puro ako bahay no? Wahahaha!



"Habulin mo ko, habulin mo ko, habulin m-- Aray!"



"Aye!!"



Dahan-dahan akong tumayo habang hawak ko yung mukha ko. Waaaah! Ang sakeeeeet!



"Nasan ka!" Sigaw ko habang hinahanap yung batong tumisod sakin. "Happy! Tulungan mo kong hanapin ang kriminal!!!"



"Aye!"



Tinignan ko yung mga batong nasa paahan ko. Wag na kayong magtaka kung pano ko malalaman. Aba! Syempre! Ako kaya si Natsu the great! BWAHAHAHA!



Inisa-isa ko ang mga bato at--



"HULI KAAAA!" Hinawakan ko ng mahigpit yung bato. Baka kasi makawala pa at baka may matisod pa syang iba. Dahan-dahan kong nilapit yung masamang bato sa mata ko. Susuriin ko lang sya. Hehehe.



"AHA!" Nilapit ko lalo yung masamang bato. "Happy! Kumpirmado! Masama talaga tong batong to!" Lumapit sakin si Happy at umupo sa harapan ko na para bang nakikinig. "May dugo yung parte nyang katawan! May ebidensya na ko! "



Tinignan ko ulit mabuti yung bato. Mayamaya ay--



"Ouch! Ang hapdi." May mahapdi sa paahan ko! Umupo ako sa damuhan, syempre hawak ko parin yung masamang bato. Sinuri ko yung paa ko at--



WAAAAAH! SINUGATAN NYA KOOOOO! 



"ANG SAMA MOOOOOOO!!!!"



"Aye!!"



Hinagis ko ng ubod ng lakas yung masamang bato palayo sa bahay. Huhuhuhu! Ang sama nya! Tinisod na nga nya ako, sinugatan pa! Wuhuhuhuhu!



"ARAY! SINO YUNG NAGHAGIS NG BATO?!"



---



ERZA



"Nasan si Mira at Levy?" -Master.



Nandito kami ngayon sa room. Kasalukuyan akong nasa harapan katabi ni Master kaya kitang-kita ko ang mga kaklase ko na walang ginagawang ingay na kahit ano. Tinignan ko yung dalawa na ngayon ay nakayuko sa kanilang kinauupuan.



"Titania."



"Ano po, Master." Tumingin ako kay Master na ngayon ay seryosong nakatingin sa dalawang may sala.



"Kaylangan naganap ang pagkalat ng litrato?" Tinignan ko sila Mira at Levy. Si Levy ay nagmamaka-awang nakatingin sakin at si Mira naman ay tahimik na umiiyak habang nakayuko.



Hay....



Inalis ko na ang tingin sakanila at muling tumingin kay Master. Sorry Mira at Levy, kasalanan nyo ito. Mas maganda na yung madala kayo sa anumang gagawin sainyo ni Master at ang Council.



Tumikhim ako bago magsalita. "Nung nakaraang araw po, Master. Hindi ko po nasabi sainyo kahapon dahil nasa Council kayo." Tumango lang sakin si Master at tumingin ulit sa dalawa.



Habang nagsasalita si Master ay napatingin ako sa gawi nila Natsu. Nang magtama ang mata namin ay dumila sya sakin.



Mamaya ka sakin, Natsu....



Mukhang napansin ni Lucy ang pagsama ng tingin ko sa katabi nya kaya binatukan nya ng malutong pero walang tunog si Natsu.



"Levy at Mirajane, sumama kayo sakin." Umalis na sa pagkakaupo sa lamesa si Master at nagsimula ng maglakad. "At Titania." Huminto si Master at lumingon sakin. "Sumunod ka rin sakin." Pagkasabi nya nun ay tuluyan na syang umalis.



Papalabas na ko ng silid ng mapalingon ako sa gawi ni Gray. Seryoso syang nakatingin sakin habang nakahalukipkip kaya umiwas na ko ng tingin. Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan sa paraan ng pagtitig nya sakin ngayon. Oo nga pala, hindi pa kami nagkaka-usap tungkol sa pag-iwas ko sakanya kaya siguro ganun nalang syang tumingin sakin....



Pagkatapos ni Master, Ikaw na ang kakausapin ko Gray.




***
Ayan na Guys! 3 Chapters na yung in-update ko today. Sana nagustuhan nyo! :) Wag nyong kalimutan mag Comment at mag Vote! :) BTW, sa mga naghintay, MARAMING SALAMAT. SUPER! Lalo tuloy akong na-inspired na ipagpatuloy ang story na to! ∩__∩ So, ayun. Enjoy nyo nalang!!

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon