Chapter 21

266 16 2
                                    

-PAST-



"Hindi ba kayo tatahimik?!"



Lalong lumakas ang iyakan ng mga bata sa loob ng sasakyan ng ihampas ng isa sa mga lalaking kumuha sakanila ang hawak nitong makapal na kawayan sa lapag.



"TAHIMIK SABI!!!"



"Hoy ikaw!" Turo ng lalaki sa batang babae na may pulang buhok na nakasiksik sa likuran.



Umiyak lalo ang batang babae ng lapitan sya ng lalaki.



"Bakit ganto to?!"



"Anong problema?"



Dinakot ng lalaki ang mapulang buhok ng batang babae at pabalibag na itinabi sa kasamahan. Napailing ang kasamahan nito ng makita ang itsura ng bata.




"Mukhang wala tayong mapapala dito!"



"Oo nga! Bulag ang isang mata nitong batang ito!"



Iyak lang ng iyak ang batang may pulang buhok sa loob ng sasakyan. Kasama nya ang iba pang bata na katulad nya, ay nadukot din sa lansangan.



"Ikaw! Batang bulag!" Sigaw nung lalaki sa batang may pulang buhok. Hindi kumibo ang bata bagkus ay niyakap nya ang tuhod at dun dumukdok para umiyak. "Hindi ka titigil?! Pwes humanda kang bata ka!"



Pinatigil nung lalaki ang sasakyan at marahas na hinawakan ang batang may pulang buhok para makatayo ito. "Tama na p-po..." Pilit inalis ng bata ang kamay ng lalaki sa braso nya na lalong humihigpit ang pagkakahawak. Nagsimula ng kabahan ang iba pang bata na kasama sa sasakyan ng samapalin ng lalaki ang batang may pulang buhok.



"Ang tigas ng ulo mong bulag ka! Tatamaan ka talaga sakin!"



"T-tama na p-po. M-maawa na kayo sakin." Pagmamakaawa ng batang may pulang buhok.



Nagtawanan ang tatlong lalaki sa sinabi ng batang may pulang buhok. Hinablot ng lalaki ang buhok ng bata at binuksan ang pintuan ng sasakyan habang umaandar. Dumagundong ang damdamin ng batang may pulang buhok ng makitang bumukas ang pintuan.



"Maawa ba kami bulag?! Pwes! Ipapakita ko sayo! Tutal wala kaming mapapala sayo!!!"



"WAG PO!"



Marahas na sinipa ng lalaki ang batang may pulang buhok at tuluyan itong nahulog sa saksakyan habang umaandar. Gumulong ang katawan ng batang may pulang buhok sa lupa habang walang duguan ang katawan at walang malay.



---



"Mga bata, aalis lang kami. Huwag kayong magulo."



"Opo!"



Ngumiti ang dalawang matanda sa mga bata at tinalikuran na ang mga ito para umalis.



Habang naglalakad ang dalawang matanda ay napatigil sila sa paglalakad dahil sa nakita.



"Jusko..."



Mabilis na nilapitan ng dalawa ang batang babaeng may pulang buhok na nakahandusay. Inilibot ng isa sa matanda ang paningin at ang isa naman ay tinignan kung may pulso pa ang bata.



"Buhay pa sya."



"Salamat naman."



"Madaming sugat ang bata." Nilibot nito ang paningin sa paligid. "Dalin nalamang natin sya satin. Walang katao tao dito sa lugar na ito. Kawawa naman itong batang ito kung walang kukuha sakanya."



Tumango ang kasamahan nito at dali daling binuhat nila ang bata ngunit may pag-iingat.



---



"Taya!"



"Waaaaa! Ang daya mo!"



Nagtawanan ang mga bata sa sinabi ng kalaro. Napatigil ang batang lalaki sa pagtawa ng bumukas ang gate at niluwa nito ang dalawang matanda na may buhat na bata.



"Ayan na sila!" Sigaw ng isa sa mga batang lalaki.



Magsisilapitan sana ang mga bata upang salubungin ang dalawang matanda ng senyasan sila ng mga ito na huwag lumapit. Huminto ang mga bata at hinayaan ng pumasok ang mga matatanda sa loob ng bahay.



"Nakita nyo yon? May buhat silang bata."



"Yehey! May bago tayong kalaro!"



"Pero bakit ganon? Ang dami nyang sugat?"



Hindi pinansin ng batang lalaki ang bulungan ng mga kalaro bagkus ay nakatingin lang ito sa bahay kung saan pumasok ang dalawang matanda na may buhat na bata.



"Taya!"



Bumalik sa realidad ang batang lalaki ng hawakan sya ng kalaro.



"Yehey! May nataya ako!"



"Hahahaha! Sa wakas!"



"Habulin mo na kami! Ikaw ang taya!"



Hindi kumilos ang batang lalaki sa kinatatayuan at umiling sa mga kalaro.



"Bakit? Ayaw mo na?"



"Waaaaa! Ang daya mo naman!"



"Hahahaha! Taya ka ulit!"



Inalis ng batang lalaki ang tingin sa mga kalaro at binalingan muli ang bahay.



---



Mula sa mga naglalaro, napatigil ang apat na bata sa pagtakbo.



"Ayaw na namin!"



"Ha? Bakit?"



"Basta! Ayaw na muna naming apat maglaro." Tinanguan lang sya ng kalaro at tumakbo ulit.



Naglakad ang apat na bata sa kinalalagyan ng batang lalaki na nakamasid sa bahay.



"Anong tinitignan mo dyan?" Tanong ng batang babae.



Hindi ito nagsalita.



"Sino kaya yung bata na dala nila?"



"Sa tingin mo, Jellal? Magiging kaibigan kaya natin yon?"



Inalis ng batang lalaki ang tingin sa bahay at tinignan ang kalaro.



"Magiging kaibigan natin sya." Sagot nito.



"Pano mo naman nalaman Jellal? Eh hindi pa nga natin sya nakakalaro?"



"Tumahimik ka nga Wally." Sagot ng batang babae.



"Sorry Millana." Nahihiyang sagot ng batang lalaki.



"Sana maging kalaro natin sya." Nakayukong sabi ng pinakabata sa kanilang lima.



"Wag kang mag alala Sho. Magiging kalaro natin sya."



Nag angat ng tingin ang pinaka bata sa kanila at tuwang tuwang humarap sa kausap.



"Talaga Simon?!" Tumango ito.



"Yehey! May bago tayong makakalaro!"



Ngumiti ang batang nag ngangalang Jellla sa mga kaibigan at muling tumingin sa bahay.



***

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Where stories live. Discover now