Chapter 50

183 17 7
                                    

ERZA



"Nagulat ang tatlong prinsesa ng makita nila ang tatlong alipin na nakasuot ng magarbong kasuotan. Hindi sila nakakibo sa kinalalagyan nila. Hindi nila pinansin ang mga bisita na pilit silang kinakausap." -Mirajane.



Umarte kaming tatlo nila Lucy at Juvia. Hindi kami gumalaw sa kinalalagyan namin habang nakatingin kami sa tatlong lalaki na papalapit samin, si Natsu, Gray at Jellal. Nagsisimula na kaming mga practice ngayon para sa gaganaping play.



"Gulong-gulo ang kaisipan ng tatlong prinsesa ng makita nila ang tatlong iniibig nila. Halo-halo ang kanilang nararamdaman. Gulat at pananabik, dahil sa nakalipas ang isang taon ay bumalik ang kanilang iniibig." -Mirajane.



Huminto sa harapan namin ang tatlo. Hindi nila inaalis ang mga mata namin at ganon din sila. Seryoso ang mga mukha nila. Nasa gitna si Jellal at nasa gilid nya si Natsu at Gray. Sinilip ko silang dalawa. Laking gulat ko ng mapansin kong hindi nakatingin si Gray kay Juvia, kundi sakin. Mabilis kong inalis ang tingin sakanya at tumingin kay Jellal na seryosong nakatingin din sakin.



Gusto ko sanang sigawan si Gray dahil sa inaasta nya. Nag pa-practice na kami kaya dapat umaayos na sya! Baka mahalata sya ng iba na hindi sya nakatingin kay Juvia!



"Sa kalagitnaan ng pakikipagtitigan ng nga prinsesa sa kanilang iniibig ay biglang nag-iba ang kanta. Naging malumanay ito at nakakasayaw na awitin. Lahat ng mga bisita sa kanilang paligid ay mga nag-aya ng kapareho para makipagsayaw. Puno ngayon ang kalagitnaan ng palasyo ng mga nag sasayaw." -Mirajane.



"Pwede ka bang makasayaw, aking prinsesa?" Malumanay na sabi ni Jellal sakin at inilahad nya ang kanyang kamay sakin.



"Kahit naguguluhan si prinsesa Erza sa nangyayari ay malugod syang tumango sa kanyang iniibig at tinanggap nya ang kamay nito. Nagsimula na silang sumayaw kasama ang ma bisita." -Mirajane.



Nagulat ako ng ilayo ako ni Jellal sa mga katabi kong si Lucy at Juvia. Nakatalikod ako ngayon sa kanila kaya hindi ko sila makita. Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak nya sa bewang ko at seryoso syang tumingin sakin. Nanginginig ang kamay kong ipinatong sa balikat nya at inihawak ko ang isang kamay ko sa kamay nya.



Hindi ako mapakali ngayon kay Jellal. Parang may iba sakanya ngayon. Ayos na kami ah? Nag-usap na kami kanina bago mag umpisa ang practice.



Titig na titig talaga si Jellal sakin, lalo na sa mata ko. Mabilis akong nag iwas ng tingin sakanya.



"Tignan mo ko Erza." Bulong nya. Hindi ako kumibo at hindi sya sinunod.



Nanlaki ang mata ko ng ilapit pa nha ako sakanya. Tinignan ko sya. Parang isang maling galaw lang naming dalawa ay magtatama na ang labi naming dalawa.



"J-Jellal--"



"Gray! Saan ka pupunta?"



Inalis ko ang tingin kay Jellal at lumingon ako sa likuran ko. Tumigil ang lahat sa pagsasayaw at tugtog. Nakita ko ang likuran ni Gray na paalis ng stage. Nilingon ko si Juvia, nakayuko sya habang pinaglalaruan nya ng laylayan ng uniform nya.



Tinignan ko si Jellal. Inalis ko ang pagkakahawak sa kamay nya at sa balikat nya. Aalisin ko sana ang kamay nyang nakahawak sa bewang ko pero hinigpitan nya lang ang hawak don.



"Jell--"



"Wag kang aalis Erza." Mahinang saad nya at nilagay nya ang isang kamay nya sa bewang ko kaya ngayon ay nakakulong a ako sa bisig nya.



Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon