Chapter 38

140 15 9
                                    

LUCY


Teka teka. Totoo ba talaga tong nakikita ko! Kumurap-kurap ako at kinusot ko ang mata ko. Baka kasi nag iilusyon lang din ako katulad ni Mira eh. Pero...


BAKIT GANYAN?!


Diba inis sya don! Sa pagkakaalam ko nung nasa sagradong isla kami, ayaw na ayaw nya dyan eh. Sinisigawan pa nga nya! Pero ano tong nakikita ko?!


"Sagutin nyo naman kami. Ano? Kayo na ba ni Juvia, Gray?"


Agad naman nagpintig ang tenga ko sa  nagtanong. Grabe naman! Anong klaseng tanong yan! Porket nakaakbay si Gray kay Juvia, sila na aga-- wait...


NAKAAKBAY SI GRAY KAY JUVIA?!


Kumurap-kurap ulit ako at nagkusot ng mata. Baka kasi nag iilusyon lang talaga ako eh. Pero nung tignan ko ulit sila, ganun parin. Nakaakbay talaga si Gray kay Juvia!


Totoo ba to?! Totoo ba talaga tong nakikita ko?! Pero hindi eh, ayaw ni Gray kay Juvia diba? Pinagtatabuyan pa nga nya at sinisigawan nya ito nung nasa sagradong isla kami eh. Pero ano to! Anong ibig sabihin nung akbay na yon?!


Naalis ko ang tingin ko sakanila ng makita ko si Erza  na tumatakbo palabas ng cafeteria. Parang wala lang kay Gray na umalis si Erza at inaya pa nya si Juvia na kumain na sila.


"Ano ba! Sumagot naman kayo oh. Kayo na ba?"


Hindi ko na hinintay pa yung sagot nila Gray kung sasagot nga ba talaga sila at tumakbo narin ako palabas ng cafeteria para sundan si Erza.


---


ERZA


Hindi ko na kaya yung nakikita ko ngayon kaya naman tumayo ako at mabilis na tumakbo palabas ng cafeteria. Habang tumatakbo ay sumasabay ang pagtulo ng luha ko sa pisngi ko.


Ganon nalang ba? Ganon nalang ba kadali sakanya? Kaya ba hindi sya pumasok dahil kay Juvia? Kaya rin ba hindi sya sumabay saming pumasok dahil magsasabay sila ni Juvia?


Hindi ko maiwasang masaktan sa mga nabubuo imahe sa utak ko. Sabi nya mahal nya ko eh. Pero ano yung nakita ko kanina? Bakit sya nakaakbay kay Juvia? Sila na ba?


Inis kong pinahid ang mga luha sa pisngi ko at nagpatuloy parin ako sa pagtakbo. Alam ko naman na ako ang may kasalanan ng lahat, na kung bakit kami nauwi ni Gray sa ganitong sitwasyon. Pero, bakit ganito? Bakit ngayon may iba na sya? Dahil ba hindi ko agad nasagot yung tanong nya sakin kagabi? Dahil ba don, magiging iba na ang mahal nya?!


Natawa ko ng mapait sa naisip ko. Baka nga hindi nya ko minahal eh. Baka nga sa mga nagdaang araw, kasinungalingan lang ang mga sinasabi nyang mahal nya ko. Baka nga sa mga kilos at ginagawa nya para sakin, lahat ng yon puro kasinungalingan.


Napahinto na ko sa pagtakbo at humagulgol. Hindi ko na kaya. Kanina nung nakita ko silang magkasama ay gusto ko ng magwala pero pinigilan ko sarili ko. Pero ngayon, hindi ko na kaya. Hindi ko na talaga kayang magpanggap na hindi ako nasasaktan.


Umupo ako sa lapag at niyakap ko ang tuhod ko at duon ako sumubsob para umiyak. Wala na kong pake kung may makakita pa sakin dito. Wala na kong pake sa itsura ko. Gusto ko lang ay umiyak ng umiyak hanggang sa mawalan na ng luha ang mga mata ko. Kaylan ba ko mapapagod? Kaylan ba ko titigil sa pag-iyak? Hindi pa ba sapat yung gabi-gabi kong pag-iyak para maging gripo tong mata ko?!


"Erza!" Hindi ako nag angat ng tingin pero alam kong si Lucy iyon.


"Erza..." Nang maramdaman ko ang presensya nya sa tabi ko ay mas lalo akong naiyak. Naramdaman ko ang pagyakap ni Lucy sakin kaya naman yumakap agad ako sakanya.


"Erza... Tahan na..." Inalo nya ang likod ko.


Gustuhin ko rin na tumahan Lucy pero hindi ko magawa. Parang may sariling buhay ang mga mata ko para maglabas ng mga luha. Hindi ko rin naman ito masisisi dahil nasasaktan talaga ako ng sobra sa mga nangyayari.


Hindi ko nga alam kung bakit nakakaya ko pa ang mga nangyayari sakin. Dahil sa totoo lang ay gusto ko ng matapos to. Gusto ko ng sumuko.


Hindi na nagsalita si Lucy at inalo lang ako na para bang hinahayaan nya lang akong umiiyak ng umiyak. Nagpapasalamat talaga ko ng sobra kay Lucy. Dahil siguro kung wala sya sa tabi ko, baka kung ano na ang nagawa ko sa sarili ko.



Bigla nalang pumasok sa isip ko si Gray na nakaakbay sa masayang si Juvia. Hindi ko na naman maiwasang masaktan. Humigpit ang yakap ko kay Lucy at sumubsob sakanya.


"Please, E-erza... T-tahan n-na..." Alam kong umiiyak narin si Lucy base sa boses nya. Ganito ba talaga ko kasamang tao na kahit kaibigan ko ay hinahayaan kong umiyak dahil sa pagiging makasarili ko?


Habang umiiyak at nakasubsob ako kay Lucy ay may nakita akong pares ng sapatos sa harapan ko.


"Erza."


Naramdaman ko ang paninigas ng katawan ni Lucy kaya naman unti-unti kong inangat ang tingin ko para makita ang taong nasa harapan ko.


Jellal.


Naramdaman ko ang pagluwag ng yakap ni Lucy kaya naman humiwalay ako. Kahit na lumuluha parin ang mata ko ay pinunasan ko ito at muling tumingin sa lalaking nasa harapan ko. Umupo sya hudyat ng pagpantay naming dalawa.


"Pwede ba tayong mag-usap?" Tumingin sya kay Lucy at agad na tumingin sakin. "Yung tayo lang na dalawa."


Magsasalita pa sana ko ng unahan ako ni  Lucy.


"Okay lang." Ngumiti sya sakin at nagpunas ng luha. "Pero please lang Jellal, wag mong paiyakin ang kaibigan ko sa kung ano man ang pag-uusapan nyo. Pagod na si Erza. Kaya please lang. Nagmamakaawa ako." Ngumiti sya saming dalawa at tuluyan ng umalis sa tabi ko.


Agad akong napatingin kay Jellal ng hawakan nya ang pisngi ko para  punasan ang luha ko.


"Wag ka ng umiyak. Baka sabihin ng kaibigan mo, pinapaiyak kita." Ngumiti sya sakin.


Wala na kong naramdamang kahit anong ilang kay Jellal ngayon. Siguro ay masyado ng namanhid ang pangdama ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Tinitigan ko syang mabuti sa mata at niyakap sya.


Kaylangan ko ng makakapitan ngayon dahil wasak na ulit ako. At alam ko sa sarili ko na si Jellal lang ang makakapitan ko sa mga panahong nagiging wasak ako. Sya lang. Si Jellal lang.


***
Hanggang dito nalang muna! Mahilig talaga akong mangbitin Guys! =D Pasensya na, kaylangan lang talaga Hohoho.

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz