Chapter 30

226 15 2
                                    

LUCY



Huwebes na ngayon at dalawang araw nalang namin dito sa sagradong isla. Madami ring masasayang nagyari dito at mga nangyaring hindi ko malilimutan. Madami tuloy akong maisusulat sa diary ko.



Napatigil tuloy ako sa naisip ko. Bigla ko nalang kasing naalala sila Gray at Erza kagabi...



HINDI KO MAKAKALIMUTAN YON!!



"Ang mga magkakakampi ay sina Elfman, Droy, Jet at Natsu." -Master.



"AYOS! NAG IINIT NA KO!" -Natsu.



"At ang magkakampi at makakalaban nyo ay sina Gray, Jellal, Macao at Wakaba." -Master.



"Hay, hindi ako nakasali." -Alzack.



"Ayos lang yan. Mamahinga na muna tayo para sa susunod na pagsubok ni Master." -Bisca.



Napansin kong parang nailang si Alzack nang hawakan sya ni Bisca sa balikat.



Hindi na ko magtataka na meron silang gusto sa isa't-isa. Halata na din kasi eh.



Bigla ko tuloy naalala si Erza. Kaylangan ko sya tanungin.



Kaya naman tumayo ako at naglakad papunta sa kinalalagyan ni Erza. Hindi ko na muna siguro mapapanuod ang volleyball ng mga lalaki.



---



ERZA



"Erza, pwede ka bang maistorbo?"



Inalis ko ang paningin ko sa mga naglalaro at mabilis akong lumingon sa likuran ko. Si Lucy.



"Ano yun Lucy?"



"A-ah..." Tumingin muna sya sa paligid bago ako muling tignan. "A-ano, m-may itatanong lang ako."



"Sige ano ba yon?" Tumayo ako at hinarap sya.



"E-eh, k-kaso... G-gusto k-ko k-kasi t-tayo l-lang a-ang m-mag u-usap. He he he."



Nawi-weirduhan man ako kay Lucy ay tumango nalang ako. Bago ako tumalikod sa mga naglalaro ay tinignan ko muna sila. Nang magtama ang mata namin ni Jellal ay mabilis akong tumalikod at sumunod kay Lucy.



---



"Ano ba yung itatanong mo Lucy? Bakit kaylangan pa nating lumayo sa iba?" Tanong ko agad ng makalayo kami sa mga kasama namin. Hindi naman talaga malayo, ilang lakad lang siguro ang pagitan. Sapat na upang kaming dalawa lang ang makarinig.



"A-ano k-kasi..."



"May problema ba?" Nag aalalang tanong ko sakanya. Pansin ko kasi na hindi sya makatingin sakin ng deretso at parang bang kinakabahan.



"W-wala! W-wala akong problema, Erza. He he he..." Kamot ulo nyang sagot at ngumiti sakin ng pilit.



May mali talaga kay Lucy. Parang may gusto syang sabihin na hindi nya masabi sakin.



Kaya naman humalukipkip ako sakanya at seryoso ko syang tinignan.



"Ano ba yon Lucy? Bakit hindi mo masabi sakin ku--"



"K-kayo na ba ni G-gray, E-erza?"



Napatigil ako sa sinabi nya.



"Kayo na ba ni Gray?"



Nakatingin na sya sa mga mata ko habang sinasabi ang mga katagang iyon.



P-papaanong...



"H-he he he... O-okay lang E-erza k-kung hindi mo s-sagutin yung t-tanong ko." Kamot ulo nyang sagot. "Baka namamalik mata lang ako sa nakita ko kahapon..."



Humina ang boses ni Lucy sa huling sinabi nya pero sapat parin yon upang marinig ko.



"Anong nakita mo, kahapon?"



Dahan-dahang kong ibinaba ang kamay ko habang hinihintay na magsalita si Lucy. Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa isasagot nya sa tanong ko.



Hindi kaya, n-nakita nya kami kahapon ni Gray?



"A-ano kasi Erza... N-nakita ko kayo ni G-gray na..." Umiwas sya ng tingin sain at nagpatuloy. "N-naghahalikan."



Nagulat ako sa sinabi nya pero hindi ko pinahalata. Tumikhim ako dahil nararamdaman ko ang pag init ng mukha ko.



Tsk! Sabi na nga ba! Malakas ang pakiramdam ko na may nakamasid samin ni Gray kahapon. Habang naglalakad kasi kami ni Gray papunta sa gilid ng dagat ay para bang may nakasunod na samin.



Ngayong alam ko na na si Lucy ang nakasunod sa amin kahapon, bakit nya kami sinundan? May balak ba syang malaman tungkol samin ni Gray?



Oo nga pala... Wala pa kaming naikukwento ni Gray sakanila.



Wala kaming kwentang kaibigan.



"A-aksidente ko lang naman na n-nakita yon Erza. P-pinapatawag na kasi sakin ang lahat dahil malapit na tayo nun kumain. Tatawagin ko sana kayo ni Gray k-kaso n-nakita ko k-kayong..." Hindi na naituloy ni Lucy ang sasabihin at nahihiyang yumuko.



Aksidente? Ibig sabihin...



"Lucy, nung nakita mo ba kami ni Gray na magkasama kahapon, may mapansin ka bang kakaiba?" Tanong ko kay Lucy.



Aksidente. Aksidente lang na nakita ni Lucy ang nangyari samin ni Gray. Ibig sabihin ay hindi si Lucy ang nakamasid at nakasunod samin ni Gray.



Kung hindi si Lucy, sino ang taong yon?



"Kakaiba?" Napatingin ulit ako kay Lucy na kunot noong nakatingin sa taas na para bang may iniisip.



"Ah! Kahapon kasi nung nataranta ko sa nakita ko, may napansin ako kahapon."



"S-sino?"



"Si Jellal."



Hindi ko na narinig ang mga sinasabi ni Lucy ng banggitin nya ang pangalan ni Jellal. Sya yung nakasunod samin? Sya yung nakamasid samin?



Lumingon ako sa likuran ko kung saan makikita ang mga naglalaro. Tignan ko si Jellal. Tumalon sya at hinampas ang bola pabalik sa pwesto nila Natsu.



Mukhang naramdaman nya na nakatingin ako sakanya kaya naman bumaling sya sakin. Nang magtama muli ang mga mata namin ay bigla kong naalala ang tingin nya samin ni Gray kahapon na para bang may ginawa akong kasalanan sakanya.



"Erza ayos ka lang?"



"Erza!"



***

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon