Chapter 51

160 15 8
                                    

LUCY


Tinatahak namin ngayon ang daan pauwi sa bahay namin. Walang nagsasalita saming apat. Sobrang tahimik. Tumingala ako at tinignan ang madilim na kalangitan.



Ginabi na kami sa pag practice ng play kaya late ang uwi naming apat ngayon. Maayos naman ang naging resulta ng practice namin. Pero bukas, dapat mas ayos at mas maganda na, dahil kinabukasan ay anniversary na ng FTH. Binalingan ko ang katabi kong si Erza. Hanggang ngayon ay wala pa akong naiisip na ipangreregalo sakanya. Tinatanggap naman nya kahit ano ang ibigay sakanya pero gusto ko kasi, espesyal sakanya yung maireregalo ko sakanya.



Bumuntong-hininga ako habang nakatingin parin ako sakanya. Seryoso ang mukha nya habang nakatingin sa harapan. Kanina pa sya ganyan. Pagkatapos ng break na ibinigay samin ni Master ay dumating syang walang kibo. Mukhang umiyak pa nga eh, namamaga kasi ang mata nya. Tinanong ko sya kanina kung may problema ba sya, pero iling lang ang isinagot nya sakin. Kahit hindi sya umamin ay alam kong meron. Kilala ko na si Erza kaya hindi sya makakapag deny sakin. Inisip ko nga na baka nag away sila ni Jellal eh, pero mukhang hindi naman... Kasi magkayap pa sila kanina eh.



Hay! Ewan!



Nang matanaw ko ang bahay namin ay nauna akong naglakad sakanila at binuksan ko agad ang bahay para makapasok. Sumalampak ako sa sofa at inalis ko ang bag na nakasabit sa likod ko. Nakakapagod! Sobra! Pero kahit na nanginginig ako sa kaba at pagod ang katawan ko ngayon ay hindi ko parin ipagkakaila na excited ako kahit papaano sa play na gagawin namin.



"Gutom na ako." -Natsu.



Medyo umusad ako ng tumabi sakin si Natsu sa sofa. Ewan ko ba pero medyo naiilang ako sa presensya nya. Siguro ay dahil hindi kami nagpapansinan nitong nakaraang araw? Kaya naiilang na ako ngayon. Tama, ganun na nga.



"Hindi ako kakain Lucy. Pasok na ako sa kwarto."



Hindi na ako nakasagot pa ng pumasok na si Erza sa kwarto nya. Nagkibit-balikat nalang ako. Baka masyadong napagod si Erza.



"Kayo na ang bahala ni Natsu dito Lucy. Akyat na ako."



Kinunotan ko ng noo si Gray at pinanuod ko syang umakyat hanggang sa makapasok narin sya sa kwarto nya. Anong nangyari doon? Mga wala ba silang ganang kumain ngayon?



Nagkibit-balikat nalang ulit ako at pumikit. Iidlip nalang muna ako. Mamaya nalang ako kakain.



-



GRAY



Bumangon ako sa kama ko at umiling. Hindi ako makatulog. Tiningala ko ang orasan dito sa kwarto ako halos alas dos na ng madaling araw. Bumuga ako ng hangin at tumayo para kuhanin ang jacket ko. Sinuot ko ito at lumabas ng kwarto.



Sumalubong sakin ang tahimik at madilim na kapaligiran ng makalabas ako. Naglakad ako ng tahimik at huminto sa pintuan ng kwarto ni Erza. Nagpalipas ako ng ilang minuto ng mapagdesisyonan kong bumaba at lumabas ng bahay.



Nilagay ko ang magkabila kong kamay sa bulsa ng suot kong jacket. Mabuti nalang at nagsuot ako nito dahil bumungad sakin ang malamig na hangin dito sa labas. Nagsimula na akong maglakad palayo sa bahay. Lilibangin ko nalang muna ang sarili ko.



Napapailing nalang ako kapag naaalala ko ang nangyari kanina nung nag-usap kami ni Juvia at nang makita kami ni Erza. Hindi ko sya nahabol ng umalis sya sa likod ng FTB. Alam kong nakita nya ang nangyari samin ni Juvia. Wala lang naman yon. Pero ang hindi ko maintindihan kung bakit ganun nalang ang reaksyon nya, umiyak sya eh.



Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon