Chapter 58

98 8 7
                                    

-FLASHBACK-



"Iiwan mo na ba kami Jellal?"



"Sasama ka ba sakanila?"



Malungkot akong ngumiti sakanila at bahagyang yumuko. Ayokong tignan ang mga mukha nila dahil pakiramdam ko ay lalo lang akong malulungkot.



Simula ng mapadpad ako sa ampunan ay nangarap ako na magkaroon ng pamilyang aampon sakin. Hindi dahil sa hindi ako masaya dito sa ampunan kundi dahil hindi pa ko nakakaramdam ng pagmamahal galing sa isang pamilya.



Ni minsan ay hindi ko nakilala ang tunay kong mga magulang. Ni wala nga akong balita sakanila. Minsan ay tinatanong ko sa sarili ko kung hinahanap pa kaya nila ako? Bakit ibang tao ang nag aalaga sakin? Bakit ibang tao ang kasa-kasama ko at hindi sila?



Kaya naman kapag may inaampon dito ay hindi ko maiwasang mainggit. Nangarap din ako na balang araw ay maaampon din ako.



Pero bakit ganto ang nararamdaman ko? Hindi ba dapat masaya na ko? Dahil sa wakas ay may kukuha na sakin? Na magkakaroon na ko ng pamilya?



"Please Jellal. Dito ka nalang. Wag ka nalang sumama sakanila." Ani Milliana at nagsimula na syang umiyak.



Lumapit ako sakanya at niyakap sya. Hindi ako makasagot. Inalo ko si Milliana hanggang sa tumigil sya sa pag iyak at makatulog ng tuluyan.



"Hindi mo man lang ba sya kakausapin?"



Napatingin ako kay Simon ng magsalita ito sa likuran ko.



Ngumiti ako ng mapait sakanya at bahagyang yumuko. "Hindi niya ko kinakausap. Galit sya sakin."



Hindi ko maiwasang masaktan tuwing naaalala ko ang malungkot na mukha ni Erza. Simula ng ianunsyo na ako ang napiling aampunin ay naging ilag na sya sakin. Kapag nagtatangka ako na kausapin sya ay bigla nalang syang aalis. Wala namang magiging dahilan non kundi ang pagkuha sakin.



"Ngayon mo pa ba sya hindi kakausapin ngayong aalis ka na?" Sagot ni Simon.



Pumikit ako ng mariin. Ngayong araw ako aalis. Ngayong araw ako kukunin. Ngayong araw ko maiiwan ang mga kaibigan ko.



At ngayong araw ko maiiwan si Erza.



Hindi na ko makapag desisyon ng tama kung tutuloy pa ba ako o hindi. Alam kong sasaya ako kapag sumama ako sa mga magiging pamilya ko. Pero yung saya ba na mararamdaman ko mula sa kanila ay kasing saya dito kasama ng mga kaibigan ko?



"Sige na Jellal. Puntahan mo na sya."



-



Tumigil ako sa pagtakbo at napahawak ako sa magkabila kong tuhod ng makaramdam ako ng hingal. Kanina ko pa nililibot ang buong ampunan pero bigo parin akong mahanap si Erza.



"Kailangan makausap kita. Nasan ka ba?" Bulong ko sa sarili ko. Nagpahinga ako sandali at muli akong tumakbo.



Hindi ako susuko hangga't hindi ko sya nakikita o nakakausap manlang. Kailagan na kailangan ko syang makausap, lalo na't baka ito na ang huli naming pagkikita.



Habang tumatagal ay unti unti na kong nawawalan ng pag asa na mahanap sya. Nagtanong na ko sa mga kalaro namin kung nakita ba nila si Erza pero maski sila ay hindi nila alam kung nasaan. Bumagal ang paglalakad ko hanggang sa may makita ko ang pamilyar na puno.



Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon