Chapter 36

147 17 6
                                    

LUCY



"E-erza..." Gamit ang yakap nyang unan ay pinantaklob nya ito sa mukha nya habang umiiyak.



M-may nasabi ba ko?



Nanginginig akong lumapit kay Erza at tumabi sakanya. Hindi ko alam kung ako ba ang may kasalanan kung bakit sya umiiyak. W-wala naman akong nasabi hindi ba? Kahit na natatakot ako ay inilagay ko ang kamay ko sa likuran nya at inalu sya.



Hindi ako nagsalita at hinayaan ko syang umiyak. Tahimik ang buong bahay at tanging mga hikbi lang ni Erza ang maririnig. Hindi naman ito malakas, kaya hindi ito maririnig nila Gray.



Gray. Tatawagin ko ba sya? Pupuntahan ko na ba sya sa kwarto nya para sabihing umiiyak si Erza?



Tatayo na sana ako ng hawakan ako ni Erza sa braso.



"W-wag L-lucy... W-wag..." Namumula na ang mata ni Erza at punong-puno ito ng luha. Kinagat ko ang labi ko at niyakap sya. Lalo namang naiyak si Erza kaya naman hindi ko na napigilan ang maluha.



Matagal na kaming magkaibigan ni Erza pero hindi ko alam kung paano mapapagaan ang loob nya. Ni minsan kasi hindi talaga pumasok sa isip ko na magiging ganto si Erza. Napakawalang kwenta kong kaibigan.



Nang huminahon si Erza ay inalis ko na ang yakap nya. Pinahid ko na din ang luha sa pisngi ko. Umayos sya ng upo at mabilis na nag iwas ng tingin.



"P-pasensya ka na L-lucy." Ngumiti sya at pinahid nya ang luha.



"Ano ba ang problema mo Erza?" Napatigil sya sa pag-aayos.



"H-ha? Wala. W-wala akong p-problema--"



"Kaibigan mo ko Erza. Alam kong may problema ka, kasi hindi ka naman magkakaganyan kung wala. Sabihin mo sakin. Nandito ako para sayo. Makikinig ako sayo." Hinawakan ko ang kamay nya at tumingin sakanya.



Huminga muna sya ng malalim bago magsalita.



---



GRAY



Inalis ko ang unan na nakataklob sa mukha ko at nakipagtitigan sa kisame. Bumangon ako sa kama at bumuga ng hangin.



Hindi na naman ako makatulog.



Walang gana kong inalis ang kumot na nakatakip sa katawan ko at tumayo. Iinom nalang ulit ako ng tubig para makatulog na ko.



"Naguguluhan na ko Lucy. H-hindi ko na alam ang gagawin."



Pagkalabas ko ng kwarto ay boses agad ni Erza ang bumungad sakin. Hindi muna ako umalis sa kinalalagyan ko. Hindi pa sila natutulog? Anong oras na. Sinilip ko ang dalawang babae na nasa sala. Hinahagod ni Lucy ang likod ni Erza habang sya naman ay nakayuko.



Inalis ko ang tingin sakanila at sumandal sa pader kung saan hindi nila ako mapapansin. Hindi na muna ko pupunta sa kusina, makikinig nalang muna ko sa usapan nila. May nararamdaman kasi ako na may dapat akong malaman sa pag-uusapan nilang dalawa.



Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Lucy bago magsalita.



"Pero Erza, kaylangan mo talagang mamili sakanila..."



Mamili? Ano bang tinutukoy ni Lucy?



"N-nalilito ako... H-hindi ko na maintindihan itong n-nararamdaman ko..."




Ano bang pinag-uusapan nila?



"Mahal ko si Gray." Saad ni Erza. "P-per--"



Hindi ko na natiis at nagpakita na ko sakanila. Ngayon ay alam ko na ang pinag-uusapan nila. Matagal nang gumugulo sa isip ko ito. Eto rin siguro ang bumabagabag sakin tuwing gabi kaya hindi ako nakakatulog. Siguro ngayon na ang tamang oras para malaman ko ang totoo.



"Mahal mo ba si Jellal, Erza?"



Gulat ang rumehistro sa mukha nilang dalawa ng magsalita ako. Tinitigan ko si Erza.



"Sagutin mo ko Erza. M-mahal mo pa ba si Jellal?" Hindi ko maitago ang sakit na nararamdaman ko.



Pa ba? Oo yun ang tanong ko. Dahil yun naman talaga ang eksakto. Alam kong si Jellal ang dahilan kung bakit laging umiiyak si Erza nung mga panahong bata pa kami. Matagal ko ng kilala si Jellal, pero hindi ko pa sya nakikita. Nakilala ko sya dahil kay Erza. Dahil nung mga panahong hindi nya kami kinikibo nung mga bata pa kami ay pumasok ako sa kwarto nya. Matagal na kong may gusto sakanya. At habang nakatingin ako sa maganda nyang mukha habang natutulog ay binanggit nya ang pangalan ni Jellal habang umiiyak.



Matapos non ay ginawa ko ang lahat para mapansin ako ni Erza. Kahit naiinis na sya sa mga pagpapansin na ginawa ko ay ayos lang sakin, kahit na pisikal na nasasaktan ako. Hanggang sa sundan ko sya, mag isa lang syang nasa ilog malapit sa bahay namin. Hinamon ko sya at dun ko nakitang umiiyak na naman sya. Dun ko napagtanto na hindi lang gusto ang nararamdaman ko sakanya, kundi mahal ko na sya. Nung makita ko ang luha nya habang nakatingin sakin ay don ko ipinangako na sa sarili ko na aalagaan ko sya at gagawin ko lahat para lang hindi na sya umiyak.



Kasama na don ang huwag ipaalala si Jellal.



Akala ko nga ay nagtagumpay na ako dahil sa wakas, umamin sakin si Erza na mahal nya din ako. Pero nung dumating ulit sa buhay nya si Jellal? Lahat ng ginawa ko sa isang iglap, gumuho. Ganun ba talaga ka-importante sakanya si Jellal? Na minsan ay nagiging tulala sya at minsan ay umiiyak? Hindi ako tanga para hindi ko malaman na si Jellal ang dahilan ng lahat. Ang pagkawalan nya ng malay, pagiging balisa at higit sa lahat, ang pagkalito saming dalawa.



Hinintay ko syang sumagot pero mabilis syang nag-iwas ng tingin sakin.



Ganon nalang ba lagi? Yun nalang ba ang lagi nyang isasagot sakin? Ganon ba talaga kahirap na mamili saming dalawa? Mahal nya naman ako, hindi ba?




Yumuko ako dahil sa hindi ko na mapigilan ang sakit na nararamdaman ko. Wala na kong pakealam kung makita man nila akong umiiyak. Hindi ko na kayang pigilan.



"G-gray..."



Pinahid ko na ang luhang umaagos sa pisngi ko. Nag angat ako ng tingin at ngumiti sakanila.



"Sige, papasok na ko." Tinalikuran ko na sila at pumasok na sa kwarto.



Hindi ko ata kayang marinig ang isasagot ni Erza kaya naman mas pipiliin ko nalang pumasok sa kwarto ko at ibuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko.



***
Mahabang-habang chapter! 700+ lang kasi ang tinatype kong words =D Anyway, don't forget to comment guys! SALAMAT! =)

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon