Chapter 54

176 14 8
                                    

ERZA



"Kinakabahan na ko..." -Lucy.



"Kaya natin yan!" -Natsu.



Huminto kaming apat sa harapan ng gate para pumila hanggang sa makapasok kami sa loob FTH. Pagkapasok namin aya agad na bumungad sa samin ang malaking banner na nakalagay na WELCOME TO FAIRY TAIL HIGH. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang FTH. Masyado talagang pinaghandaan at pinaggastusan. Maraming mga nakatayong booth sa paligid at madaming nagkalat ng mga estudyante na galing sa ibang paaralan.



"Tara Lucy! Punta tayo sa booth na yon! Ang daming pagkain!" -Natsu.



"Ayoko nga! Masisira na figure ko--Bakit mo dinala si Happy?!" -Lucy.



"Aye!" -Happy.



Bumuga ako ng hangin at nagpatuloy sa paglalakad. Hinayaan ko na ang mga kasama ko sa kung saan nila gustong pumunta. Ginala ko ang buong FTH ng mag isa hanggang sa dalin ako ng mga paa ko sa likod ng FTB. Sumalubong sakin ang malakas na hangin at ang tahimik na paligid. Naglakad ako papunta sa malaking puno na lagi naming pwesto at doon ako umupo at sumandal.



Kumuha ako ng maliit na bato sa gilid ko at initsa ko ito sa katapat kong ilog. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga at pumikit.



Hindi ko alam kung bakit ako nalulungkot ngayong araw. Dapat ay masaya ako ngayon dahil araw ngayon ng mahal naming paaralan.



At birthday ko ngayon...



Dumilat ako at dinama ko ang hangin na tumatama sakin. Hindi naman ako nakakaramdam ng ganito tuwing birthday ko. Hindi ako nalulungkot. Ginagawa ko lang kasi na normal na araw ang kaarawan ko.



Pero kanina pagkagising ko, hindi manlang ako binati nila Lucy. Dapat nga ay ayos lang sakin dahil hindi ko naman ginagawang espesyal ang birthday ko. Okay lang sakin kung walang bumabati sakin. Pero ngayon, hindi ko alam kung bakit ang lungkot ko dahil hindi manlang nila ako naalala.



Nakalimutan ba nilang birthday ko ngayon?




Bumuntong hininga ulit ako at pinilit kong ngumiti sa kawalan. Bahala na. Ayokong lamunin ako ng lungkot ngayon dahil baka maaapektuhan ang gagawin naming role play namin mamayang gabi. Isasantabi ko nalang ang lungkot ko. Isasantabi ko nalang na birthday ko ngayon. Tumayo na ko at pinagpagan ko ang uniform ko.



-



"Saan ka ba galing Erza? Kanina ka pa namin hinahanap." -Lucy.



Ngumiti ako sakanya at umiling. Naglakad ako palapit sakanila. Nasa isang booth sila ngayon na punong puno ng pagkain. Napailing nalang ako ng makita ko ang madungis na mukha ni Natsu, kasama si Happy.



Teka, kasama nya si Happy?



Inalis ko ang tingin sakanya at tinapunan ko ng tingin ang katapat nila na si Gray. Nakatitig sya sakin ngayon at mukhang nag aalala. Nginitian ko sya at tumabi sakanya sa upuan.



"Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap." Agad na nag init ang mukha ko ng marinig ko ang medyo paos na boses ni Gray malapit sa tenga ko. Mabilis kong tinignan si Natsu at Lucy na nakatapat namin. Mabuti nalang ay hindi sila nakatingin samin dahil nag aaway na naman sila.



"Naglibot lang ako." Sagot ko ng hindi nakatingin sakanya.



Nang maramdaman ko ang paghawak nya sa kamay ko na nasa ilalim lang ng lamesa ay tumikhim ako. Agad akong yumuko ng may maalala ako. Nangyari na ito dati nung araw na umamin syang mahal nya ako. Bumilis ang pagtibok ng puso ko sa alaala na yon.



Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon