Chapter 48

193 19 8
                                    

LUCY



Nandito ulit kaming anim sa bodega. Dating gawi. Mga seryoso at magkakatapat at makakatabi lang kami sa sofa. Nag sasawa na nga ako eh. Araw araw nalang kaming ganito.



Hay...



Habang nakatingin lang ako sa hawak ko, nakatingin lang talaga dahil blangko ang isip ko ay tumingin ako kay Gray. Seryoso ang mukha nya habang mahinang nagbabasa.



Ano na kayang tumatakbo sa isip nya ngayon? Anong mga balak nya? Ang hirap kasing basahin ni Gray eh. Simula kasi nung kausapin ko sya nung gabing iyon, lumamig ang pakikitungon nya sa lahat. Pati na kay Juvia. Minsan ko nalang kasi silang makita na magkasama.



Dahil nga nadamay na si Juvia, mas lalo tuloy akong naawa sakanya. Ako ba ang may kasalanan kung bakit malamig na ang pakikitungo ni Gray sakanya? Dapat ba kong sisihin dahil nagkaganito si Gray?



Bumuga ako ng hangin at pumikit. Hindi ko naman siguro kasalanan. Nagtanong lang naman ako sakanya. Gusto ko lang naman klaruhin ang lahat para naman maliwanagan ako kahit papano. Pero nung sinabi nyang mahal parin nya si Erza? Dun na ko naliwanagan, pero nagkaron ako ng mga bagong katanungan.



Dahil mahal pa nya si Erza, posible kayang ginagamit nya lang si Juvia? Pero kung ganon nga, bakit naman kaya pumayag si Juvia na gamitin sya ni Gray?



Kung mahal pa nya si Erza? Bakit wala syang ginagawa?



Nawala ako sa pag-iisip ko ng biglang may kumatok sa pinto. Dahil mukhang wala naman silang balak na tumayo para tignan kung sino yon ay ako nalang ang nagbukas.



"Master?" Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto. "Napunta po kayo dito." Hindi nya pinansin ang tanong ko at nilagpasan ako.



Grr!!!



"Kamusta kayo?" Sinara ko ang pintuan at bumalik ako sa sofa.



"Nagkakabisa parin po kami Master." Si Erza ang sumagot.



Tumango si Master at tumikhim. "Napunta ako dito mga bata para sabihin sainyo na ngayon kayo magsisimulang umarte."



"HA?!"



Ngayon na?! Bakit ang bilis naman?!



"Narinig nyo ako mga bata. Ngayon na." Tumalikod sya at lumapit na sa pinto. "Sumunod kayo sakin. Dun tayo sa stage." Pagkasabi nya non ay lumabas na sya.



BAKIT NAG BILIS NAMAN?!



Hindi pa ko tapos magkabisado eh?! Tapos aarte na kami?!



"Dalawang araw nalang pala bago ang anniversary." Kamot ulong saad ni Jellal.



ANO?! DALAWANG ARAW!?



"Bakit ganyan ang mukha mo Lucy?" Natatawang saad ni Erza. "Masyado ka atang seryoso dyan kaya hindi mo namamalayan na dalawang araw nalang bago mag anniversary."



SERYOSO?! TALAGANG DALAWANG ARAW NALANG?!



---



ERZA



Nandito kami ngayin sa stage kung saan kami aarte para sa play na gagawin namin. Nandito rin ang mga kaklase namin dahil sabi ni Master ay kasali sila sa play. Kaya ngayon, ang ingay ingay.



"AKO ANG PINUNO NG KAWAL KAYA SUMUNOD KAYO SAKIN HA? MAGING TUNAY NA LALAKI TAYO!" -Elfman.



"OO!" Sagot ng mga kaklase kong lalaki kaya naman napailing ako.



Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon