Chapter 19

309 20 8
                                    

ERZA



"YAHOO! EXCITED NA KO!!!!"



"Naku Natsu! Umayos ka lang dun ah! Kung bakit bs kasi ikaw pa nabunot ko?!"



"Wag kang mag-alala Lucy! Tayo ang mananalo! Hahahaha!"



Bumalik ako sa realidad ng may maramdaman akong may humawak sa balikat ko.



"Ayos ka lang ba?" -Gray.



Tumango ako sakanya.



"Tara na. Alis na tayo."



-FAIRY TAIL HIGH-



"Nandyan na ba ang lahat?"



"Wala pa po sila Juvia at Jella--"



"Oh! Ayun na sila!"



Pinagtinginan ng lahat ang bagong dating na sina Jellal at Juvia. Nang magtama ang paningin namin ni Jellal ay mabilis kong iniwas ang tingin ko.



"Wala na sigurong maiiwan hindi ba?" Tanong ni Master at nagsitanguan ang lahat.



"Talagang bang ayos ka lang? Para kasing namumutla ka." Tiningala ko si Gray at tipid na ngumiti.



"Tsk! Bakit ba kasi hindi nalang ikaw yung nakapareha ko eh." Napansin kong tumingin sya sa pwesto ni Juvia. "Tss, bakit sya pa."



"Ayos lang Gray. Dalawang linggo lang naman to." Sabi ko sakanya kaya naman lalong kumunot ang noo nya.



"Yun nga eh. Dalawang linggo. Dalawang linggo lang naman kita hindi makakasama." Mabilis kong iniwas ang tingin ko sakanya.



Wag ngayon Gray, please.



"Sige mga bata! Puntahan nyo na ang mga kapareha nyo at sasakay na tayo. Magtabi kayo." -Master.



Hindi ko alam pero nung sinabi yon ni Master ay nahirapan ako sa paghinga.



"Babantayan kita Erza." Rinig kong bulong ni Gray sakin bago ako iwanan.



"Halika na."



Halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng maramdaman ko sa tabi ko ang presensya ng lalaking pilit kong iniiwasan.



"S-sige."



---



"WAHAHAHAHA!"



"LUCY PAGKAEN!"



"UMAYOS KA NGA NATSU! MALILINTIKAN KA SAKIN!?"



"Kaya natin yan Levy. Wag kang mag-alala."



"KAMI NA ANG MANANALO! DAHIL ANG TUNAY NA LALAKI, HINDI TALUNAN!"



Napabuga nalang ako ng hangin dahil sa sobrang ingay ng mga kasama ko. Wala namang kaso ang ingay kay Master dahil kasama din sya sa mga ito. Kasama sya nila Cana na umiinom. Gustuhin ko mang matulog para hindi ko sila mapansin ay hindi ko magawa. Sobrang ingay talaga nila.



Pero sa lahat ng tao dito sa sinasakyan naming bus, kaming apat lang nila Gray, Juvia at Jellal ang tahimik. Nasa likod ang pwesto namin. Katapat namin silang dalawa. Pareho kaming nasa bungad ni Gray at ang katabi naman namin ay nasa may salamin. Hindi ko alam pero mukhang nagpapakiramdaman kami. Lalo na tong katabi ko.



Kung pwede nga lang makipagpalit ng upuan ay kanina ko pa ginawa. Hindi talaga ko komportable kapag nasa paligid ko si Jellal, lalo na ngayon na katabi ko sya. Hanggang maaari ay hindi ko idinidikit ang balat ko sakanya dahil kung mangyari man yon, hindi ko na alam.



"Erza--"



"Master pwede po bang makipagpalit muna ng pwesto?"



Ang kaninang maingay ay biglang natahimik ng magsalita si Gray. Lahat ng mga mata ay napunta sakanya.



"Kahit sa byahe lang Master. Nakikiusap ako."



Nagtatakang kong binalingan si Gray. Seryoso syang nakatingin kay Master habang ang kamay nya ay nanginginig.



Tumikhim si Master at binaba ang hawak na bote. Nagsukatan sila ng tingin ni Gray hanggang sa bumuntong hininga ito at magsalita.



"Sige. Kanino ka ba makikipagpalit ng pwesto."



Tumingin si Gray sa dereksyon ko at tinignan ako ng seryoso. Pagkatapos ay binalingan nya si Jellal.



"Sa tabi ni Erza. Kay Jellal." Madiin na sagot nya.



Naramdaman ko ang paggalaw ni Jellal sa upuan nya pero hindi ko ito pinansin. Nakatingin parin ako kay Gray na hanggang ngayon ay seryosong nakatingin sa katabi ko.



Napansin ko si Juvia. Nakatingin sya sakin ng masama.



Problema non?



Hindi ko nalamang ito pinansin at tinignan ng seryoso si Gray.



Anong nagyayari sayo?



"Sige. Jellal, doon ka nalamang sa tabi ni Juvia. At Gray, mag-uusap tayo pag nandun na tayo sa pupuntahan natin." -Master.



Mabilis na kinuha ni Gray ang gamit nya at mabilis na lumipat sa tabi ko. Napansin ko ding binunggo nya si Jellal nang magkasalubong sila.



Nang makaupo si Gray sa tabi ko ay seryoso ko syang tinignan. Nakatingin din sya sakin at ngumisi.



"Mamaya mo na ko tanungin. Matulog nalang tayo." Mabilis nyang hinawakan ang kamay ko at hinilig ang ulo ko sa balikat nya. Aangal pa sana ko kasi baka may makakita samin pero wala na kong lakas dahil inaantok na ko.



Bago ako kainin ng antok ay may narinig akong bulong mula kay Gray.



"Hindi ako papayag na mapunta ka kay Jellal, Erza."



***

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon