Chapter 27

254 15 4
                                    

-PAST-



Nagdaan na ang ilang buwan mula ng makuha ang babaeng nagngangalang Erza sa klaye ng mga matanda. Naging masaya ang kanyang buhay sa loob lang ng ilang buwan. Naging kaibigan na din nya ang lahat ng mga batang kasama nya at hindi na sya nakakaramdam ng hiya sa mga ito.



"Nasan na si Jellal?" Tanong ni Erza sa mga kaibigan.



"Hintayin mo lang yun."




"Dadating na yun. May ginawa lang daw sya."



Tumango si Erza sa sinabi ni Wally at tumingin sa kapaligiran.



"Erza, pwede bang magtanong?"



Binalingan ni Erza ang kasama at nakangiting tumango.



"Gusto mo ba si Jellal?"



Nagulat si Erza sa tinanong ni Simon. Maski ang kasamang sina Wally, Millana at Sho ay nagulat.



"H-ha? B-bakit m--"



"Nandito na ko!"



Napalingon ang mga bata sa parating na si Jellal. Tumaas naman ang kilay ni Simon ng makita na masayang masaya ang mukha ni Erza ng makita ang batang lalaki.



"Anong pinaguusapan nyo?" Tanong ni Jellal.



"A-ah..." Lumikot ang mata ni Erza at tinignan si Simon. "W-wala. N-nagtatanungan lang kami kung ano yung tunay naming pangalan."



Tumango-tango si Jellal at tumabi ito sa mga kasama.



"I-ikaw J-jellal? A-ano ba yung tinay mong pangalan?" Nahihiyang tanong ni Erza sa kaibigan.



"Jellal. Jelllal Fernandes."



"Ikaw nga pala Erza? Ano yung tunay mong pangalan?" -Millana.



"Oo nga. Ilang buwan ka na naming kasama pero hindi namin alam ying tunay mong pangalan." -Wally.



Yumuko si Erza at nagsalita. "Erza."



"Erza lang?" Takang tanong ng mga bata.



"Oo. Erza lang." Malumanay na sabi ni Erza.



"Erza? Ang lungkot naman." Sagot ni Jellal at lumapit kay Erza.



Medyo nailang si Erza ng hawakan ni Jellal ang buhok nya.



"Ang ganda ng kulay ng buhok mo. Kulay Scarlet." Sabi ni Jellal habang hawak ang buhok ni Erza.



"Alam ko na! Alam ko na ang magiging pangalan mo." Napatingin ang nga bata kay Jellal.



"Mula ngayon, ikaw na si Erza Scarlet." Masayang sabi ni Jellal.



"Teka, bakit mo binibigyan ng pangalan si Erza?" -Simon.



Hindi pinansin ni Erza ang nasa paligid at hinawakan ang sariling buhok.



"Scarlet? Erza Scarlet? Ang gandang pangalan."



"Nagustuhan mo ba?" Tumango naman si Erza kay Jellal.



"Iyang buhok mo ang hindi ko makakalimutan." Nakangiting saad ni Jellal kay Erza.



-1 YEAR-



Taon na ang lumipas at mas lalong naging masaya ang buhay ni Erza. Tuluyan na nyang hindi naiisip ang madilim na nakaraan nya. Lagi rin nandyan ang mga kaibigan nya upang kalimutan ito at pasayahin sya.



Sa loob ng bahay, ay ipinatawag ni Porlyusica ang mga bata.



"May sasabihin ako sainyo." Tumahimik ang mga bata at nagpatuloy ito sa pagsasalita. "May darating na bisita ngayon."



"Yehey!"



"Sana kunin nila ko!"



"Bakit naman? Ayaw mo na kaming kalaro?"



"Hindi naman. Para kasing iba kapag may pamilya."



Nag-angat ng tingin si Erza ng maramdaman nyang may humawak sa balikat nya. Si Jellal.



"Okay ka lang ba?" Nagaalalang tanong ni Jellal sakanya.



Hindi nagsalita si Erza bagkus ay malungkot itong yumuko.



May pakiramdam syang may kukunin sakanila ngayon. Ayaw man nyang isipin iyon ngunit hindi mawala wala ang pakiramdam na yon. Lalo na't may pakiramdam sya na isa sa malapit na kaibigan nya ang maaampon.



"Wag kang malungkot Erza. Nandito ako." Nakangiting alo ni Jellal kay Erza upang hindi ito lumungkot.



"Kahit anong mangyari, babantayan kita."



"Nandyan na sila." Umalis si Porlyusica sa harapan ng mga bata upang pagbuksan ng pinto ang dumating na bisita.



Nagbulungan ang mga bata. May masaya dahil may aampon sakanila at meron ding malungkot dahil mababawasan sila. At isa na don si Erza.



"Eto po ang mga bata. Mamili nalamang po kayo. Huwag po kayong mag-alala dahil lahat po sila mababait." Paliwanag ng matandang si Porlyusica sa bisita.



Tinignan isa isa ng bisita ang mga mukha ng bata. Sinusuri nitong mabuti kung sino ang aampunin nya upang maiuwi.



"Sya."



Natahimik ang lahat ng magturo ang bisita.



"Sya ang gusto kong ampunin."



Nanlaki agad ang mata ni Erza at mabilis na tinignan ang kaibigan.



"Yan po si Jellal. Sya po ba ang gusto nyong ampunin?" Tumango ang bisita kay Porlyusica.



Nakayuko lang si Jellal habang pinapakinggan ang mga sinasabi ng nasa paligid. Hindi sya makapag isip ng maayos ng sya ang piliing ampunin ng bisita.



Si Erza naman ay hindi maipaliwanag ang nararamdaman. Nakatulala lang ito kay Jellal na mukhang malalim ang iniisip.



"Jellal, halika dito."



Natauhan si Erza ng tumayo si Jellal upang lumapit sa pwesto ng mga matatanda.



Gusto nyang umiyak dahil si Jellal ang kukunin. Gusto nyang sumigaw dahil mawawala na si Jellal. Pero sarado ang isip nya sa mga nangyayari sa paligid.



"Mula ngayon Jellal, sya na ang bago mong pamilya."



***

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon