Chapter 14

314 17 3
                                    

ERZA



Nagising ako sa silaw ng araw na nanggagaling sa labas. Tumayo ako sa pagkakahiga at nag-unat ng kamay.



Ang ganda ng gising ko.



Hindi maalis ang ngiti ko dahil sa naalala ko kagabi. Hindi naman siguro masamang mangiti diba? Buti nalang at hindi nakita ni Natsu yung paghahawakan namin ng kamay ni Gray.



Hindi sa natatakot akong makita o malaman nila, may balak naman akong sabihin sakanila eh. Pero mas maganda munang kami muna ni Gray ang nakakaalam kung anong meron samin.



Ano nga bang meron sa inyo Erza?



Bumuntong hininga ako. Ano nga bang meron samin ni Gray? Wala namang kami.



Nabaling ang atensyon ko sa pintuan ng bumukas ito at niluwa nito si Lucy.



"Good morning Erza. Tara kain na tayo ng almusal."



"Sige Lucy. Susunod nalang ako." Tumango sya sakin at sinarado ang pinto.



Umalis na ko sa kama at dumiretso sa banyo para makapaghilamos. Anong oras na ba? May pasok pa kami.



Pagkalabas ko sa kwarto ko ay dumiretso agad ako sa kusina. Bumungad agad sakin si Natsu kasama si Lucy na kumakain.



Nasan si Gray?



Lumapit ako sakanila at nagsalin ng tubig sa baso.



"Nasan si Gray?"



"Tulog pa eh. Ang hirap gisingin."



"Wag nyo na shang gishingin. Para mapunta shakin yung pagkain nya." Sa sinabing iyon ni Natsu ay binatukan ko sya.



"Mauna na kayo. Gigisingin ko lang si Gray." Sabi ko sakanila at naglakad patungo sa kwarto ni Gray.



Pinakiramdaman ko muna yung loob bago ako kumatok.



"Gray?"



Walang sumagot.



"Gray. Bumangon ka na dyan. May pasok pa tayo."



Katulad ng nauna ay wala pang sumagot kaya naman pinihit ko ang sedura upang buksan ito.



Pagkabukas ko ng pinto...



"Erza!"



"S-sorry!"



Tinakpan ko agad ang mata ko at mabilis na tumalikod.



Ano ba naman Erza!



Wala akong narinig sakanya na salita kaya inalis ko na yung kamay ko sa pagkakatakip tutal nakatalikod naman ako.



"T-tapos ka na b-ba?" Tanong ko sakanya.



Gustong-gusto ko ng batukan ang sarili ko sa hiya! Kasi naman eh! Kung nagsalita agad sya, hindi ako papasok sa kwarto nya at hindi ko sya makikita ng nakahubad habang tuwalya lang ang nakatakip sa pang-ibaba nya!



Tsaka, hindi manlang sya nag lo-lock ng pinto!



Nakakainis!



"O-oo. T-tapos na k-ko."



"S-sige. S-sumunod ka nalang." Hindi ko na pinansin ang pagtawag nya sakin at tuloy-tuloy na lumabas ng kwarto nya.



Buti nalang wala akong nakita!



"Oh Erza, nagising mo ba si Gray?" Tanong sakin ni Lucy.



Lumapit ako sakanila at mabilis na nilagok yung tubig sa pitchel.



"Erza naman! Wag ka namang uminom dyan!" -Natsu.



Sinamaan ko sya ng tingin kaya naman yumuko ulit sya at kumain.



"Ano ba nangyari Erza?" Umiwas ako ng tingin sakanya. "May sakit ka ba? Pulang-pula yung mukha mo."



---



"Eto na ba yung sinasabi nyo?" Huminto kami sa harap ng malaking gusali.



Bumuga sya ng usok at pagkatapos ay itinapon nya ang hawak na sigarilyo at tinapaktapakan.



"Oo. Eto yung Fairy Tail High." Sagot nya habang nakamasid sa harapan.



Napatango nalang ako at tinignan ang kabuuan nito. Eto pala ang sinasabi nilang Fairy Tail High. At totoo ngang mas malaki ito kumpara sa pinapasukan namin.



"Tutal, nakita mo na yan at nalaman mo na." Tumingin sya sakin. "Siguro naman ay kaya mo na. Maiiwan na kita dito."



"Oo. Ako na bahala dito." Tinapik nya ang balikat ko bago nya ko sya tumalikod at maglakad palayo sakin.



Tinignan kong muli ang Fairy Tail High.



Kailangan kong makapasok dito.



Inangat ko ang paningin ko at tumingin sa kalangitan. Madilim at mukhang uulan kaya naman binuksan ko ang hawak kong payong. Sakto naman ang pagbagsak ng ulan.



Ilang minuto din akong nakatayo sa harap ng Fairy Tail High nang mapagdesisyonan kong umalis na.



Hintayin nyo ko.



Hintayin nyo si Juvia.



***

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon