Chapter 3

596 25 0
                                    

ERZA



Naiiling akong lumabas ng room dahil sa nangyari kanina. Teka, ano nga ba nangyari? Ah, yung kay Master. Hindi parin kasi sya bumabalik. Pinatawag kaya sya ng council? Kung ganon, bakit naman sya ipapatawag eh wala namang nasira.



Habang naglalakad ako papunta sa likod ng FTB (Fairy Tail Building) Kung saan kami naglalagi kapag wala kaming ginagawa ay nakaramdam ako na parang sumusunod sakin. Huminto ako sandali sa paglalakad at lumingon sa likuran. Wala akong nakita. Hindi naman kasi ito pinupuntahan ng iba maliban samin nila Natsu. Nagkibit balikat ako at nagpatuloy sa paglalakad.



"Erza."



Napahinto ulit ako sa paglalakad at nilingon kung sino ang tumawag sakin.



"Anong kailangan mo, Gildarts?"



Umalis sya sa pagsasandal sa pader at lumapit sakin.



"Pinapatawag ka sa council."



Saglit akong nagulat dahil sa sinabi nya pero inalis ko din iyon para hindi nya mahalata. Si Gildarts ay isa sa mga S class kagaya ko. Isa kami sa pinakamataas dito sa FTH (Fairy Tail High) Ang pagkakaiba nga lang namin ay nag-aaral ako. Sya naman ay hindi, pero nandun sya sa council.



Magsasalita sana ako ng may naramdaman akong humawak sa braso ko.



"Wag ka ng magtanong, Erza. Sumama ka nalang."



Ang boses na yun...



"Mystogan."



Hindi ko parin nililingon ang nakahawak sa braso ko. Lumapit naman si Gildarts sakanya. Huminga ako ng malalim at humarap ako sakanila.



"Bakit ako pinapatawag?"



Tanong ko sakanila habang seryosong nakatingin sakanilang dalawa. Tinignan ko ang kamay ni Mystogan na nakahawak sakin at inalis ko iyon.



Si Mystogan ay isa ding S class tulad namin ni Gildarts. Tatlo kami. Pero dun din sya sa council tulad ni Gildarts.



Bumuga ako ng hangin ng hindi nila sinagot ang tanong ko. Mukhang hindi nila sasabihin kung bakit. Pero, bakit nga ba? Wala akong maalala na nangyari.



"Sige. Sasama ako."



---



LUCY



"BAKIT MO KINAKAIN YUNG PAGKAIN KO?!!!"



Kinuha ko agad kay Natsu yung plato ko at sinipa sya sa mukha. Grr! Kakaubos lang nya ng pagkain nya tapos kakainin nya yung sakin?!  Hindi nya ba alam na nagugutom na rin ako?!!!!



"Aray Lucy. Ang sakit non." Sapu-sapo nya yung pisngi nya saka umupo ulit sa tabi ko. "Pahingi naman, Lucy. Nagugutom pa talaga ko."



Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Syempre, hinay-hinay lang ako sa pagkain. Ayokong tumaba no?! Kailangan kong ma-maintain yung katawan ko. Nakakainggit kasi yung katawan ng muse namin. Si Mirajane. Ang ganda pa nya. Bagay talaga syang maging model.



WAAAAHHH!!! NAKAKAINGGIT TALAGA SYAAAAA!!!



"Hayss! Ang tagal nya! Makakain na nga lang!" Napatigil ako sa pagngunguya at tumingin kay Gray na papunta ngayon sa Counter. Anong problema non? Teka, sinong nya? May hinihintay ba sya? Hmm. Napansin kong kanina pa wala si Erza.... Hindi kaya, ang tinutukoy ni Gray ay si Erza? Naku! Mukhang... Pfft! Wag na nga!



"Sige na Lucy. Penge naman. Nagugutom pa ko. Di ka ba naaawa sakin?" Inalis ko na ang tingin ko kay Gray at inis na binalingan si Natsu na ngayon ay nakalabi at ginagawang kawawa ang itsura. Hay! Pa-cute pa tong isang to! Hindi naman cute!



"Thank you Gray. Balik ka ulit." Napatingin ako kay Mirajane na ngayon ay matamis na nakangiti sa lahat. Tinignan ko yung katawan nya na korteng-korte na halos perperkto na. Tinignan ko yung tyan ko at kinapa ko kung may--



"WAAAAAHH! BAKIT MAY BILBIL AKOOOOO!!!!???"



Napatigil ang lahat dahil sa sigaw ko at tumingin sakin.



BAKIT.... BAKIT MAY BILBIL NA KO. BAKIT HINDI KO MAGAWANG MAGING SEXY KATULAD NI MIRA.... BAKIT, BAKIT?! HUHUHU!!!



"May problema ba, Lucy?" Tinapunan ko ng tingin si Mira na ngayon ay nag-aalalang nakatingin sakin.



BAKIT ANG GANDA NI MIRA?....



"WAAAAAAHHH!!! HUHUHUHUHU!!!!!"



NATSU



"Lucy!" Tinawag ko sya pero hindi manlang ako pinansin. Ano bang nangyari don at umalis?



Di bale nalang. Kakainin ko nalang yung tira ni Lucy. Parang hindi manlang nya nabawasan. Dapat pala binigay nya nalang sakin kung di nya gagalawin yung pagkain. Nagsasayang sya ng pera. Ah, basta! Kakainin ko nalang to! Gutom na ko eh. Hahahaha!



"Anong nangyari don?" Tinapunan ko ng tingin si Gray habang kumakain. Nagkibit balikat lang ako sakanya saka nagpatuloy sa pagkain. "Pero may nabanggek shang Bilbil kanina bago sha umalish." Sabi ko habang ngumunguya. Tumango lang si Gray at nagsimula ng kumain.



"Anong nangyari kay Lucy? Bakit sya tumatakbo at, umiiyak?" Napalingon ako sa likuran ko dahil sa may nagsalita.




"Erza."



***

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon