Chapter 40

186 16 7
                                    

LUCY



Bumuga ako ng hangin at humalumbaba. Nandito kami ngayon sa room pero wala naman kaming ginagawa.



Ay meron pala. Nagdadaldalan sila.



Ilang oras na kasi kami dito pero wala namang 'Master' na dumadating. Anong oras na ba? Ang pagkakaalam ko ay isang oras nalang at maglalabasan na kami para kumain eh.



Umayos ako ng upo at binalingan ko ang katabi ko. Si Natsu. Halos pumalakpak na ko dahil hindi ako nakakita ng lalaking nakasubsob at naglalawa ang bunganga dahil sa laway. Nakahalumbaba lang sya at nakatingin sa labas ng bintana, katabi nya kasi ito. Hindi ko alam kung ano ang itsura nya kaya naman nagkibit-balikat nalang ako at inalis ang tingin sakanya.



"Grabe Gray! Kanina pa kami kinakagat ng mga langgam dito! Paawat ka naman!" -Cana.



"Ngumiti naman kayo dito Juvia. Pi-picturan ko kayo." -Mirajane.



Dahil sa mga naririnig kong ingay sa kanan ko ay duon ako tumingin. Hanggang ngayon ay hindi parin ako masanay-sanay sa dalawa. Ilang araw na ba silang ganyan? Para silang kambal na hindi mapaghiwalay. Hindi rin naman kumpirmado kung sila na nga o hindi eh. Ang arte kasi nitong dalawang to! Oo o hindi lang sagot eh!



Pairap kong inalis ang tingin ko sa dalawang yun at pinihit ko ang katawan ko para tumingin sa likod ko. Isa pa ito. Kung si Gray at Juvia, hindi mapaghiwalay, itong si Erza at Jellal naman hindi mawala-wala ang mga ngiti sa mukha. Nakipagpalit kasi ng upuan si Jellal kay Jet kaya naman magkatabi sila ni Erza.



Ano ba talagang nangyayari sa mundong ibabaw?!



Katulad nila Gray ay hindi pa rin ako masanay-sanay dito sa dalawang ito. Oo masaya naman ako sa nagiging takbo ngayon ng buhay ni Erza dahil hindi ko na sya nakikitang malungkot at umiyak. Pero ewan eh. May nararamdaman akong hindi tama? ay ewan ko ba sa sarili ko! Baliw na ata talaga ako!



"Oh! Oh! Oh! Aba! Kayo ha!" Lahat kami ay napatingin kay Cana. Medyo namumula na ang magkabila nyang pisngi. Malamang ay dulot na naman ito ng alak.



"Ilang araw ko na kayong napapansin na dalawa. Umamin na nga din kayo." Lumagok muna ito at nagpatuloy. "Kayo na ba Erza? Nyang si Jellal?"



Parang may bumabang anghel sa paligid namin dahil bigla tumahik. Walang sino man ang gumawa ng ingay at halata talaga sa amin na inaabangan ang isasagot ni Erza.



Napalunok pa talaga ko dahil parang sasabog ako sa sobrang kaba. Hindi ko din kasi alam ang estado nitong dalawang to kaya naman kating-kati na din akong malaman ang totoo.



Bumuka ang bibig ni Erza kaya naman napakagat ako ng labi.



Ayan! Sasabihin na nya!



Magsasalita na sana sya ng unahan sya ng katabi nya.



"Oo."



Katahimikan...



"Oo kami na." Hinawakan ni Jellal ang kamay ni Erza na nakapatong sa lamesa nila. "Kami na ni Erza." Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtataka sa mukha ni Erza. Pero nawala agad ito ng nginitian sya ni Jellal. Gumanti sya ng ngiti dito.



Katahimikan parin...



"CONGRATULATION!" Sigaw ng nga kaklase namin kaya naman bumalik na ko sa realidad.



Tama ba yung narinig ko? Sila na diba? Hindi naman siguro barado itong tenga ko...



"WAAAAAHHH!!! ERZAAAA!!!"



Sa sobrang saya ko ay tumayo ako sa upuan ko at niyakap sya ng mahigpit.



Sa wakas! Sa wakas talaga! Kaya ba bigla nalang nawala yung malungkot at problemadong Erza dahil sila na?! Kaya ba laging good mood si Erza dahil sila na?! Kaya ba palaging nakangiti at masayang-masaya si Erza dahil sila na?!



Naramdaman ko ang pagganti ng yakap nya at ang tawa nya.



Susko! Na-miss ko ang tawa nitong TITANIA namin!



Kumalas na ko sa yakapan namin at patuloy parin ang katyawan ng mga kaklase ko sa dalawang nasa harapan ko. Napapayuko nalang si Erza at napapailing kapag tinutukso sya kay Jellal.



Jellal. Bago ako bumalik sa kinauupuan ko ay pinagmasdan ko muna sya. Alam ko na dapat ay magpasalamat ako sakanya dahil ibinalik nya ang dating sigla ni Erza. Pero may parte sakin na hayaan nalang. Dahil siguro sa nalaman ko na naging parte sya sa paghihirap ni Erza nung mga panahon na nahihirapan syang mamili sakanilang dalawa ni Gray.



Bumuntong-hininga ako at pinagmasadan ko ang paligid. Lahat sila nagsasaya dahil sa wakas, may nakabihag na sa puso ni Erza. Gusto ko nga sanang sumabat na hindi lang si Jellal ang nakakuha sakanya pero pinili ko nalang na tumahimik.



Baka biglang mag-iba si Erza kapag ginawa ko yun. Ang saya nya kaya! At ayokong sirain yun.



Napapangiti nalang ako sa mga kakulitan ng mga kaklase ko. Kapag nagkataon na maghihiwalay-hiwalay na kami, hindi ko sila makakalimutan. Ang saya kasi kapag kasama mo sila. Kahit na maingay sila kapag wala si Master, okay lang. Para na nga kaming magkakapatid kapag nagkakasama kaming lahat eh. Kaya ayun. Kung pwede nga lang ay mag samasama na kami sa iisang bubong eh. Pero malabo iyon.



Malabo talaga...



"Gray, saan ka pupunta?"



Kahit na nagkakaingay dito sa loob ay narinig ko yung boses ni Juvia kaya naman napunta ang paningin ko sakanila. Nakatayo si Gray sa tabi nya at si Juvia naman ay nakatingala sakanya habang hinihintay ang sagot nito.



"Dyan lang." At pagkatapos non ay umalis na sya. Ni hindi manlang pinansin ang pagtawag sakanya ni Juvia na nakanganga sa nangyari.



Anong problema non?



Sinusundan ko ng tingin si Gray na naglalakad palayo ng mabaling ako sa katabi ko na tumayo din.



"Hoy? Saan ka pupunta?" Kunot-noo kong tanong sakanya.



"Wala. Maglilibot lang." Pagkasabi nya non ay agad syang tumakbo palabas ng room.



Isa pa yon, anong problema non?



***

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon