Chapter 49

129 16 3
                                    

ERZA



"NANDYAN NA SI MASTER!"



Agad kong binawi ang kamay ko sa kamay ni Gray. Hindi ko na pinansin ang pagkagulat sa mukha nya at mabilis na tumayo para makihalubilo sa iba. Nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi na nya ako kinulit pa.


Napasinghap ako ng biglang tumabi sakin si Juvia. Tinignan nya ako. Ngumiti sya sakin at alam kong may mali sa ngiti nyang iyon. Hindi yon totoo dahil hindi umabot sa mga mata nya ang ngiti nya. Tumango ako sakanya at mabilis na inalis ang tingin ko sa kanya.



Pakiramdam ko ay wala akong karapatan na tumabi kay Juvia dahil sa ginawa namin ni Gray kanina. Nagi-guilty ako sa nangyari. Ang sama-sama ko. At lalo akong naiinis sa sarili ko dahil wala manlang akong naramdamang pagsisisi sa ginawa naming paghahawak kamay ni Gray kanina.



Pumikit ako ng mariin. Kaylangan ko munang alisin sa isip ko ang nangyari samin ni Gray. Nandito na si Master at kaylangan na naming gawin ang dapat gawin para sa paghahanda namin sa darating na anibersaryo ng FTH.



Huminto si Master sa harapan namin at inilibot ang paningin nya samin. Tumikhin sya bago magsalita.



"Bakit kulang kayo? Nasaan si Lucy at Jellal?"



Napadilat agad ako bg marinig ko abg sinabi ni Master. Oo nga pala, hindi pa dumadating si Jellal simula ng magpaalam sya kanina sakin. At hindi manlang ako sumunod kay Lucy sa cafeteria.



Yumuko ako at kinagat ko ang labi ko. Napakasama ko talaga. Napakamakasarili kong tao!



"Nandito na ako! Pasensya na kung na-late ako. Hehehe!"



Naramdaman ko ang pagtabi sakin ni Lucy. Ngayon ay napapaligiran ako ng mga taong ginawan ko ng kasalanan. Nag-angat ako ng tingin kay Lucy ng maramdaman ko ang pagkalabit nya sa braso ko.



"Hindi ka sumunod sakin, Erza." Halata sa boses nya ang pagtatampo kaya lalo akong na-guilty.



"M-may ginawa pa kasi ako Lucy. P-pasensya na." Pagpapaliwanag ko.



"Okay lang. Alam ko namang busy kang tao. Lalo na ngayon na may gagawin tayo para sa anniversary." Tumango-tango sya sakin. Tumango nalang din ako sakanya at pilit na ngumiti.



"Isa nalang ang kulang satin. Hindi tayo makakapagsimula hanggang hindi dumadating si--" Hindi na naituloy ni Master ang sasabihin n'ya ng dumating si Jellal. Hindi sya nagsalita at dere-deretso lang syang naglakad papunta sa likuran.



Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa pumwesto sya sa likod. Walang emosyon na makikita sa mukha nya ngayon at seryoso lang syang nakatingin sa harapan. Halatang wala syang pake sa nakapaligid sakanya.



Dahan-dahan kong inalis ang tingin sakanya at yumuko. Sa kilos palang ni Jellal, alam kong galit sya. At alam kong ako ang dahilan kung bakit sya nagkaganyan.



-



LUCY



"Pasensya na kung umalis ako kanina. Kinuha ko pa kasi ang magiging costume nyo sa gagawin nyong play sa anibersaryo ng FTH. Sukatin nyo na muna yan mga bata, bago tayo mag-umpisa." -Master.



Tumango kami sakanya at lumapit sa mga naka-hanger na mga damit na gagamitin namin. Nang makita ko ang pangalan ko na nakasabit sa damit ay mabilis akong lumapit doon. Halos magningning ang mata habang nakatingin ako sa gown na hawak ko.



Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon